Chapter 2

144 35 27
                                    

02. - Acceptance
Warming The Cold Coffee
Zeno’s POV


_\̅_̅/̷̚ʾ_


NAPALAKLAK ako ng isang boteng mineral water nang huminto kami sa isang mall. Malayo-layo rin ang tinakbo namin at hindi ko maikakaila na hiningal ako ng sobra. Hindi ako sanay sa mga malayuang pagtakbo mas lalo naman ang walang exercise kong katawan.

Pero itong kasama ko ay nakakaya pa ring ngumiti, parang balewala lamang sa kanya ang pagtakbo at pagdala sa akin sa kung saan-saang eskinita. Ni hindi na nga siya uminom ng tubig dahil hindi naman ito hinihingal.

Napapunas ako ng labi gamit ang likurang kamay ko nang maubos ko ang isang boteng mineral.

"Gusto mo pa ba?" Pag-aalok nito ng hawak niyang tubig na hindi pa niya nababawasan. Hindi naman ako nag-atubiling kunin ito at mabilis na ininom. "Hindi ka pala pwede maging snatcher," sambit nito at nagulat akong tumingin sa kanya.

"M-magnanakaw ka?" Hindi ko mapigilang kabahan. Dahil magiging sobrang malas ng araw ko ngayon kung mananakawan pa niya ako. Wala na nga akong babalikan na trabaho at tanging cellphone na lang ang natira sa aking bulsa.

"Sasagot ba ang magnanakaw kapag, tinanong mo siyang magnanakaw?" at malakas na tumawa ito. "Syempre hindi no!"

"Pasensya ka na, hindi lang kasi talaga kita kilala," napayuko kong sabi.

"It's Elinor Acantha. Call me Eli for short," sambit nito sabay abot niya ng kamay sa 'kin. Nahihiya man ako ngunit inabot ko ang kanyang kamay at nagpakilala na rin.

"Zeno Mallari," at nagkayakap muli ang aming mga palad sa ikatlong pagkakataon.

I don't know why I followed her. Pero 'nong simulang ipagtanggol niya ako kanina kay sir Jack hindi ako nagdalawang isip na pagkatiwalaan siya. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko man siya lubos na kilala at mas lalong siya ay hindi rin niya ako kilala ngunit matapang niya akong pinagtanggol. Napakalaking bagay ng maituturing iyon sa akin. Sobrang laki.

"Baka gusto mo nang bitawan ang kamay ko?" sambit ni Elinor habang nakatitig sa magkahawak naming mga kamay. Mabilis naman akong napabitaw at dahil sa hiya ay napayuko pa akong humingi ng tawad sa kanya.

"Pasensya na talaga," pagpapatawad ko ulit.

"Ano ka ba, wala yun!" natatawang sabi nito sabay siko sa 'king tagiliran. "Total dito na rin tayo sa mall, bumili na rin tayo ng damit na maisusuot. Para tayong mga basang sisiw," dugtong nito.

Basang-basa pa rin kasi ang damit namin dahil na rin sa nadagdagan ito ng pawis kakatakbo. Gustong-gusto ko nang magpalit ng damit dahil hindi ko na rin maikakailang nilalamig na rin ako dahil sa malakas na aircon dito sa mall.

Ang kaso... "wala akong pera," nahihiya kong sabi kay Elinor at hindi na nakatitig pa sa kanya ng diretso.

"Don't worry, I got you. Bawi ka na lang next time," sambit nito.

"Next time?" Pagtataka kong tanong sa kanya.

"Ouch ha, ayaw mo na akong makita ulit?" Natatawang sabi nito sa 'kin. Hindi naman sa hindi ko na gusto siyang makita. Pero nakakapanibago lang kasi na may tao pang gusto akong makita ulit. Na gusto pa niya akong makasama sa susunod.

"Hindi lang kasi ako sanay. At 'saka wala na akong trabaho," malumanay kong sabi sa kanya. Napayuko ulit ako dahil sa hiya.

"Akin na 'yong cellphone mo?" Sambit nito habang ini-aabot ang kamay nito sa 'kin. Napa-angat naman ako ng ulo at nagtama ang dalawa kong kilay dahil sa pagtataka.

Warming The Cold CoffeeWhere stories live. Discover now