CHAPTER 12

320 30 0
                                    


"Ano ba 'yan! Bulok!" pang-aasar ko ng matalo ko nanaman si Grix. Kasalukuyan kaming naglalaro ng Tekken dito sa Arcade. "You're bad at this game."

"I don't know how to use this hero, okay?" pagdadahilan niya. The fact na walong beses na siyang defeated at bawat round, nagpapalit siya ng hero.  "Nagugutom ka na? Meryenda muna tayo" suggest niya.

"Mamaya na, gusto ko pang maglaro, eh" I said. "Can I borrow your card? Sa claw machine lang ako, bye!" I immediately walked towards the machine when he handed me the card. I'm just enjoying things! Lalo na't papasok na ako sa trabaho bukas.

I'm trying to concentrate myself and thinking some strategies kung paano ko makukuha itong dolphin stuff toy.

Naka-ilang attempt na 'ko pero hindi ko pa rin nakukuha. Nakakangalay, kanina pa ako nakatayo dito! Nakakaubos din pala 'to ng pasensya?

I swiped the card and started moving the joystick, again! Tinantsa ko muna ang babagsakan ng claw, then I pressed the button.

"Tanga!" naiinis kong dinuro yung machine nang mahulog yung dolphin mula sa claw. "May daya 'tong letseng 'to, sigurado ako" I confidently said while pointing at the machine.

"Just buy the whole machine, gawin mong libangan at sa office, pwede ring business" walang kwentang suggest ni Grix. Nakaupo siya sa likuran ko. "Dagdag income din 'yon."

"This is not even relaxing, it's stressful! Isang stuff toy lang naman ang hinihingi ko!" I faced him.

"Ang daming ganyan sa department store, babe. Kumalma ka, machine 'yan, hindi' yan sasagot" he chuckled.

"As if I'm talking to it, alam kong hindi naman talaga sasagot' yan" pagsusungit ko. "One more try" I took a deep breath before swiping the card.

"Don't worry, ipagdadasal kita" sabi niya. "Easy lang 'yan babe, ako nga nakuha mo eh" banat niya. Inismiran ko siya tsaka itinuon ang sarili sa claw machine.

"Punyeta!" singhal ko ng sumablay nanaman. Napansin ko ang pagtingin ng mga batang naglalaro sa gawi ko at inosente silang nakatingin sa'kim. "S-Sorry" I covered my mouth and gave them a piece sign.

"Manners naman, Mr. Vizcar" iiling-iling na sabi ni Grix, kunwaring disappointed.

"Let's go? Nagugutom na ako" aya ko sa kanya.

"Sure, gutom na rin ako" tumayo siya mula sa pagkakaupo. Naglakad na kami palabas ng Arcade. "Saan mo ba gustong kumain?" he asked.

"Kahit saan, meryenda lang naman" sabi ko. Nangunguna siya sa paglalakad, nakasunod naman ako sa kanya. "Gusto ko sana ng banana split tapos palabok" sambit ko.

I'm craving for it. That's my favorite tandem! Kung hindi banana split, halo-halo. Naalala ko noong may pasok pa kami, lagi kong pinipilit sina Eric mag-cutting para lang may kasama akong kumain.

"Sa Mang Inasal tayo, my treat" he said. Sumakay kami ng escalator dahil nasa second floor 'yon. Nang makarating kami, pumila na kaagad si Grix, ako naman ay naghahanap ng bakanteng table para sa aming dalawa. Sinabi ko na sa kanya ang order ko kanina.

"Oh my gosh! Is that Grix? Hala ang pogi!" napalingon ako sa mga babaeng nasa kanan ko ng makaupo ako. They're pointing at Grix who's currently looking at the monitor.

"Oo! That's him! Ang hot niya! Pa-picture tayo!" kinikilig pang sabi nung isa. Hindi ko na sila pinansin at nag-scroll nalang sa phone ko habang hinihintay si Grix.

"Ang lalandi niyo! Mamaya na lang! Busy pa siya" saway nung isa sa kanila. "Girls, may anghel sa kaliwa, look, naka hoodie" bulong niya pero narinig ko naman.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now