CHAPTER 2

576 49 5
                                    


"Buti nalang talaga nakapag-pigil ako, pare, kung hindi, bugbog sarado na 'yon ngayon" sabi ni Eric.

"Hindi ka sure, baka naman ikaw ang bugbog sarado hanggang ngayon, tingnan mo mukha mo pasmado!" pang-aasar naman Sab.

Kumakain kami ng tanghalian dito sa isang restaurant, dito lang rin naman sa beach resort. Ang sabi kasi sa meeting, bring your own lunch, at dahil mga batas kami, hindi kami nagdala.

"Eh kung bugbugin ko kayo, ha? Gusto niyo?" banta ni Sharnie sa dalawa.

"Ang harsh mo naman, sis!" si Sab.

Pagkatapos kumain ng tanghalian, hindi na kami nagtagal pa sa restaurant at kaagad na tin kaming bumalik sa mga kwarto namin.

"Ry, sure ka bang ayos ka lang talaga?" nag-aalalang tanong ni Kevin.

"Oo nga, tsaka matutulog nalang siguro muna ako Kevin, mamaya pa naman magsisimula ang program" sabi ko sa kanya.

"Sige, ikaw ang bahala. Gigisingin nalang kita mamaya kapag kakain na ng hapunan" he assured.

Tumango lang ako sa kanya tsaka ko hinilata ang sarili ko sa kama.

Dahil sa sakit ng ulo at pagod na nararamdaman ko, mabilis rin akong dinalaw ng antok.

Zzzzzzz!

Zzzzzzz!

Zzzzzzz!

Zzzzzzz!

Zzzzzzz!

"Huy, Ry, gumising ka na, maghahapunan na" Kevin whispered while gently tapping my shoulder.

Inilapit pa niya ang tenga niya sa bandang mukha ko. "Humihinga ka pa ba?" pabirong tanong niya.

Kaagad ko naman siyang binatukan. "Siraulo ka talaga."

"Tara na kasi, dalian mo na diyan, naghihintay na sina Sharnie sa'tin doon sa resto" he said.

"Oo na, ito na babangon na" singhal ko bago tumayo sa kama.

Madilim na ang paligid nang sumilip ako sa bintana. Ang haba talaga siguro ng itinulog ko.

Inayos ko pa muna ang sarili ko bago kami tuluyang lumabas at naglakad papunta sa napag-usapan naming restaurant kanina.

"Good evening, mahal na prinsipe" pabirong bati sa'min ni Sab nang makapasok kami ni Kevin sa restaurant. "Order na tayo! Kanina pa ako nagugutom" excited na sabi ni niya.

Tiningnan ko ang menu para pumili ng makakain ko. Puro seafoods naman dito, kung marami lang akong pera, inorder ko na lahat.

"Grabe, hindi pa rin ako maka-get over doon sa ginawa sa'yo ni Grix, beh" napapailing na sabi ni Sharnie.

"Hindi naman siguro sinasadya, pero sana man lang humingi siya ng sorry 'di ba? Ang gago lang" gatong naman ni Eric.

"Get over it, hayaan niyo nalang siya" sabi ko habang nakamasid sa pagkain.

"Ayan nanaman siya sa bait-baitan effect niya, laos na ang ganyang style at gamit na gami na" parinig ni Sab sa'kin.

"Eh, ikaw kaya ang tamaan ng bola tapos sisihin dahil hindi ka tumitingin!? Anong katangahan ang tawag doon?" inis na tanong ni Eric sa kanya.

"Oh, bakit nagagalit ka? Anong pinaglalaban mo? Tsaka anong connect no'n sa sinabi ko? Ha?" sarkastikong tanong ni Sab kay Eric. "Alam mo, mema ka, beh."

Natameme naman si Eric, mukhang na-guilty yata. Oo nga naman, tama naman si Sab. Ano bang pinupunto ni Eric? Wala. Lutang.

"Kayo, lagi nalang kayong nag-aaway, bawat oras, minuto at bawat araw, ah. Alam niyo mga beh, diyan nagsimula sina Mama't Papa sinasabi ko sa inyo" tukso ni Sharnie sa dalawa.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now