Chapter One

1.6K 45 11
                                    

Nurse si Bella sa isang private hospital.Hilig niya ang pag-aalaga sa mga taong may sakit.And she's enjoying her work kahit na medyo napaka-hussle minsan sa kaniya.
Nakakaya naman niya in her everyday life.Nakakatulong sa family niya at nasusuportahan ang kaniyang sarili.One morning while she was eating her bread ay biglang may tumawag sa pangalan niya.Ang kanyang co-nurse na si Krissa.

Kinawayan niya ito bilang sensyales na narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.Close friend rin niya ang dalaga.Daldalera kasi si Krissa kaya naging malapit siya dito.
Nalilibang siya minsan sa mga kuwento nitong barbero.Patakbong tinungo ni Krissa ang kinaroroonan niya.Naupo ito sa tabi niya saka tinabig ang kaniyang balikat

"Alam mo na ba?" pasimula nito.Nilalaro-laro ang hawak na ballpen sa may pad na hawak nito.

"Hindi?" aniya.Patuloy lang siya sa pagkagat sa tinapay na hawak niya.Inalok niya si Krissa ngunit tumanggi ito.Pakiramdam niya ay may balak na naman itong mag-prank sa kaniya.Favorite game kasi nito.

"Kukunin kang maging private nurse ng isang mayamang pamilya," dugyong nito sa pasimula niyang sabi.

"Hindi nga?" her expression is not even surprise. " Ang aga-aga nangpra-prank ka na naman. Wala akong panahon diyan. Umayos ka nga," iwas niya sa usapan.

"Oo nga," pagpupumilit ni Krissa animo hindi ito nag-bibiro ngayon. "Narinig ko sa opisina na boss na ikaw ang napili nila," aniya.

"Bakit daw?" Curious niyang tanong.Patuloy siya sa pag-nguya ng tinapay.Actually, hindi niya naisip kailan man na mag-alaga ng pasyente mismo sa loob ng bahay.Hindi kasin siya sanay sa mga ganoon.Gusto niya yung adventurous ang work niya.

"Kasi nga ikaw ang pinakamagandang nurse dito," nakasimangot nitong paliwanag. "Akalain mo, a, sa dinami-rami ng nurse ay ikaw talaga ang napusuan nila."

"Weh! 'Di nga?" Hindi makapaniwalang sabi niya.Napusuan nila? So, ibig sabihin ay hindi lang isang tao ang nag-decide more than one sila.

"Oo nga. Narinig ko kaya," ani Krissa.

"Ang sabi?"

"Ang sabi. I think I like this girl. Magugustuhan siya ng kapatid ko dahil maganda siya," sabi nang babae sa loob ng opisina.

"Wala namang binanggit na pangalan paanong alam mong ako 'yun?" nakunot-noo niyang sabi.

"Gaga! Wala ka bang tiwala sa sarili mo? I know na ikaw yung tinutukoy ng babae. Ikaw lang naman ang maganda sa aming lahat," ani Krissa.

"Saan banda?" kunwaring tanong niya.

"Ewan ko saiyo? Ang labo mo kausap," ani Krissa. "Basta humanda ka nalang. Kakausapin ka yata ng isa mga kapatid ng pasyente," patuloy pa ni Krissa.

Seryoso ba talaga? naisaloob niya "Gusto mo palit na lang tayo?"

"Kung puwede lang," nakaismir na sagot ni Krissa sa kaniya. "Ikaw ba naman ang mag-alaga sa isa sa mga anak ni Sir Ricky Ferrer. Ang isa mga pinakamayang businessman sa bansa. Kahit sino susunggaban talaga ang apportunity na 'yan. Minsan lang 'yan mangyari sa buhay ng tao. Kaya kung ako saiyo, I will grab it. Balita ko guwapo rin daw 'yung pasyente," kinikilig nitong turan.

"Pag-iisipan ko," maiksi niyang sagot.

"Bakit mo pa pag-iisipan?"

"Kasi, mahirap mag-alaga ng taong hindi mo kilala ang personality. Guwapo nga kung ugaling kuwago naman. Hay naku! I won't tolerate that kind of attitude. Baka araw-araw lang kaming mag-kasagutan." amin ni Bella sa kaibigan.

"Tama ka nga naman," tumango-tango nitong sang-ayun. "Balita ko pa nga stay-in daw ang kukunin nila. Ibig sabihin 24hours kang nakabantay sa pasyente. Kapag tinawag ka dapat andoon ka agad."

"Of course! Lalo na kung baldado ang aalagan mo," wala sa sariling komento niya sa kaibigan.

Isang maganda at eleganteng babae ang huminto sa tapat nila ni Krissa.Maamo ang mukha nito.Naka-smile pa ng magtagpo ang kanilang mga mata.Inilahad nito ang kamay upang makadaupang palad niya.Sa hiya ay pinunasan muna niya ang kamay sa suot niyang uniform.Pinalangin niya na sana ay hindi ito ang tinutukoy ni Krissa ngunit siya nga talaga.

"Nurse Belicia Apolinario, right?" tanong ng babae sa pangalan niya.

Tumango siya bilang kasagutan.

"Summer," nakangiti nitong pakilala sa sarili.

"Krissa," singit ng kaibigan niya sa kanila.Tinabig niya ito.Napangiwi naman ito sa ginawa niya.Inunahan ba naman siya nitong sumagot.

"Can we talk?" yaya ni Summer na ang tinutukoy niya ay si Bella.Hindi agad siya makapag-decide.Si Krissa lang ang nag-udyok sa kaniyang sumama sa babae.Wala naman sigurong masama kung sasama siya dahil mag-uusap lang naman sila.Sa kalaunan ay pumayag na rin siya sa kagustuhan ni Summer.

Sa isang coffee shop sila nag-tungo.They search for a comfortable place to talk and discuss the issue.Nahulaan na niya kung ano ang pag-uusapan nila.Kung totoo nga ang narinig ni Krissa sa opisina ay hindi nga ito nagbibiro sa kaniya kanina.Nag-order sila ng kape para habang nag-uusap sila ay nag-kakape na rin sila.Sakto sa kinakain niyang tinapay.

"Anyway, I' m looking for someone who can help me take good care of my brother. Kailangan kasi niya nurse sa bahay," simula ni Summer sa usapan nila.

"Pwede po bang malaman, Ma'am kung ano ang nangyari?" ani Bella.

"Call me Summer," sita nito sa pagtawag niya ng ma'am. "Car accident. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan namin that time kaya siya 'yung napuruhan. Hindi naman siya totally baldado. He can still move around. Iyon nga lang kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya at aalalay para tuluyan siyang gumaling. May katigasan kasi ng ulo ang bunso naming 'yon," nakangiting pag-bibiro nito.

"How did you find me? I mean, paanong ako?" naguguluhang tanong ni Bella.

"I trust your ability. Your patient and your dedication. Ikaw daw ang best nurse sa hospital na 'to. Ikaw rin ang ni-recommend sa akin ng Director niyo because he is my friend," paliwanag ni Summer.

"Really? Ang liit talaga ng mundo, no? Akalain mo sa di ng hospital dito sa Pilipinas you realky find the good one." Bella was not surprised at all dahil marami nang nagsasabi no'n sa kaniya. "Ang totoo niyan mahal ko lang talaga ang trabaho ko," amin niya.

"Are you willing to work with me?" tanong ni Summer sa kaniya.

"Pag-iisipan ko muna," ani Bella.

"Bakit?"

"First time ko kasing mag-work at home with the patient," amin niya.Ang totoo no'n ay talagang hindi pa siya pumapayag sa kagustuhan nito.Hindi madaling maging nurse sa taong hindi niya kilala.Paano kung araw-araw nalang silang
mag-sisigawan at mag-bubulyawan.
Naku,baka kapag hindi siya makapagtimpi at mawalan siya ng pasensiya.Makakasapak siya for the first time.Kahit guwapo pa ito at mayaman.

"We need you really urgent," ani Summer.

Hindi ba kayo puwedeng makapaghintay,gusto sana niyang sabihin pero pinigilan nalang niya ang sarili.Mukha naman kasing mabait ang babaeng kaharap.
Kita sa mga mata nito ang pag-aalala.Nginitian ito ni Bella. "Can you give me two days to think about it?"

"Sure!" Masigla na nitong sagot. "But I want you to be my brother private nurse."

Parang gusto niyang sumigaw ng 'tang-inis!Bakit ako!Bakit sa dinami-rami ng mga nurse sa mundo!' Tuloy ay naiipit siya sa sagot na papayag ba siya o hindi.See after two days kung ano ang desisyon niya.Sa ngayon ay wala pa.Maghintay ang Kulog na 'yon.Binigyan na niya ito ng palaway dahil for sure.He will be loud as thunder when there is a heavy rain.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now