CHAPTER 13

365 33 3
                                    


RING!  RING!  RING!

Tunog ng alarm clock ko ang gumising sa'kin. Syempre, nag-alarm ako para hindi ako ma-late sa trabaho. It's 6:00 am in the morning, at 8:00 am pa ang pasok ko.

Kaagad kong hinanap ang cellphone ko. I turned it on. Tadtad ng messages ni Grix ang screen at puro 25 minutes ago.

From: Grix
Pustahan, ako naunang gumising!

From: Grix
Gumising ka na babe!

From: Grix
It's your first day of work, pustahan late ka.

From: Grix
Good morning! I love you!

From: Grix
Huwag kalimutang mag breakfast! :)

From: Grix
Don't forget to send me ur pic! Sa IG!

From: Grix
Kung tulog ka pa, edi tulog ka pa.

I don't know kung boyfriend ko ba 'to o basher? Nag reply ako sa kanya bago ako pumasok sa CR para maligo.

To: Grix
Ang gwapo ko kahit bagong gising. Sana ikaw rin : ( Good morning! Maliligo na ako.

Maliwanag pa naman noong umalis kami ng mall kahapon. I'm not using my phone while driving, kaya nang makarating ako sa bahay, tsaka ko lang nakitang pina-follow na niya pala ako, then of course, I followed back his account.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nakaupo ako sa harap ng salamin habang tinutuyo ang buhok ko gamit 'tong blower. I'm wearing a sky blue button-down long sleeves, a black pants, and a pair of black shoes.

I took a mirror selfie and send it to Grix before going downstairs. In that picture, nakaupo ako sa harap ng salamin habang hawak ng kabilang kamay ko ang blower. Nag-send din ako ng message, jejemon.

yoyohanv: BrEaKfAsT mUnA aKo iDoL!

Nasa mesa na sina Mama't Papa, si Ryle naman ay tulog pa. "Good morning po" bati ko sa kanila bago maupo. "It's my first day as your employee" nginitian ko si Papa.

"That's why you need to focus on your job, lalo na't sa financial department ka naka-assign, your going to hold and manage large amounts of money" he said.

"Opo" I nodded and took a sip on my coffee.

"When making a data and budget reports, you must double check and reread it before passing. Kaya kahit isang-daang piso ang nawala o nakalimutan mong ilagay, it will cause you a trouble. Ipapahanap at ipapahanap 'yan sa'yo ng head mo, tapos gagawa ka ng panibagong report" paalala ni Papa.

Kahit hindi pa naman ako nagsisimula sa trabaho, kinakabahan na kaagad ako, nai-imagine kong sinisermonan ako dahil may nawalang malaking halaga sa ginawa kong report.

Nang matapos kaming kumain ng almusal, umakyat na ako sa taas, I get my cellphone and black shoulder bag before going downstairs. I need to hurry up, baka ma-traffic pa ako sa daan.

Halos-magkasunudan lang ang kotse ko at kotse ni Papa sa daan, pero kahit anong pagmamadali ko, naubutan parin kami ng traffic, letse talaga!

I get my phone and check some messages from Grix. Nag message rin siya sa IG. Ang sipag niyang mag message.

From: Grix
Wow gising na, buti naman.

From: Grix
Pumasok ka na? Take care babe. Ingat sa pagda-drive! Love you!

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now