"KABANATA 4"

25 28 0
                                    

Salamat po sa pagpapatuloy na pagtangkilik sa buhay ni Tanya, sana hindi kayo magsasawang suportahan hanggang sa dulo ang storya na ito. Sana magustuhan niyo ito.

Salamat po! Mahal ko kayong lahat!

Thank you nga pala kay @heartless_minds sa paggawa ng book cover ng story na to, thank you very much for your effort, my ghad happy na ako! Yehey, thank you again. 😍😍

**

Narito kami ni Lola sa lungsod,hindi sa pagbebenta  kundi sa pagpasyal namin , hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni lola kung bakit narito kami ngayon ngunit masaya dahil ikadalawang beses na akong nakapunta dito. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa lungsod na ito, maraming tao, mga paninda at iba't-ibang klase ng pagkain.

Malaki, maganda, nakakamangha at isa ang gusto ko dito ay ang masasarap na pagkain na isang beses ko pa lang natikman nung buhay pa ang mga magulang ko, madalas kami dito nagpupunta kapag bayad na ang trabaho nila mama pero ngayon maliit lang ang kinikita namin ni Lola pero tiyak na sakto lang sa aming pangaraw-araw na pangangailangan.

Sout-suot ko ang damit na orihinal na tahi ko at kay Lola rin, hindi halata na nabibilang kami sa pinakamababa na antas . May malaking hardin na bubungad sa inyo,asul na asul ang langit, mga ibon na lumilipad paligid sa isang napakaganda at napakalaking  puno na nasa gitna, ani ni ni Lola noon nagsisilbing proteksyon daw ng lahat ng tao ang puno na iyon, berde na may halong puti ang kulay ng dahon ng puno at may ugat na gumagapos sa katawan ng puno na nagsisilbing sentro ng magandang tanawin. Nakakamangha!

Nandito kami ngayon sa tapat ng puno, nagmamasid sa paligid,ang saya-saya ng mga tao dito. Wala pa raw kami sa kalahati ng lungsod,unang pasok mo pa lang nakakalula na sa ganda. Dala-dala ko ang maliit na bayong na may bronse, pilak, papel na pera at ilang barya na naipon ko 4 taon  ang nakalipas hanggang ngayon balak ko kasing ibili ng mga bagay na alam kung magtatagal sa akin.

"Apo, masaya ka ba?" napabaling ang tingin ko kay Lola na nasa tabi ko lang. Pareha rin sa akin, hindi halata na isang siyang ASTERIAN.

"Opo Lola, masayang-masaya ako" nakangiting sambit ko sa kaniya. Walang maiitumbas na saya habang kapiling ko siya. Kuntento na ako kasama si Lola.

"Salamat naman at masaya ka"

"Oo naman po kasama ko kayo eh" sambit ko kay Lola sabay yakap.

Hinagod naman ni Lola ang buhok ko.

Makalipas ang ilang minuto nagsimula na kaming magutom. Nagpasya na kaming pumunta sa kainan, nasa tapat kami ngayon sa isang maganda na kainan , sabi ni Lola dito raw  nagtatrabaho si mama , kakilala niya ang may-ari nito, ANG CAFIEN DE LUCIA, isa ito sa mga pinakapaborito ng mga tao dito dahil napakasarap at hindi gaanong magastos ang presyo ng mga pagkain.

Nagpabili lang ako nang pagkain na gusto ko,SUSIANA RADIA OROS, na isang pagkain na paborito naming lahat magpamilya, isang bronse   ang presyo nito, kasama na rin ang isang kasing laki na bagul na kanin, unang tikim mo pa lang mapapapikit ka pa sarap nito, isa itong uri ng isda na kulay dilaw na inihaw at nilagyan ng iba pang sangkap,isa rin ito sa paborito ng mga tao sa bayan namin, makakatikim ka lang kapag may okasyon na ginaganap sa lungsod at ibang bayan.

"Lola matagal na po bang nagtatrabaho si mama rito?" tanong ko kay Lola na nasa tapat ko.Nilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Maliit lang ang espasyo ng kainan nito at simple ang mga dekorasyon ngunit  maganda parin sa pamamaraan nila. Sa katunayan nga dumadagsa ang kainan na ito kapag gabi pero puno parin ngayon, may mga babae na nakabestida na kulay dilaw na ang sarap sa paningin at uniporme silang lahat, may mga pagkain na nasa harap na maari ka rin pumili ng mga ito.

LE VIOUR ACADEMY (on-going) Onde histórias criam vida. Descubra agora