CHAPTER 25

460 35 10
                                    


"Good morning, where are you going?" tanong sa'kin ni Mommy ng dumaan ako sa sala. I just gave her a smile and continue on walking. "Ayaw pang sabihin. Oh, sige, ingat sa pagda-drive" bilin pa niya.

I'm going to the cemetery, to visit someone, well, birthday niya rin ngayong araw. That's why this day is a special one for me. Lumabas na 'ko ng bahay at sumakay na sa kotse ko. Pinainit ko muna ang makina bago tuluyang mag-drive paalis.

Dumaan rin ako sa mga shops para bumili ng cake, just a small one, and some flowers. By the way, I'm wearing a yellow button-down long sleeves tucked inside my white pants, and a pair of blue shoes.

Since Sunday naman ngayon, I planned to stay there 'till sunset . Bukod sa cake at flowers, may dala rin akong mat, some snacks, at tubig. Ang tagal na rin kasi noong huli akong dumalaw.

Mag-aala-una na rin ng makarating ako sa sementeryo. Pagkababa ko sa kotse, kinuha ko na mula sa backseat ang mga gamit na dala ko at nagsimula ng maglakad papunta sa puntod niya.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you" pagkanta ko ng marating ang puntod niya. "Happy birthday, Yohan" I smiled.

Linatag ko ang mat sa damuhan tsaka isa-isang ilinapag ang mga dala kong gamit. "Ano? Na-miss mo 'ko? Sorry kung three years na rin noong huli kitang dinalaw. Tinanggap ko kasi yung offer na binigay sa'kin ni Tito sa ibang bansa, eh" kwento ko habang inaalis ang mga ligaw na damo sa gilid ng lapida bago ko linagay ang mga bulaklak na dala ko.

"Guess what, Yohan?" nag-taas ako ng kilay. "Licensed engineer na 'ko" I happily said. "I'm sure, you're very proud of me, right?" I looked up in the clouds.

I already stopped my modelling career, I think a year after Yohan passed away? More than a year siguro. Then the next year, I took the board exams, and I'm so happy that I passed it. Noong nagkaroon na ako ng license, tumawag sa'kin 'yong Tito kong nasa Canada at kaagad na nag-offer ng project, of course I accepted it.

Lumipad ako sa Canda at nag-stay for almost 3 years dahil sa project na 'yon. Nagpatayo ang Tito ko ng isang grocery store, syempre hindi lang naman ako ang engineer doon, may mga kasama rin ako, at lahat sila, Filipino. Ang sarap sa feeling dahil successful ang unang project ko sa ibang bansa.

Sinindihan ko ang kandila ng cake at linagay 'yon sa may parteng gilid ng lapida niya. "Thank you for guiding me, Yohan" I said.

I can say that I'm feeling better and happy now. For the past 5 years, I trusted my own process of acceptance and the process of healing. Sa kabila ng lahat, pinilit ko pa ring abutin ang mga pangarap ko sa buhay.

I took a picture of his gravestone and post it on my IG. 'Happy birthday! I miss you!' that was the caption of the picture. I also put that in my story.

Humiga na ako sa mat, ginawa kong unan ang kaliwang palad ko tsaka ipinatong ang mga paa ko sa mat. I stayed in that position while scrolling through my phone.

Bumangon lang ako para uminom ng tubig pero kaagad rin naman akong napatayo ng makita ko si Ryle at Sir Randy na naglalakad papunta sa gawi ko. Dahil nga birthday ni Yohan, nandito rin sila para dumalaw.

"Good afternoon, Sir. Good afternoon, Ryle" nakangiting bati ko sa kanila.

"Good afternoon, hijo" balik na bati ni Sir Randy at nginitian rin ako. "Ang tagal na rin noong huli kitang nakita. I heard, pumunta ka sa Canada?" he asked.

"Opo, may project po kasi akong ginawa doon" I answered. "Kahit papaano, successful naman po yung project."

"Good to hear that, hijo" he tapped my shoulder. "May I?" he gestured the grave, asking for permission, though he doesn't need to do it.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now