Chapter 4

49 9 1
                                    

04. — Am I pitiful?
Warming The Cold Coffee
Vexzan's POV

_\̅_̅/̷̚ʾ_

MARAHAN kong tinanggal ang basa kong apron at isinampay ito sa sandigan ng upuan dito sa back house ng café. Napainda ako sa kanang paa ko dahil sa pamamaga. Hindi ko alam na bibigay na itong pekeng paa ko.

It's my my lola's gift to me when I got my first job. Masiyado na ngang luma ngunit napagtitiisan ko pa dahil isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy.

Umupo ako sa upuan at napabuntong hininga dahil sa aksidenting nagawa ko. Napatukod ang siko ko sa kaharap na mesa at sinalo ng mga palad ko ang aking mukha.

What I've done is a chaos. Gusto ko lang naman na mapalapit kay Zeno but what just happened is a mess.

Babagsak na sana ang mga luha ko ngunit mabilis itong umurong sa pagtingala ko. Malakas na pagbukas ng pinto ang sumalubong sa akin. At namilog ang mga mata ko ng iniluwa nito si sir Jack. At galit na papalapit sa mesang inuupuan ko. Hindi ako nakaiwas ng mabilis niya akong pasadahan ng kanyang malaking kamao. Natumba ako sa kina-uupuan ko at napayakap sa sahig. Habang hawak-hawak ng aking kaliwang kamay ang pisngeng pinagtamaan ng kanyang suntok.

"You're a shame! Hindi mo alam kung anong kahihiyan ang ibinigay mo sa akin kanina," bulyaw nito. Hindi ko maipigilang matakot sa lakas ng boses niya. Naduwag nga ako sa naganap kanina, mas maduduwag ako sa mga susunod na gagawin nito. He's roaring his anger to me.

"I'm sorry sir. I didn't meant to—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng kwelyuhan niya ako it pinilit na tumayo. Halos maluha ako hindi dahil sa kaba kundi dahil sa sakit ng kanang paa ko. Sa bawat paggalaw kasi nito ay namimilipit ako sa sakit.
Everyone here in the shop didn't know about my artificial foot. Tanging ang owner at mismong ako lang ang may alam sa kondisyon ko. And even if sir Jack knew. It will never change the situation because anger devoured him so much.

Nagsimulang ihinakbang ni sir Jack ang kanyang mga paa papalabas ng back house nitong café at wala akong nagawa kundi sumunod at mamilipit sa sakit.

He tightly held my collar and pulled me outside with his heavy steps. I didn't stop making apology but he didn't want my apologies either. He don't want to hear my excuses. Parang natakpan na ng galit ang buong ulo nito at hindi na niya ako marinig.

Pinagtitinginan kami ng mga nakaupong customer ng makarating kami sa counter area. Maririnig mo ang mga bulong bulungan at pagtawa ng mga iilan. May ibang makikita mo sa kanilang mga mata na gustong gusto nilang nahihirapan pabalik ang taong may nagawang kasalanan. Sino nga ba naman ang makakalimot ng kaguluhan kanina. Maybe I deserve this treatment.

Nilamon ako ng kahihiyan. Kahihiyang hindi ko na dapat muling maramdaman pero siguro tama lang ito sa akin. I'm a coward recently to tell the truth and this is the result of my action. But maybe this is for the best, dahil alam ko naman na pagtatawanan lang ako ng lahat kapag sinabi ko ang totoo.

Pinipilit kong makahinga sa mahigpit na pagkakahawak nito sa aking kuwelyo. Ngunit mas tinitimbang ko ang balanse ng aking katawan dahil sa pamamaga ng aking kanang paa. My artificial foot is faulty, and the more I move the more painful it is. Humihigpit nang humihigpit ito. Hangga't hindi ko ito maayos ay masasaktan at masasaktan ko ang sarili ko. But how can I fix it in this kind of situation?

Pinangungunahan ng galit ang asawa ng owner namin kaya hindi ko maipaliwanag ang sitwasyon ko. At kahit i-open ko ang concern ko ay hindi rin niya pakikinggan. He's sir Jack by the way. The man of the law in his perspective. Kaya marahan ko na lang na ipinikit ang mga mata ko at ininda ang sakit, kahihiyan at tinginan. Somehow I'm trained to experience this negativity simula ng mabuhay ako dito sa mundo.

Warming The Cold CoffeeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora