Chapter 1

235 43 52
                                    

01. - Along With You.
Warming The Cold Coffee


_\̅_̅/̷̚ʾ_

PREPARING the four slices of cake and two coffee cups in the large tray after I finished mixing the coffee is a zest feeling.

Ngunit ang sayang naibigay ng tinimpla ko ay napalitan na lang bigla ng takot dahil sa sobrang dami ng tao ay wala na akong mapag-utusan na server. Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at lumabas sa loob ng maliit na espasyong aking tinitimplahan. Ikinalma ang sarili at harapin ang nagkukumpulang tao.

Umikot ang ulo nang karamihan simula nang ako'y lumabas. Suot-suot ang hoodie jacket ay 'di napigilang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Ngunit mabilis ko na lang na hinanap ang table na may number kapareho ng number table para dalhin ang orders. At upang makabalik na ako sa aking pwesto.

Ngunit hirap akong hagilapin ang lamesang hinahanap ko. Bukod sa maraming nagkukumpulang mga tao ay may kalakihan kasi ang café building na aking pinagtratrabahuhan.

When my eyes reach the table that I'm looking for, I hurriedly lift the tray and headed towards their table.

May dalawang nakaupo doon na babae. Ngunit muling nabaling ang aking tingin sa nag-iisang babaeng naka-upo sa kanilang likuran. Biglang lumuwag ang aking pakiramdam simula nang hawiin nito ang kaniyang mahabang buhok at napatingin sa aking kinakatayuan. Nagtama ang aming mga mata dahilan kaya binalot ako ng hiya at umiwas ng tingin sa kaniya.

Ang mukha ni Vex ang bumungad sa akin nang umiwas ako ng tingin. Katrabaho ko dito sa shop. Napabaling ang aking tingin sa kaniya nang makita kong kakaiba ang mukha nitong tumingin sa'kin. Hindi ko mapigilang mabigla sa kaniyang ginawa.

Pero hindi ko na lamang siya ininda at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para ihatid ang order ng dalawang babae sa kanilang lamesa. Ngunit laking gulat ko ng mahulog ang tray na hawak ko at bumuhos ang mainit na kape sa isang malaking lalaki na nakaupo sa tabi ng lamesang dinaanan ko.

Malutong na mura ang natanggap ko kasabay ang pag-usog ng upuan nito dahil sa kaniyang mabilis na pagtayo. Nang maramdaman niyang umagos ang mainit na tubig sa matipuno nitong katawan.

"Are you blind!?" bulyaw nito sa'kin at mahahalata mo ang biglang pag-init ng kanyang ulo.

Kinabahan ako at nanlaki ang aking mga mata ng makilala siya. Si sir Jack, ang asawa ng may-ari nitong café. Ngunit mas niyakap ako ng kaba nang mahigop ng sigaw ang lahat ng attensiyon sa shop.

"I'm so sorry sir, hindi ko po sinasadya," dahil sa taranta, mabilis kong kinuha ang basahan na nakasabit sa baywang ko at pinunasan ang nabasa nitong katawan habang patuloy pa rin ako sa paghingi ng patawad.

We all know that sir Jack is a bad temper person. Walang nagkakaroon ng lakas na loob na kausapin siya dahil natatakot sila sa posibleng magawa niya. Dahil basi sa kaniyang perspiktibo, siya ang batas sa kanyang sarili.

"Mukha ba akong lamesa? Alisin mo nga sa akin 'yan!" napainda ako sa sakit ng dumapo ang malaki nitong kamay sa kanang bisig ko. Gusto ko mang mamilipit sa malakas na pagtapik ng kanyang matipunong kamay ay hindi ko magawa dahil kailangan kong humingi muna ng patawad sa kanya para maging mahinahon ang tensiyon sa loob ng shop. Dahil alam kong nanganganib ako sa trabaho ko.

"Pasensya na po sir, hindi ko po sinasadya," paulit-ulit 'kong paghingi sa kanya ng tawad. Kasabay ang pagyuko ng aking ulo ngunit hindi pa rin nagpaawat si sir Jack na nakatayo na sa harapan ko.

"Matutuyo ba ng sorry mo itong damit ko?" bulyaw ulit nito. Hindi ko naman talaga sinasadya na mabuhusan siya ng dala-dala ko. Maganda ang balanse ng kamay ko at pagkakahawak sa tray kaya kahit maging ako'y nabigla ng mahulog ito sa kanya.

Warming The Cold CoffeeWhere stories live. Discover now