"KABANATA 8"

8 7 1
                                    

Hi!loves!     Ito na po ang kabanata 8!           

                     Enjoy po!  

Be aware of grammatical error loves!

______________________________________

Tanya POV


"Gising aster!"

Nagulat ako ng may sumigaw.. Dali-dali akong tumayo at sa kasamaang palad, nauntog ako sa kisame ng kalesa.

"Aray" daing ko. Tumingin ako sa hinihigaan ko at nasa kalesa ako ngunit ako'y nakahiga na at may malong na nakatakip sa aking katawan upang hindi ako ginawin o ano man.Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Hindi ko rin kung nasaan na kami ngunit Si Lola?Umalis na nga pala ako sa aming tahanan.

Nami-miss ko na siya. Kumain na ba siya? Okay lang ba roon?

Naiiyak naman ako ngunit para to sa kaniya.

****

Masama man sa kalooban ni Tanya na umalis sa bahay at iwan mag-isa ang kaniyang Lola ngunit sa paraang iyon nagiging matatag siya dahil isa ito sa pinapangarap niya at siyempre sa kaniyang mga magulang.

Wala siyang alam kung bakit nakatulog siya at kay sikat-sikat ng araw.

"Dalian mo riyan at marami pa akong gagawin."

Isang boses na nagpagising sa kaniya.Hindi man kita ang mukha nito ngunit ang lakas ng dating ng taong to.

Nasa harapan sila sa isang lumang gate na masasabi niyang matagal ng abandunado.Nagtataka si Tanya kung bakit nasa harapan sila nito at wala sa totoong paaralan.

Ito na ang sinasabi ng lahat na akademiya? Bakit luma ito?

Wala kasing balita tungkol sa akademiya na ito. Anong itsura sa loob dahil puro imahinasyon lang ang nagbibigay katotohanan sa kuwento iyon.

"Anong ginagawa po natin dito? Nakatayo na po tayo, kanina pa" tanong ni Tanya sa lalaki.

Nasa isang tahimik sila na gubat at maganda ito at  napapaligiran ng maraming magagandang kahoy. Sila lang nandoon. Ang kalesa na sinakyan nila at silang dalawa na nakatayo sa gate na luma.

"Tumahimik ka aster"

Wala ng balak na magsalita si Tanya sa kaniyang narinig.Hindi niya alam kung isang kawal lang ba ito o isang alipin pero kung umasta akala mo siya ang hari. Ngayon lang naman din siya lumabas na may kasamang lalaki na hindi niya kilala at wala siyang balak na makipagkaibigan sa mga ito.

Nililibang niya lang ang kaniyang sarili sa paligid at naalala niya ang kaniyang mga gamit. Dali-dali siyang lumakad patungo sa kinaroonan ng kalesa ngunit bago pa siya makahakbang ay pinigilan siya niyo.

"Wag na wag mong ihahakbang ang iyong paa ngunit maiiwan ka rito."

Alam niyang kanina pa siya naiinis sa lalaking ito. Ang pangit ng ugali. Puwede naman na may galang ang pagsasalita diba? Hindi niya ito pinansin at bumalik sa kinatatayuan niya na  kanina pa sila hindi gumagalaw.

Pagkalipas ang ilang minuto.....

Nagulat ako ng may malaking ilaw na bumungad sa kanila.Tinaas niya ang kaniyang ulo at...

"Jusko! Ano yan!Lola! Mama! Papa! Lolo!" sigaw niya habang nasa likod ng lalaki na nagtatago. Ang lakas ng tibok ng puso niya at parang hinahabol siya ng malaking aso.

Tinakpan niya ang kaniyang dalawang tainga at yumuko. Natatakot siya.

Isang malaking nilalang ito at unti-unting nawawala ang liwanag. Pagkatapos ay  nakita na niya kung ano ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LE VIOUR ACADEMY (on-going) Where stories live. Discover now