Chapter Twenty-two

693 35 3
                                    

Nang malaman ng pamilya ni Bella na nagdadalang-tao siya ay agad naman siyang tinanggap ng mga ito kahit na labag sa kanilang loob na walang ama ang pinag-bubuntis niya.Naging tampulan siya ng tsismis sa kanilang lugar pero hindi nalang niya iyon pinansin hanggang sa manganak siya.Naging madali naman ang buhay nila sa probinsiya kasama ang kaniyang anak na si Sky.Ngayon ay medyo gipit sila dahil lumalaki na ito kaya kailangan niyang bumalik muli ng Manila.

And she decided to bring Sky with her kahit na ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang ay iwanan nalang muna niya ang kaniyang anak kung wala namang mag-aalaga dito.Pero sympre hindi siya makakapayag na iwanan ang anak kundi mami-miss niya ito.Ayaw niyang malayo ang loob nila sa isa't-isa bilang mag-ina.
Eksaktong mag-four years old na si Sky.Apat na taon din silang mahigit naninirahan sa poder ng kaniyang mga magulang at talagang napamahal na rin ang mga ito sa kanilang apo.

"Don't worry po, ma, pa," ani Bella. "Dadalaw kami sa inyo ng madalas," pangako ni Bella sa kaniyang mga magulang habang nagpapaalam na sila sa mga ito.

"Bakit hindi mo nalang kasi iwan dito si Sky," malungkot na suhestiyon ng kaniyang ina at tahimik lang naman ang kaniyang ama na nanood sa kanila.

"Ma, alam kong napalapit na sainyo ang anak ko pero kailangan niya ako, bilang ina," ani Bella. "I need to bring her with me. Sana maintindihan niyo po ako."

"Basta, dadalaw kayo ng madalas ni Sky dito, ha?" naiiyak na saad ng kaniyang ina.

"Opo Ma. Pangako," ani Bella sabay baling sa anak. "O, mag-paalam kana kina Lala at Lolo. Uuwi na tayo sa Maynila," ani Bella sa anak.

"U-uwi na po kami Lala at Lolo," malambing na paalam ni Sky sa mga abuwelo nito.

"Good girl ka doon, ha? Bawal mag-pasaway kay Mommy. Kapag away ka niya uwi ka dito kay Lala, okay," ani Lola nito.

"Opo," tangong sagot naman ni Sky sa Lola nito.Sabay yakap rin ng mahigpit si Sky sa kaniyang Lala.Ganoon rin ang ginawa ni Sky sa kaniyang Lolo.Niyakap din nang mahigpit at binigyan ng goodbye kiss sa magkabilang pisngi.

Nang makapag-alam na ang bawat isa ay minabuti nang mag-byahe na sila upang makarating agad sa Maynila.
May konting takot at pangamba ang nararamdaman ni Bella habang papalapit na sa sila sa condo niya at pansamantalang doon muna nakatira ngayon ang pinsan niyang si Candy.Pinaalam naman niya sa pinsan na pabalik na sila ni Sky sa Maynila kaya hindi na ito surprised para sa kaniya.

Nakatulog na si Sky sa buong byahe.Medyo madaldal na rin ito tuwing nakikipag-usap at tuwing tinatanong nito kung nasaan ang daddy niya.At madalad iyon ang paulit-ulit nilang pinagtatalunan.Kaya sa pasukan ay e-enrol na niya ito upang hindi maboring sa loob ng bahay habang nasa trabaho siya.
Mabuti nalang at tinanggap siya ng dating hospital na pinagtra-trabahuan niya noon bilang nurse.Doon siya muling magtra-trabaho.Kailangan kasi niyang itaguyod ang pag-papalaki sa kaniyang anak.Kaya kailangan niyang mag-trabaho para dito.

Nanibago man si Bella ay kailangan niyang bumalik.Kung binantaan man siya noon na magpakalayo-layo ay ginawa naman na niya iyon.Ngayon naman ay bumalik siya para sa kaniyang anak.Kung malalaman man ng mga Ferrer na bumalik na siya ay handa siyang harapin ang mga ito lalong-lalo na ang mag-inang Jackie at Allysa.Hindi na siya takot sa mga ito kahit na bantaan pa siya ng maraming beses.Hindi na siya aalis dahil kailangan niyang mag-trabaho para kay Sky.

"Kumusta ang biyahe niyo? Mukhang pagod ang maldita kong pamangkin, ah?" tanong ni Candy ng mapagbuksan sila ng pintuan.Buhat ang anak na tulog at may bitbit pang bagahe.Imbis na tulungan siya ng pinsan ay inuna pang-
makipag-kuwentuhan samantalang hirap na hirap na nga siya.

"If you don't mind will you please help me?" nakairap niyang sabi kay Candy sabay bagsak ang bag na nasa kaniyang braso habang alalay naman ang kamay niyang isa kay Sky.

"Ouch! May pinagmanahan talaga si Sky," pabirong saad ni Candy sa kaniya.Kinuha ang nakasukbit na back pack sa kaniyang braso.

"Hay naku!" ani Bella kay Candy.Ibinaba ang anak sa sofa. "Kararating ko lang pero biro agad ang isasalubong mo."

"Heto naman. Sympre biro nga, 'di ba? As in joke," ani Candy. "Kuha lang kita maiinom," paalam ng kaniyang pinsan sabay tungo sa kusina.Napatingin naman si Bella sa mahimbing pa ring natutulog na anak.Kanina lang ay nasigawan niya ito sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang kakulitan.Kung ano-ano kasi ang pinagtatanong kaya naman nairita siya dito.

"Anong plano mo ngayon?" ani Candy sa kaniya ng makuhanan na siya ng isang basong tubig at inabot ito sa kaniya. "Kamukhang-kamukha niya si Kulog, ah?" ani Candy habang nakatitig kay Sky.

"Back to my old job," ani Bella saka itinungga ang malamig na tubig na nasa baso. "Kailangan kong mag-work para kay Sky. Kaya ako bumalik dito. Hindi puwedeng umasa nalang ako habang-buhay sa mga magulang ko. Kailangan kong panindigan ang buhay isang ina."

"That's the spirit, couz! Wala ka na bang ibang plano maliban doon?" tanong ni Candy sa kaniya.

Umiling si Bella sa pinsan. "Wala akong panahon para sa kanila. Tapos na ang ugnayan ko sa pamilyang iyon," ani Bella dito.

"Paano kung hanapin saiyo ni Sky kung nasaan ang totoong Daddy niya? Ano ang isasagot mo?" ani Candy.

"Sinabi ko na nasa ibang bansa ang Daddy niya at wala dito sa Pilipinas. Sinabi ko na nasa malayo ito kaya hindi niya nakikita," paliwanag ni Bella kay Candy.

"Hindi ka ba niya kinukulit about kung kailan sila magkikita ng Daddy niya?" muling usisa ni Candy sa kaniya.

"Actually, sinigawan ko nga siya kanina, eh? Nag-away kami sa loob ng sasakyan dahil gusto niyang puntahan namin ang Daddy niya. Gusto raw niyang makipag-laro dito. Pero hindi ko naman masisisi si Sky. She is growing up searching if where is her dad," ani Bella sa pinsan. "Pero hindi ko na alam ang gagawin ko kung magpatulou pa ang paghahanap niya."

"Then tell her the truth," kabit-balikat na suhestiyon ni Candy sa kaniya.

"What?" nakakunoot-noong bulalas ni Bella sa pinsan. "Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Sa tingin mo ganoon lang kadali 'yon? Paano kung bantaan muli nila kaming mag-ina? I want a peaceful life Candy. Ayaw ko nang mag-karoon ng ugnayan sa pamilyang iyon. Lalong-lalo na kay Kulog. Ayaw kong malaman niya na may anak kami. Tama na ang isang pagkakamali."

"I'm sorry. I respect your decision," ani Candy sa kaniya.Tinapik ang balikat niya bilang pag-sang ayon sa kaniya. "Dalhin mo na si Sky sa kuwarto para makapag-pahinga ka narin," ani Candy sa kaniya.

Tumango siya bilang kasagutan.
Binuhat niya ang anak at dinala sa kuwarto.Pagkapahiga niya kay Sky sa kama ay mahimbing pa rin ito sa kaniyang pagtulog. Kaya naman minabuti niyang mag-shower muna.Muli ay nanumbalik sa kaniyang alaala ang mukha ni Thunder.Halos walang pinagka-iba kay Sky.Wala man lang nakuha ang kaniyang anak kundi ang private part lang nito. Halos carbon copy ni Sky ang kaniyang ama.Siguradong mamumukhaan agad ito ng mga Ferrer sa unang sulyap pa lang.
At paano niya sasabihin kay Thunder oras na malaman nitong may anak sila at itinago niya.Baka ipakulong siya nito o di naman kaya ay kunin ang anak niya sa kaniya.

Never! Over my dead body. Kahit makarating pa sila sa empyerno. Hindi makukuha ni Thunder sa kaniya si Sky! Hindi!

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now