" KABANATA 1"

42 38 4
                                    


"Tanya anak bangon na"

Napabangon ako dahil sa tinig ni Lola, dali-dali akong bumangon dahil ngayong araw ang punta namin sa lungsod para ipagbili ang mga paninda namin.

"Opo Lola, susunod po ako" balik ko na sagot kay Lola na nasa pintuan ng kwarto ko. Maliit ang kwarto ko pero para sa akin kuntento na ako dito, makikita ang aking bintana na gawa sa kahoy at may makatukod na kawayan para tumaas ang siwang ng bintana, si Lola siguro ang naglagay doon.May maliit na kabinet na para sa damit ko, at isang kutson na hinihigaan ko ngayon.

Inayos ko muna ang hinihigaan ko at sumilip ako sa bintana ko. Hindi pa gaanong makikita ang araw dahil alas singko y media pa ng umaga,wala ka pang tao na makikita sa labas. Tahimik na tahimik pa.

Ako si Tanya Rosales, isang anak,labing pitong taong gulang at ito ang buhay ko. Isa akong unica hija pero hindi ko naman nakikita ang mga presensya ng gumawa at nagluwal sa akin, nakakalungkot isipan pero ganoon talaga ang buhay, hindi mo alam saan gugulong. Simula nang namatay ang mga magulang ko isa ring pinakasakit na nangyari sa buhay ko ay ang pagkamatay ng ikalawa kung tatay, si Lolo, buong gabi akong umiiyak at nalulungkot tuwing naiisip ko yun pero sinabihan ako ni Lola na hindi magiging masaya si Lolo kung nasaan man siya dahil sa pagiging iyakin ko dahil sa kaniya na dapat magiging matatag ako sa anumang bagay dahil dadarating ang mga panahon na mas masakit pa ang aking sasapitin.

At ngayon si Lola na ang nag-aalaga sa akin dahil kami na lang dalawa ang natitira.Hindi ko na kaya kung pati na rin si Lola mawawala sa buhay ko, siya lang ang dahilan kung bakit gusto ko pang ipagpatuloy ang buhay ko.

Nagpasya na akong lumabas sa kwarto.at sa paglabas mo makikita mo ang maliit na lamesa na may dalawang stool na upuan na gawa sa kahoy. Sa gilid nito ang maliit na sala na may isang hilera na sofa na gawa rin sa kahoy na madalas na inuupuan ko para magbasa at magmuni-muni .

"oh? Punta ka muna anak sa palikuran, maghilamos ka doon, may laway ka pa anak oh" natatawang bungad sa akin ni Lola. Si Lola talaga..

Ganyan talaga si Lola, palabiro yan, hindi bagay sa kaniya ang tanda na niya tapos marunong pa siyang bumiro.Sisenta nuwebe na yan pero mas masigla pa yan sa kalabaw.

"Lola talaga"

Pumunta na ako sa palikuran at nagsimula ng maghilamos. Maliit din ang palikuran namin na gawa sa Marin, may inidoro naman, may isang dalawang maliliit na balde at isang tabo. Kinuha ko ang tabo na may tubig at nagsimula na akong maghilamos. Kumuha ako ng bimpo sa may sampayan ng damit at ginawa kung pamunas sa basa kung mukha.

"oh? Wala ka nang laway? Upo ka, kain na tayo"

"Lola naman, wala na oh" pinakita ko ang aking mukha

"oh sige wala na pala haha" tumatawa pa si Lola. Hmmpp.

Umupo ako sa stool na upuan at nagsimula na akong kumuha ng kanin, hmm. Sarap ng ulam ah, may piniritong tilapia at talong. Makakain ako ng marami ngayon. Kapag may sobra sa pera namin ni Lola bumili kami ng ulam na minsan lang namin makakain. Kahapon kasi malakas benta dahil marami dumarayo doon sa lungsod.

Nilagay ni Lola ang tinimpla niya na kape sa tabi ng plato ko. Paborito ko to.

"Kumusta ang tulog mo anak?" tanong niya sa akin, madalas kasi magtatanong si Lola kung kumusta daw ang tulog ko, hindi ko rin alam eh, normal lang siguro yun sa ibang apo.

"Okay lang po Lola, kayo po?" balik na tanong ko sa kaniya.

"ayun, nakakaraos naman sa pagtulog"

Madalas kapag pagod si Lola dahil sa pagbebenta, pag-uwi niya titimplahan ko siya ng salabat at hihilutin ang buo niyang katawan para mawala ang pagod at sakit. Pagkatapos daw kung hilutin ang buo niyang katawan para daw siyang lumilipad dahil sa sarap ng hilot ko. Napapangiti na lang ako tuwing sinasabihan niya ako.

LE VIOUR ACADEMY (on-going) Where stories live. Discover now