CHAPTER 14

338 36 2
                                    


[Hurry up babe! Ma le-late tayo!Nakakahiya sa mga kaibigan mo!] pagmamadali ni Grix sa kabilang linya.

"Huwag kang mag-alala, kung on the way na tayo, naliligo pa lang sila, sanay sila sa Filipino time" sabi ko habang nagsusuot ng sapatos.

Tinapos ko na ang mga gawain ko sa opisina kanina, isang linggo rin akong naghintay at nagbabad sa trabaho. I think, I deserve a break, we deserve a break. Ito yung araw na napag-usapan naming mag ka-club kami.

[Parang ikaw lang, sabi mo alas otso kita susunduin, pero alas nuebe na, hindi pa rin tayo nakakaalis!] nadamay pa tuloy ako.

"Ito na nga 'di ba? Nakabihis na, bababa na."

[Bilisan mo, I want to get my reward].

Kumunot naman ako noo ko. "Reward? Para saan? Ano bang ginawa mo?" tanong ko.

[Almost one hour na akong naghihintay dito, babe, nangangawit na ako!] reklamo niya.

"Kasalanan ko? I told you to come inside pero tumanggi ka, 'yan ang napapala mo, mangawit ka diyan hanggang bukas!" then I ended the call.

Mabilisang sipat muna sa salamin ang ginawa ko bago bumaba. I'm wearing a plain white t-shirt, a leather jacket, a black jeans, and pair of blue shoes.

"Manang, alis na po ako!" paalam ko sa maid na nakasalubong ko sa sala. "Si Ryle po? Nasa kwarto na niya?" I asked bago ako tuluyang makalabas ng pinto.

"Oo, kadadating lang rin, galing daw siya sa bahay ng classmate niya" sabi ni Manang. "Ingat ka" she waved her hand.

Tumango naman ako at lumabas na ng bahay. Wala sina Mama't Papa, may kailangan daw kasi silang asikasuhin sa Singapore, isang linggo rin silang magtatagal doon.

"Finally, you're here" salubong ni Grix ng makalabas ako sa gate ng bahay. Nakasandal siya sa sasakyan niya, he's wearing a black-and-white vertical striped button-down long sleeves, a black jeans and a pair of black shoes.

"You look good, as always" I kissed his cheek before going inside the car. Simple lang ang suot niya, pero he can still stand out among others, even me! His boyfriend.

"OOTD ka ngayon, ah?" pinasadahan niya ng tingin ang suot ko ng makaupo siya sa driver's seat. "You even look like a model, babe" pambobola niya.

"Sira, ganito yung suot mo noong nag-shoot ka sa Metro Magazine, ginaya ko lang" well that's true, yung sapatos at plain white t-shirt lang ang naiba. "Tara na, papunta na daw sila" I looked at my phone dahil sa texts ng mga kaibigan ko.

"I miss you babe, so much" sabi niya at umiiling-iling pa. Pero ang totoo, magkasama naman kami kahapon! "Kung pwede lang kitang halikan babe, ginawa ko na."

Hindi ko alam kung anong pinupunto ng isang 'to, pwedeng-pwede niyang gawin 'yon dito sa loob ng kotse niya kahit anong oras, at tinted naman 'tong kotse niya. Ang daming intro sa buhay!

"Hindi ba pwede? Nagpapabebe ka lang naman siguro 'no?" tanong ko.

"Hindi 'no!" tanggi niya at nag-iwas ng tingin. "I'm just......trying to......"

"To? You're trying to?" nag-aabang ako sa isasagot niya.

"Never mind" he shook his head. Bago niya i-start ang makina ng sasakyan ay tinaninam ko na siya ng halik sa labi. Hihiwalay na sana ako pero  hinawakan niya ang batok ko at mas lalong idiniin ang mukha ko sa kanya.

Lumalim rin ang mga halik niya, he started sucking on my upper and lower lip. "I love you" sambit niya at patuloy pa rin sa paghalik.

Bumaba ang mga halik niya sa panga ko, ako naman ay naghahabol ng hininga. Matunog ang mga halik niya pababa sa leeg ko, his kisses was sloppy. I closed my eyes and clenched my fist, trying so hard not to make a sound.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now