"UNANG TRAHEDYA "

51 41 0
                                    

Simula't sapol handang-handa na ang lahat sa gagawin na seremonya sa kaharian. Nangunguna ang mga tao walang humpay na sumisigaw, tumatalon at ngumingiti.
Masiglang-masigla ang araw, namumukadkad ang mga bulaklak na kaysarap titigan at amuyin.

Nakikisama din ang hayop sa paligid sa pagsaya, ang mga paru-paru na nagdadala na isang dekorasyon sa seremonya, mga ibon na ang sarap pakinggan ang kanilang mga huni, ang mga tubig ng mga ilog na rumaragasa na kaysarap pakinggan, at ang huli mga puno na akala ng lahat sumasayaw dahil sa galak.

Sa pagdating ng oras, hindi sigurado ang kaba,sa pagpasa ng isang mahalagang posisyon at kapangyarihan.Nawawala ang dating sarili sa pagtungtung ng korona sa ulo.

Nakahanda na ang lahat sa panibagong usbong ng buhay.Hindi mapakali ang isang tao sa kaniyang kalagyanan, naghihinagpis,nangulila at nagagalit sa lahat ng pangyayari, mawari niya wala siyang sa posisyon na damdamin ang nakakaibang kaba,ngunit hindi niya mapigilan.

"MAGBIGAY PUGAY SA BAGONG TAGAPAGPANGALAGA NG KAHARIAN!"

Yumuko at lumuhod, nagdasal at nagpasalamat sa mahal na Diyos.Hindi maalis ang maaliwalas na mukha ng mga tao.

'maghihiganti ako, walang tumatalo sa akin! ' bulong niya sa kaniyang isip.

Mananaig ang kabutihan sa lahat ngunit hindi alam ang takbo ng panahon sa pagdating ng isang araw mawawasak ang buong kaharian, ang mundo na ang tanging tahanan ng lahat. Hindi magpapatalo ang kabutihan, gagawin ang tama iwaksi ang nakakasama.

Sa pagdating ng hudyat ng kamatayan walang makakapigil sa lumiliyab na galit at taksil. Nangangati ang bawat palad sa pagpatay, nangangati ang loob-looban dahil sa galit. Hindi mawari sa oras ng hudyat.

Kumukuyom na ang mga kamao, lumalabas ang isang hindi pangkaraniwang kapangyarihan.Nagagalak na makita ang mga tao na nahihirapan,nagmamakaawa, at umiiyak dahil sa sakit.

Nagsimula ng kumulog, tumatakip ang maiitim at makakapal na ulap sa masayang araw, itim na itim, malaking malaki,nagsimula na ring kumikidlat sa kanilang paligid nang dahil sa nangyari natatakot na ang mga tao na kanina-kanina lang ngumingiti pa.Nagsimula ng mag-alala ang lahat.

"Maghanda ang lahat !"

Nagsimula ng magkagulo at naguguluhan sa mga nangyayari. Naiiyak sa sakit na natamo. Hindi alam ang susunod na gagawin.

"ikalma ang inyong sarili!"

Nasisiyahan siya sa nakikita, nagagalak at natutuwa sa mga tao na nahihirapan.Kulang pa yan sa mga araw na walang tao na nasa tabi ko.
Nagsisimula pa lang, nagsisimula pa lang..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

'NAGSISIMULA PA LANG ANG PAGHIHIGANTI KO'











LE VIOUR ACADEMY (on-going) Where stories live. Discover now