"KABANATA 7"

9 8 0
                                    

Hi po! Nakalipas na ang 1 month na ngayon lang ako bumalik sa update. Sorry talaga mga loves! Ahmm. Still busy and for now I'm still managing my time na ituloy ito dahil gusto kung makapunta na si Tanya sa akademiya. So guys. I hope you will still support me. Thank you!

Happy 192 followers!
Happy new year din(kahit late)

**

"Hindi naman po mahirap ang pinagagawa sa amin kahapon ngunit napagod lang kami dahil ang layo ng binyahe namin bago marating ang aming destinasyon " ani ko kay Lola sabay inom ng salabat, masakit pa rin ang likod ko nung nahampas ako ng dalawang beses sa malaking puno ngunit hindi ko masabi-sabi kay Lola dahil baka lalong magalit siya sa akin.

" Ngunit apo nag-alala lang si Lola sa iyo "malumay na sambit niya sa akin, alam ko naman Lola eh.

"Wala naman po akong sugat Lola at may mga kasama naman po ako doon"

"O siya salamat naman, ano naman daw ang mangyayari pangkatapos ng mga pagsubok na sinasabi nila?" tanong niya.

Alas singko pa ng umaga at maaga ako nagising dahil masakit ang natamo ko sa likod, namamaga lang at hindi naman gaanong malaki.

"Maghintay na lang daw kami" Kinuha ko ang tinapay at kinagat. Si Lola nasa kusina nagtimpla na rin ng kaniyang maiinom.

"Salamat apo at nagawa mo ang hiling ko" malumay na pasasalamat ni Lola.

"Lola naman, mahal ko kayo at kaya kung gawin ang magpapasaya sayo"

"Alam ko apo pero kung makapasok ka man sa akademiya, tutuloy ka ba roon?"

Nahinto ang pagkain ko sa tinapay, nagulat ako sa tanong ni Lola. Maaring makapasok ang tulad ko at maari ding hindi ngunit wala akong ideya kung tutuloy man ako kung sakali pasok ako sa listahan ng  mga estyudante na makakapag-aral sa akademiya.

"Lola hindi ko po alam" sagot ko sa tanong ni Lola, sa totoo lang alam kung magiging masaya si Lola kung makakapag-aral man ako kahit sa pampubliko ngunit wala kaming panggastos sa mga gastusin sa pag-aaral.

"Pero apo kung sakali mang makapasok ka sa akademiya sana iisipin mo na dapat ipagpatuloy mo ang pag-aaral para sa akin apo, para sa akin at para na rin sa inay at itay mo"malumay na sambit sa akin ni Lola.

Tumango na lang ako dahil wala ako sa lugar na maipapangako ang kaniyang sinabi sa akin.

Natapos na ang araw at wala kaming masyadong kita dahil tig-ulan ang buwan ngayon. Pagdating nga namin ni Lola sa bahay, para na kaming basang sisiw salamat naman at hindi nabasa ang aming paninda.

"Lola ako na po ang mag-aayos nito" tukoy ko sa mga paninda namin.

"Ako na lang apo, magbihis ka muna baka magkasakit ka pa" sambit ni Lola habang may kinahalukay sa kusina.

"Lola sige na po, magbihis po muna kayo tapos ako naman po ang susunod" sambit ko kay Lola. Walang nagawa si Lola kundi sumunod sa akin.Kapag hindi ako nakangiti alam niyang seryoso na talaga ako.

Tinapos ko muna ang mga gawain at pumunta na ako sa palikuran at naligo, hindi ko talaga masyado pinabasa sa ulan si Lola dahil madali lang siyang magkasakit pero ako kabaligtaran ng sa kaniya.

Nakapagbihis na ako,limang pares lang ang damit ko, basa pa ang iba. Pina-ikot ko ang manipis na tela sa paligid sa banfang beywang ko. Masakit pa rin at hindi ko alam kung kailan ito gagaling.

"Apo! Halika muna!"

Nagulat ako sa sigaw ni Lola, dali-dali akong lumabas sa kuwarto ko, baka ano nang nangyari kay Lola.

LE VIOUR ACADEMY (on-going) Where stories live. Discover now