Chapter 3

67 11 6
                                    

03. He looks normal
Warming The Cold Coffee
Zeno’s POV


_\̅_̅/̷̚ʾ_

PILIT kung pinunasan ang mga luhang umaagos sa aking pisnge. Naupo ako sa isang maliit na upuan ng dalhin ako ng aking mga paa sa sakayan ng bus station. Marahan akong yumuko at pilit na ikinikubli ang aking mukha sa suot na hoodie dahil sa mga matang nakatingin. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo. Gusto ko na lang umuwi.

Bakit pakiramdam ko ako na lang palagi ang nakikita? Am I a magnetic field to attract those eyes. Tinakpan ng mga mainit kong palad ang aking mukha at doon napahagulgol ako sa pag iyak.

"Don't be too hard on yourself. They didn't know what you've been through," natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses. Ngunit mas nanuot sa aking pakiramdam ang mga katagang binitawan nito.

Namilog ang aking mga mata ng makita si Vexzan na sa aking tabi nakatayo. Marahan akong napa-usog papalayo sa kanyang kinatatayuan at napangiti naman ito dahil tila alam niya kung bakit ako umiiwas. 

“Pwede ba akong maupo?” sinalubong muli ako ng ngiti nito. Gusto kong magalit sa ginawa niya kanina pero wala akong mahanap na galit sa puso ko. I don't know why. But I feel the tranquility on his presence. Kaya tumango ako para sa pagsang-ayon at marahan itong umupo. 

"Natanggal na ako sa trabaho," sambit nito at napatingin sa malayo. I saw the sadness on that look.

"Matapos kayong tumakbo, binalikan ako ni sir at kinaladkad papalabas sa shop, ” he give a deep sigh and suddenly look at me.

“Giniginaw na nga ako e," nahihiyang ngumiti itong nagsalita sa akin habang sapo ang magkabilang balikat nito. Ang basang uniporme pa rin ang suot ni Vexzan. Ramdam ko ang hiya sa kanyang mukha kaya hindi ito makatitig sa akin. 

"Here!" Sambit nito pero hindi pa rin ito makatitig ng maayos. Napatingin naman ako sa kanyang kamay na may ini-abot na isang mainit-init na kape dahil umusok pa ito. It's awkward. Really awkward. 

"Anong gagawin ko riyan?" Tinitigan ko lamang ang ini-abot nitong timpladong kape at marahang inayos ang pagkakaupo ko sa tabi niya. Hindi ko na naisip na umalis at iwasan na lang si Vexzan dahil ramdam ko naman na mapayapa na ito.  Bukod don ay gusto ko nang umuwi sa susunod na pagdating ng bus.

"Bukod sa iinumin ay pwede mo rin itong ibuhos sa akin," nagkasalubong ang mga mata namin. Mabilis naman kaming napaiwas ng tingin at hindi na napigilang mapatawa si Vexzan at napangiti naman ako. Dahilan para tanggapin ko ang inabot nitong kape.

I don't know that Vexzan has this side. He lighten the heaviness by throwing funny things. Paano ko nga ba naman malalaman, hindi naman ako nakikipagkaibigan sa mga tao. 

"Thanks, " and he give me a warm smile. Dahil na rin siguro sa napagod ako kakatakbo ay ininom ko na rin ito. Isa akong barista. I always prepare and give a cup of coffee for my customer, but this is my first time receiving a cup of coffee from someone I'm not acquainted to. I appreciate it. 

"Zeno, are you mad at me?" Bigla akong napatingin sa kanyang direksiyon. Pero nakatingin lamang itong muli sa malayo. Alam kong wala siyang mukhang maihaharap sa akin dahil sa nagawa nitong pagkakamali kanina. But I awed him for his courage to talk to me, which I can't do.

Nahihinayangan akong nawalan ako ng trabaho pero kung tatanungin ako kung galit ba ako kay Vexzan. I don't know. May dahilan para magalit ako pero hindi ko maramdaman kung sapat ba ang dahilan na iyon para magalit ako sa kaniya. He approach me calmly therefore I'll do the same. 

Warming The Cold CoffeeWhere stories live. Discover now