Chapter 17

1 0 0
                                    

Buzzzzz~~~

Napakapa ako sa phone ko ng magvibrate yun. Oo, vibrate yan.

1 message

Mommy
Message
Gumising kana, nak umuulan mapapasarap tulog mo.

Pagkabasa ko nun napangiti ako, sabagay masarap talagang matulog kapag malamig e no??

Bumangon na ako at naghalf bath may warm water naman kaya hindi malamig. Bumaba na ako at bubukas na sana ako ng ref para kumuha ng cereal at nakita ko yung note.

May rice at ulam diyan, kumain ka Eiffel. Kung gusto mo bread meron din jan. Huwag mong gutumin yung sarili mo.

Ps. Nandiyan din si Vince

- mom

Iniwan ko lang dun yung note at kumain na. Oh, bakit parang walang may nakakuha dito. Ahh hindi pa siguro nakakain si Kan. Napatingin ako sa labas ng bintana, ang lamig nakasweter nga ako para hindi masyadong malamig. Tinapos ko na ang pagkain at hinugasan yung plato na kinainan ko. Napatingin ako sa orasan 10:00 na pumunta na lang ako sa kwarto at simulang mag-aral. Hindi ako makakapunta dun dahil grabe yung ulan.... sa susunod na lang.

11:00 na bakit hindi pa bumababa si Kan para kumain. Bumaba kasi ako kanina mga 30 minutes ago at wala naman siya dun. Don't get me wrong. Tumayo ako at lumakad patungo sa kwarto niya.

I knock at the door three times.

"Kan, nandyan kaba??"

I knocked again because no one answered.

"Kan, pwedeng pumasok??"

"Bahala ka papasok nako" sabi ko sabay bukas ng pintuan wala kasing sumasagot. Nasaan na ba kasi yun!?!?

Nakita ko siya agad sa higaan he's wrapped around his blanket, a very thick blanket. Niyug-yug ko siya pero hindi siya nagigising.

"Kan, gising na" sabi ko na pilit ko parin siyang inuuga-uga.

"Ayoko" He murmured. Tumaas yung isang kilay ko.

"ANONG AYAW MO!!" Akala ko mapapabangon siya dahil sa sigaw ko. Tumingin siya sakin na parang naaantok pa din. Napanganga ako.... I'm really speechless....

"Vince Kan Sanchez gumising ka!!" hindi parin siya kumikibo. Nilapitan ko siya at akmang pipitikin ko yung noo niya naramdaman ko yung init ng noo niya. Napatingin ako sa kanya, grabe yung pawis sa noo niya. Hinawakan ko yung noo niya at naalis ko agad yun. He's burning hot. Natandaan ko bigla yung sinabi niya...

"Halika na, magkakasakit pa ako sayo ehh"

At hindi nga siya nagkamali nagkasakit nga siya. Tsk.... sakitin din ang isang to. Ngayong nandito ako sa kusina hindi ko alam kung anong gagawin ko. Oo, ilang beses na ako nakaalaga ng may sakit pero hindi ako marunong magluto!!!

I tried calling Mom, Dad, Ob, France kahit sa iisang lugar lang sila ngayon hindi sila sumasagot lahat and I even tried calling Clarisse but her phone is busy. Wow, and busy nila haa!!

It's just you and me now. sabi ko sa phone na nakaplay yung kung paano magluto ng soup. Naglagay ako ng pepper at asin at kung ano ano pa kasi yung sinasabi. At sa totoo lang hindi ko na alam yung ginagawa ko. At yung end result hindi ko alam... soup naman siya ehhh.... siguro? bahala na!. Masarap naman siguro to...

Dinala ko yun sa kwarto ni Kan at nagdala din ako ng gamot.

"Kan, gising" pinilit ko siyang mapabangon at bumangon na din naman siya yung ulo niya nasa head board at nakapikit padin yung mga mata niya.

"Ito kainin mo to" sabi ko sa kanya at binigay yung soup. Minulat niya yung mata niya at tumingin sakin.

Tumaas yung kilay ko "Ano, gusto mong subuan pa kita??"

"P-pwede?" sabi niya parang nahihirapan na din siyang magsalita dahil siguro sa pagtuyo ng lalamunan niya. Haysss, sige na nga na guilty kasi ako.

"Ahhh" sabi ko sa kanya nagaalinlangan pa kasing ibuka yung bibig niya.

"Hindi ako bata"

"Kainin mo'na lang" sabay subo sa kanya at napatayo bigla ako!!

"Kan, Problema mo!!!" akmang isusuka kasi niya kung kinain niya!! Ayoko sa lahat yung susuka ehh!!

"A-ang i-init--a-ang i-init" sabi niya habang pinapaypayan yung bibig niya. Binigyan ko naman siya ng tubig, mabilis naman niyang ininom yun.

"Maawa ka naman sakin, may sakit na nga ako tapos pinaso mo pa yung dila ko"

"Oo na, sige na humiga kana ulit at hihipan ko na" humiga naman siya ulit sa head board.

"Ohhh" and this time hinipan ko na, mahiya naman ako.

"Oh, okay na?" tanong ko ng kinain niya yung soup na niluto ko... Arte!

Natapos na siyang kumain tapos pinainom ko siya ng gamot. Pinahinga ko na din ulit siya... Bumaba naman yung temperature niya.. Bumalik na ako sa kwarto at nag-aral.

Ahhh! tumayo ako at nagstretch stretch dahil kanina pa ako umuupo. Ang sakit kaya, nakaupo ka ngalang ng ilang oras masakit na yung pwet mo...

Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni Kan. Eche-check ko siya syempre bago tumaas naman yung lagnat nun. Umupo ako sa gilid niya at kinuha yung temperature niya. Bumaba naman, mga mamaya na naman siya iinom ng gamot. Palabas na ako ng....

ring~~~ ring~~~ring~~

I picked up my phone without locking who the caller is...

"Hello"

"Annyeong!!" masayang bati nung sa kabilang linya napatingin na lang ako bigla kung sino yung caller... And what a surprise!!!

"KUYA I" masayang bati ko diba parang hindi ako masaya eh no?

"Aray, Eiffel my eardrums"

"Ewww, Kuya I di bagay sayo" hindi talaga bagay sa kanya dahil pag makita mo siya isa talaga siyang lalaki.. ganon sila ni Kuya A.... abay syempre kambal sila ehh.... naging pareho na'din yung ugali nila. tss...

"Bakit ka pala napatawag, Kuya I??" hindi kasi siya masyadong nagcacall kasi busy siya at kapag may mahahalaga lang na ocassion o nangangamusta ganon. Hindi kasi kami close, I mean close kami pero hindi tulad ng closeness namin kay Ob.

"Nandito kami sa airport"

"Whattt?? kala ko matagal pa kayo uuwi dito??" Wahhhh!!! Nandito na sila!!

"I'll explain when we get there"

"Okayyy, so I guess you need a ride?"

"Yah, exactly why I called you, dear"

"Oo na po, susunduin ko kayo ang lakas pa naman ng ulan" sabi ko at naglakad pataas sa kwarto ko.

"Okeyy, We'll wait for you babushhh" sabi niya at mabilis na pinatay yung call. Napailing na lang ako. Umalis nako nilock ko yung bahay syempre si Kan? indi naman siya mamamatay dun sa loob no.... At isa pa I checked him again at maayos yung kalagayan niya. Kaya okay lang na maiwan siya sa loob ng bahay mamatulog lang naman yun...

Pagkarating ko pumasok na ako syempre alanganan namang tumunganga ako diba? Naghanap hanap ako ng mga ilang minuto kaya tatawagan ko na sana kaso... Nakita ko yung rebulto ng isang taong kilalang kilala ko yung hubog ng katawan. Dahil sa tuwa patakbong lumapit ako sa kanila at yumakap. Narinig ko pa silang dalawang natawa, paano ba naman ang taas nila kaya parang nakasampay ako sa kanilang dalawa. Normal yung height ko.... talagang mataas lang sila...

"So, alis na tayo"

SomeoneWhere stories live. Discover now