"KABANATA 5"

29 26 0
                                    


Salamat pa rin sa inyong lahat!
Mahal kayo ni author haha

Period naman po akiz , ang sakit! My ghad.
_______________

  
Sa halip na ipagpatuloy ang aking pagtulog nakatunganga lang ako sa aking kahoy na bintana, kanina pa ako rito, madalas ito ang ginagawa ko kapag alam kung masyado ng maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan.

Tulad ng dati mas gusto ko ng hindi pa umaangat ang araw, dahil mas kumportable at nakakapagisip ako ng maayos kapag may mga bituin pa na kumikislap sa langit na ang madalas kung pinakahihintay sa gabi. Wala pa ring lumalabas na tao, mga alas kuwatro y imedya pa ng umaga at alam kung gising na si Lola.

May lumang orasan na nakasabit sa pader na kahoy, matagal at mahalaga na bagay sa akin yan dahil binili ni Inay noong unang bayad ng trabaho niya kaya ingat-ingat namin.Lumang-luma na, hindi na mahuhulma ang disenyo at hindi na masyado makikita ang mga numero ngunit kahit ganyan ang hinatnan  ay mas mahalaga ay importante ang bagay na galing sa magulang ko.

Nagpasiya akong pumunta sa luma kung kabinet ang kinuha ang kahon ng kwintas na binili ko noong isang araw. Ngayong araw ang araw ay may mga suwerteng tao na makakatapak sa akademiya.

Wala pa akong maisagot sa tanong ni Lola, nalilito pa ako. Mahal ko si Lola, siya na lang ang natira sa akin at ayaw ko naman suwayin ang huling hiling ni Lola sa akin, hindi ko kaya na hindi siya pagbibigyan ngunit alam ng lahat na wala pamana ang katulad namin.
Sana maging masaya si lola sa aking desiyon, mahal ko siya at kaya kung ibigay ang kaniyang kaligayahan.

Binuksan ko ang kahon at hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa kwintas ito, ito ang unang beses na nakabili ako ng sarili kung gamit, simula kahapon nagsisilbi ko na tong inspirasyon sa buhay ko.

Nagpasiya na akong lumabas sa aking silid, nadatnan ko si Lola sa lamesa na may iniinom,lumapit ako kay Lola.

"Lola ang aga niyo naman" bungad ko sa kaniya, salabat pala ang kaniyang iniinom.

"Alas singko pa apo, bakit ang aga mo gumising?" nagtatakang tanong ni Lola, madalas mga alas singko you imedya na ako gumising.

"Trenta minutos lang naman po ang agwat haha"

Natawa na lang din si lola.

Hindi ko alam kung bakit maaga ako ngayon, normal lang ito sa akin.

Pumunta mo na ako sa palikuran at naghilamos tapos lumapit ako sa lamesa at umupo , may tinapay at kape na nakaahin, kumagat ako sa tinapay na kinuha ko.

"Lola papayag na po ako sa inyong hiling" pagbabasag ko sa katahimikan, wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.

Nag-angat ng ulo sa Lola sa akin.

"Talaga apo?!" nagulat ako sa kay Lola sa sumigaw.

"Opo Lola, wala namang masama kung susubukan natin diba?"

"Salamat naman apo at pinagbigyan mo si Lola" mangingiyak na pasasalamat ni Lola.

Lumapit ako kay Lola at yinakap siya siya patalikod.

"Lola naman wag na po kayong umiyak, mahal na mahal ko kayo at handa akong gawin ang inyong gusto " nakangiting ko paglalambing kay lola, nilagay ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Masaya ako apo, sana pagpalain ka ng diyos" niyakap niya rin ako pabalik.

Maaga pa at mamaya pang alas sais ang punta namin sa lungsod, magsasalok muna ako ng tubig sa balon doon sa ibabaw.

"Lola ako na po ang maghuhugas, at maliligo na rin po ako, magsasalok lang din po ako ng tubig para sa inyo nang makaligo na rin po kayo" sambit ko ko kay lola na nasa kahoy na upuan at nag-aayos ng mga dadalhing paninda namin.

LE VIOUR ACADEMY (on-going) Where stories live. Discover now