Chapter Seven

791 37 16
                                    

Allysa was shocked the moment she entered Thunder's room.She was stunned when she saw the girl lying in his bed.Napaatras siya ng konti.But Allysa still make a smiling face pretending like it's nothing her.Nagkunwari siyang walang nakitang babae na nakahiga sa kama ng binata.Nang makabawi ay agad niyang nilapitan si Thunder at nilakasan ang boses upang maagaw niya ang atensiyon ng babaeng nakahiga ngayon sa kama ni Thunder.

"Thunder!" masiglang bati ni Allysa. "I miss you. I miss you so much!" aniya sabay yukod at yakap dito.
Tinapik naman ni Thunder ang likod ng dalaga.

"I miss you too," ganting sabi niya.

"What happened to you? God, umuwi talaga ako para saiyo, alam mo ba 'yon?" ani Allysa. "Sobrang nag-alala ako ng sabihin sa akin ni Mama Jackie na nadisgrasya ka raw. And you even can't walk."

"I'm fine. Sana hindi ka na nag-abalang umuwi dito sa Pilipinas," ani Thunder. "Temporary lang naman 'to. I can walk again so soon," anito.

"Why? Ayaw mo ba akong makita? Nag-aalala lang ako para saiyo," ani Allysa atsaka hinaplos ang guwapong mukha ni Thunder. "That's great!" aniya

"No. That's not what I mean? Ang ibig ko lang naman sabihin ay sana hindi ka nalang nag-abala pa kasi maayos lang naman ako," ani Thunder.

"Bakit ka ba ganyan? Mukhang hindi ka masaya na makita ako, ah?" may pagkamaarteng sabi ni Allysa kay Thunder. "Hindi kaba natutuwa na dumating ako?"

Bumangon naman si Bella mula sa pagkakahiga.Nag-cross feet pa siya sa higaan habang pinapanood ang dalawa.Napakulambaba siya at sabay na napapailing.Bella felt likes she is watching a live show. Uhm! Something fishy here? naisaloob ni Bella habang nakatitig siya sa dalawa. Lovers? naitanong ng isang bahagi ng isip niya. No way! kontra naman ng isa pa niyang isipin. Ah! Whatever! It's none of my business.

"I'm happy," kunwaring sang-ayon ni Thunder kay Allysa.Actually, kaya niya pinatawag si Bella ay upang maiwasan niya iti.Alam niya kasing hindi siya tatantanan ng dalaga.
Noong una palang ay umamin na si Allysa sa kaniya noon na may gusto ito sa kaniya pero parang kapatid lang talaga ang turing niya dito.Hindi niya mapipilit ang sarili na mahalin din ito dahil hindi naman ito ang natitipuan niya.

"Sus!" nakalabing sabi ni Allysa. "Mukhang napipilitan ka lang yata, eh?"

"Yes. I'm happy," ani Thunder. "Sorry, nabigla lang ako," kunwaring amin niya.Pero no'ng tumawag ang Ninang Jackie nila na dumating ang anak nito ay nahulaan na niya agad na pupuntahan siya nito sa kanila.That's why he quickly called her ate Summer upang ipasundo na si Bella.He cannot handle this girl alone.Her flirting skill makes him annoyed.Ayaw niyang ang babae ang unang nagpapakita ng pagkagusto sa kaniya.

"Nasurprised ba kita?" natutuwang tanong ni Allysa.Walang kaalam-alam na kanina pa pala nalaman ni Thunder pupunta ito at napaghandaan na niya iyon.

"Oo nga, eh. Hindi ko kasi alam na darating ka," pagsisinungaling muli ni Thunder.

"I'm going to sleep here!" tumitiling sabi ni Allysa kay Thunder. "I can be with you all the time," malanding turan nito.

Sa pagkasabi naman iyon ni Allysa ay napatawa ng malakas si Bella.Naagaw niya tuloy ang atensiyon ng dalawang love birds na 'to na halata namang nag-lolokohan.Sabay na napalingon ang mga ito sa kinaroroonan niya.
"Opps! Sorry." ani Bella. "Natatawa lang kasi ako," aniya atsaka humalakhak muli.Napansin niyang napakunot-noo naman si Thunder sa inasal niya.

"Who is she?" mataas ang boses na tanong ni Allysa kay Thunder. "Why so act liked that?"

"Nurse niya," nakangusong sagot ni Bella sa katunungan ni Allysa kay Thunder. "Why? Is there something wrong?" nakataas ang kilay niyang tanong.Napansin ni Bella na nawala na ang pagkanunot-noo ni Thunder.
Napalitan na ng mumunting ngisi sa mga labi nito.Nakuha na niya ang punto ng binata.Kaya siya pinasundo agad ay upang maiwasan niya ang babaeng ito.So, game siya sa mga ganyang bagay.Magaling siyang umarte.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now