Chapter Twenty-five

1K 37 10
                                    

Pagka-alis ni Thunder ay matinding kaba ang sumakbot sa dibdib ni Bella.Nangako pa sa kaniya si Thunder na muli itong dadalaw upang muling makalaro ang anak.Hindi lubos akalain ni Bea na muling magtatagpo ang landas nila ng dating alaga na ngayon ay ipinapangalandakan nito sa kaniya na ang batang nakita at nakasalamuha nito ay kaniyang anak.At iyon nga naman ang totoo kahit na ilang bilyong tanggi pa ang gawin niya.Kung maari lang na lumayo sila ni Sky at magtago muli ay gagawin niya pero sa kalagayan niya ngayon na halos maubos ang inipon niya ay wala siyang ibang magagawa kundi bumalik muli sa kanyang dating trabaho.

Napabuntong-hininga na lang si Bella bago nahiga sa kama.Katatapos lang niyang maligo at hinayaan ang anak na maglaro muna ng tablet nito.
"M-mommy, are you tired?" malambing na tanong ni Sky sa kaniya ng padapa siyang nahiga sa tabi ng anak.Nilingon siya ni Sky atsaka ngumiti ito ng napakatamis.

"Yeah! A little," nakangiti rin niyang sagot sa anak sabay haplos ng magaan sa ulo nito at ginulo ang buhok.

"Is the strange guy, is my Daddy?" inosente nitong tanong.

Napamulagat naman si Bella sa narinig.Ganoon ba kalakas ang radar ni Kulog sa kaniyang anak dahil sa unang pagtatagpo palang nila ay ramdam na nila sa isa't-isa na mag-ama nga sila. "He is not your  Daddy, Sweetie," pag-sisinungaling ni Bella sa anak. "Kaibigan siya ni Mommy," aniya.

"Sayang. Gusto ko pa naman siyang maging Daddy. He is so cool," nakangising saad ni Sky sa kaniya.Nagti-twinkle pa ang mga mata nito sa sobrang kislap sa pag-sabi na gusto nitong maging daddy si Kulog.

"Ang mabuti pa matulog na tayo. Off your tab na and let's sleep. Mommy, need to work tomorrow, right? So be good girl," pang-iiwas na Bella sa pinagsasabi ng kaniyang anak.Baka kasi kung saan pa mapunta ang kanilang usapan.Atsaka mas mainam ng maagapan bago pa maghangad si Sky sa kaniya at kulitin  siya ng kulitin nito at tuluyang hanapi sa kaniya kung nasaan ang kaniyang daddy at iyon ang ikinakatakot niya dahil baka mapaamin siya ng tuluyan sa anak.Hindi niya alam kung hanggang kailan niya itatago sa anak ang katotohanan.

"Goodnight, mommy," malambing na sambit ni Sky sakaniya ng na-off na nito ang hawak na tab.

"Goodnight too, Sweetie," nakangiti niyang sagot. "And I love you," dugtong niya.

"I love you too mommy," ani Sky saka isiniksik ang maliit na katawan sa dibdib ng ina.Marahan namang tinapik ni Bella ang likod ng anak upang maiduyan ito ng antok at makatulog na.Ganoon rin ang ginawa niya sa sarili.Ipinikit na rin niya ang kanyang mga mata upang makatulog na at makapagpahinga narin ngunit biglang bumabalik sa alaala niya ang guwapong mukha ni Thunder.For almost four years, hindi pa rin ito nagbabago.He is still the Kulog na nakilala niya noon.Napasinghap siya bago iwinaksi sa isipan ang lalaki.Hindi siya puwedeng makaramdam ng ganoon kay Thunder.Hindi niya alam kung ano ang binabalak nito lalo na't baka kaya siya hinahanap ay para kunin si Sky sa kaniya.At iyon ang hindi siya makakapayag kung sakali mang mangyari.

Naptitig siya sa inosenteng mukha ng anak.Kung alam lang nito na bunga siya sa maling panahon.Pero ano nga ba't andito na si Sky.Ibiniyaya na siya ng Panginoon bilang blessing sa buhay kaya buong puso na lang niya itong tatanggapin.Kahit pa darating ang araw na magalit ito sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagtatago sa tunay na ama nito.Sumbatan man siya ni Sky balang araw ay walang magagawa dahil ginawa lang naman niya iyon upang protektahan siya dahil mahal na mahal niya ito.

Nang mahimbing na ang tulog ni Sky ay dahan-dahang bumangon si Bella.Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng mainit na gatas upang mainitin ang kaniyang tiyan.Hindi muna siya bumalik sa kuwarto.Naupo muna siya sa may beranda at napatingin sa mabituwing langit.
"Sky," naibulong niya. "You are my and only star in sky, Sweetie. And I'm really scared to lose you once na makilala mo ang tunay mong ama. Hindi ko kayang mawala ka sa akin," naiiyak niyang sambit.Biglang naging madamdamin siya sa kanyang kalagayan.

Isang can of beer ang hawak ni Thunder habang nasa terresa ito ng kanilang bahay.It had never accured to Thunder that Bella might have married and had a family by now.Para sa kaniya ay napaka-imposible naman iyon pero kung totoo ngang nag-pakasal na ito ay bakit hindi man lang niya nabalitaan.However, it was damned difficult to think of another man being on the receiving end of that passionate nature.Ego,pure and simple, had made Thunder ignore the possibility of anyone replacing him.

"Are you ignoring me again?" malakas ang boses na pumukaw sa kaniya dahil sa tinig ni Allysa ng puntahan siya nito sa kaniyang  kinaroroonan. "Hindi mo man lang ako napagbigyan. Sinabi ko saiyo na anniversary natin ng kasal ngayon so I asked my friend for a reservation for the two of us for dinner pero anong ginawa mo? Hindi ka sumipot! Hindi ka pumunta!" Naghestirakal ng sumbat ni Allysa kay Thunder.

"I'm busy. Marami akong ginagawa sa office. I'm sorry," galing sa ilong na paliwanag niya dito at paghingi ng kapatawaran.

"Tumawag ako sa opisina mo pero wala ka daw doon! Bakit kailangan mong gawin sa akin 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Allysa sa kaniya.

"I'm tired, Allysa. Stop being annoying," nakakunot-noong sambit niya.

"Tired?" nang-uuyam nitong balik-tanong. "Pagod saan?"

"Pagod na ako saiyo!" anito. "Look, Allysa, I'm trying to be nice to you pero huwag mong hintayin na maging pangit ang pakitungo ko saiyo. You know from the start that I didn't love you at all. Hindi ko ginusto ang set- up na ito. Kaya kung pagod ka na sa akin bakit kapa nagtya-tiyaga kung puwede mo naman akong hiwalayan, right? So, let's just end this nonsense married life?" ani Thunder.

"No! I will never divorce you. Kamatayan lang makakapagpahiwalay sa atin,"
banta naman ni Allysa. "Hindi mo makakamit ang kalayaan na ninais mo! Hindi kita palalayain. Magdusa tayong dalawa!"

"You're crazy," naiiling na lang na sambit ni Kulog kay Allysa saka muling itinungga ang hawak na beer.Muli ay napatingin siya sa madilim na parte ng hardin.Ganoon kadilim ang kapalaram niya.Halos wala siyang nakikitang sinag na magbibigay man lang sa kaniya ng pag-asa na muling makasama si Bella, ang kaniyang mag-ina.Pero hindi siya susuko lalo na't bumalik na ito muli si Maynila.Sisikapin niyang bumalik muli ang tiwala ni Bella sa kaniya alang-alang sa kanilang anak.Hindi na siya matatakot ngayon ni Allysa.Kung noon ay natakot siya sa mga banta nito ngayon magpapakalalaki na siya.Haharapin na niya ang anumang pagsubok mabuo lang sila bilang isang pamilya.Hindi na niya uulitin ang nakaraan.Yayain niya ang  mag-ina na magbakasyon sa Boracay upang lalong mapalapit sa kaniya si Sky.Yayain niya ang mga ito ngayong susunod na Linggo.Magba-bonding sila.A family reunion.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now