CHAPTER 22

255 25 0
                                    


"A-Anak, nandiyan ka na pala, kumain ka na ba?" tanong ni Mama ng mapatingin siya sa kinatatayuan ko. Sinubukan niyang maging kaswal.

"Syempre, busog 'yan, galing sa birthday party, eh, at naki-dinner pa" sarkastikong sabi ni Papa. Mas lalo akong kinabahan. "Ano, Ry? Masaya? Masaya ba ang trip sa Thailand? Sinong kasama mo? Kamusta ang anniversary?" baling niya sa'kin.

"Pa" usal ko't napapikit ng mariin. Malinaw na sa'kin na alam na niya ang lahat.

"Ano nga ulit yung rason mo kaya ka nag-leave ng ilang araw sa trabaho? Self vacation? To unwind? To explore Thailand?" sunod-sunod ang tanong niya. "Kalokohan!" sigaw niya na nagdulot sa'kin ng pagkagulat.

"Randy naman!" hinawakan ni Mama ang braso ni Papa. "Huwag mo namang sinisigawan ang anak mo! I'm sure may balak naman siyang sabihin ang lahat ng 'yon sa'yo!"

"Ang tanong, Kristina, kailan?! Kailan ba nito balak sabihin ang totoo!" he pointed at me. "May balak ka ba talaga, ha? May balak ka bang sabihin sa'kin, Ry?" tumingin siya sa'kin.

"Meron po" sagot ko, nakatungo pa rin ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.

"Kung meron man, huwag mo ng ituloy! The picture that I saw tells it all, even his stories in his Instagram account" alam kong si Grix ang tinutukoy niya. "Hanggang kailan mo 'ko balak lokohin? Hanggang kailan ka magsisinungaling para lang sa lalaking 'yon, ha?!"

"I'm sorry, Pa" usal ko. Nagsisimula ng mag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Nagtataka ako kung bakit palagi kang wala sa oras ng hapunan, eh, mas nauuna ka namang umuwi kesa sa'kin. Tapos ang sasabihin mo, dinner with friends? Sinungaling! Dinner with your boyfriend, kamo!" sigaw nanaman niya.

"Sobra ka na, Randy!" angil ni Mama.

"Hindi ako! Itong anak mo ang sobra! Sobra kung magsinungaling!" he pointed at me again. "Hindi ako tumututol, Ry, wala akong sinabing hindi ko kayang tanggapin ang relasyon mo diyan sa lalaking 'yan, pero ang sa'kin lang, dapat sinabi mo kaagad, hindi yung ililihim mo pa!"

"What's going on? Kuya? Mama? Papa? Bakit nagtatalo kayo?" inosenteng tanong ni Ryle, halatang kakauwi pa lang dahil nakasuot pa rin siya ng uniform.

"You, go to your room!" utos ni Papa. Kahit nagtataka'y nagpatianod na lang si Ryle kay Mama paakyat sa kwarto niya. Kami ni Papa ang naiwan dito sa sala, at nasa ganoong posisyon pa rin kami. "Magsalita ka, papakinggan kita, kailan pa naging kayo? Ha?" tanong niya.

"Mahigit isang taon na rin—"

"Bullshit, Ry!" he cut me off. "Mahigit isang taon?!" he exclaimed.

"I-I'm really scared, I d-don't have the courage to tell you, I'm really.... sorry" usal ko.

"Ry naman! Tatay mo 'ko at anak kita! Kung ganyan ka! Susubukan kong tanggapin ka! Uunawain kita hanggang sa makasanayan ko na!" he said. I looked at him as my tears starts on falling one by one.

"But the fact na nagsinungaling at naglihim ka sa'kin, that really hurts me a lot, Ry!" kitang-kita ko ang mga emosyon sa mata ni Papa. "Imbes na sa'yo ko marinig, imbes na magmula sa bibig mo, sa iba ko pa nalaman, at sa ibang bibig ko pa narinig!"

Pumikit si Papa't bumuntong hininga. "I'm sorry, Ry, but I'm so disappointed on what you did" iyon ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang umaakyat sa taas.

I felt so much pain in my heart after I heard what he said, and because of thaf, I burst into tears. I can't keep my emotions anymore, this feels so heavy for me.

Sa lahat ng 'to, alam kong mali ang ginawa ko, ako ang may kasalanan at ako lang ang dapat sisihin. Oo, wala pa 'kong lakas ng loob na sabihin kay Papa ang totoo, noon, at kung kailan mayroon na, mas pinili ko pa ring ilihim sa kanya.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now