Chapter Twelve

704 30 7
                                    

Makalipas ang limang araw ay naging maganda ang pag-aalaga ni Bella kay Thunder.Unti-unti na itong nakalakad at nakakatayo.Kahit na sobrang stress siya kay Allysa ay ginampanan pa rin naman niya ang kaniyang trabaho bilang private nurse ni Thunder.
Nag-eenjoy siya sa pag-alaga sa binata dahil mabait ang pakikitungo nito sa kaniya.Gamay na niya ang mga araw-araw nilang routine ng binata.

Isang araw na nagpapa-araw si Thunder sa labas ay isang kagalang-galang na ginang ang bumungad sa umaga nilang iyon.Maganda ito at mukha namang mabait.Biglang nakaramdam ng kaba ang dibdid ni Bella sa pag-dating ng estrangherang bisita.Pilit niyang pinakalma ang kaniyang sarili at ni-relax ang isipan.Siguro naman ay hindi rin ito kagaya kay Allysa na guguluhin siya.

"Good morning hijo," nakangiting bati nito kay Thunder.Yumukod ito upang makipagbeso-beso sa binata.

"Goodmorning din po ninang," nakangiting ganting bati ni Thunder dito.

"Kumusta ang kalagayan mo? Balita ko unti-unti ka na raw nakakalakad mag-isa," ani Jackie kay Thunder.

"Opo ninang sa tulog po ni Bella," ani Thunder dito.

"So, magaling pala talaga ang nurse na nag-aalaga saiyo?" ani Jackie.Trying to talked nice but surely and deeply feel annoyed by Thunder's private nurse.

"Yes," honest na sagot ni Thunder dito.  "She knows how to handle me and care for me," proud na sabi ni Thunder kay Jackie.

Bitbit naman ang hawak na tray ng juice ay dahan-dahang naglakad si Bella papalapit sa dalawa.Nginig ang mga kamay sa hawak niya ng sandaling iyon.Ramdam niya talaga ang tensiyon at dinig niya ang pangalan niya na pinag-uusapan nila.Nang makalapit siya sa dalawa ay binalingan siya ng ginang.Nginitian siya nito.

"Hi!" nakangiting bati nito. "So, you are Thunder nurse? I'm their ninang Jackie," sabay abot sa palad nito upang makadaupang palad siya.

Nakipag-kamay si Bella dito bilang respeto.Hirap man siya sa try ng juice na isang kamay na lang ang nakaalalay dito. "Nurse Bella po," aniya dito.Ngunit sa pagkakadaupang palad nilang iyon ay sinadya ng ginang na tabigin ang tray upang matapon ang hawak niyang juice at nabuhos iyon kay Thunder.
Natarantang pinunasan ni Bella ang binata.

"I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya," kinakabahang hinging paumanhin ni Bella kay Kulog.
Nang magtagpo ang mga mata nila ay galit na anyo nang binata ang sumalubong sa kaniya.Nagtaka man si Bella ay hindi nalang niya pinansin ang galit na mukha ni Thunder.

"Shit!" mura ni Thunder. "Look what you did? You must be careful." Malakas ang tono ng boses na sita nito sa kaniya.Hindi niya alam kung sinadya ba talaga ni Kulog na pagalitin ang boses dahil sa kaharap nitong bisita.

"Hindi ko naman sinasadya, Sir. Na-out balanced kasi yung tray na hawak ko habang nakikipag-kamay sa bisita niyo," paliwanag ni Bella.

"So are you blaming me sa pagkakatapon ng juice na hawak mo?" baling ni Jackie sa kaniya.

"Sorry po. Hindi po ganoon ang ibig kung sabihin," ani Bella kay Jackie.

"Narinig ko mismo sa bibig mo na kaya natapon ang juice ay dahil sa akin. So, ako ang may kasalanan dito?" ani Jackie.Kalmado ito magsalita pero alam ni Bella na may tigas ang boses nito sa mga katagang binitawan.

"Sorry po," yukong hinging paumanhin ni Bella kay Jackie.Binalingan niya si Thunder. "Sir, dadalhin ko na po kayo sa kuwarto niyo para makapag-banlaw at makapag-palit ng damit," aniya sa binata.

Mayamaya pa ay bigla namang dumatibng si Allysa.Bigla nalang itong sumulpot sa kung saang parte ng bahay.Animo nagmatiyag muna kung paano susulpot sa eksenang iyon.
"O my God! What happened to you? Bakit basang-basa ka?" maarteng sabi nito.Nagkunwaring hindi nito nakita at napanood ang nangyari.
Pinunasan ang mukha ni Thunder.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now