Chapter 5

6 2 0
                                    

Paanong...?

"Anong ibig mong sabihin, noon pa man?" tanong ko.

"Apat na taon na kaming may relasyon ni Johnny, si Kamell ang sagabal samin"

"Eh, bakit pa siya nakipagrelasyon kong may girlfriend na siya?" galit na sabi ko.

"Sabi niya sakin, may kailangan daw siya kay Kamell sabi ng daddy niya" sabi niya na umiiyak na.

"Eh, bakit pumayag ka na maging sila ni Kamell kung nasasaktan ka?" tanong ko, bakit nga ba?

"Dahil, mahal ko siya gagawin ko ang lahat kahit masaktan pa ako!!!!" sigaw niya sakin. Ha!!!

"Eh, pano kong iwan ka din niya? katulad sa pag-iwan niya kay Kamell"

"Alam kong hindi niya ako hihiwalayan, kung hindi niya gusto sakin sana matagal niya na akong iniwan" seryosong sabi niya.

"Your so pitiful, pero hindi kita kakampihan dahil matagal na kayo. Kung pwede niyo na lang sabihin, bakit kailangan pang masaktan niyo si Kamell. Alam mo na parang kapatid na ang turing ko sa kanya at alam mo na malaki ang naitulong niya sakin!!!!" sigaw ko at umalis na. Bakit ganon? Bakit si Kamell pa ang nasasaktan. Tinulungan niya ako so it's my time to make her feel better.

Flashback
"Daddy!!!!!" umiiyak na sigaw ko. Si... si daddy!!!! nandito kami ngayon sa ospital at sabi ng.... doctor... wala na siya. Bakit? daddy bakit kailangan mong umalis sabi mo sakin magta trabaho ka lang tapos magbo bonding tayo dahil gusto mong bumawi dahil trabaho palagi ang inuuna niyo tapos... tapos ganito pa kita nakita.

"Daddy!!!! b-bakit mo ako i-iniwan, b-bakit daddy!!!!" sigaw ko mas masakit pato sa kahit anong sakit na naranasan ko. Yakap yakap ako ni mommy na umiiyak na din. Bakit?!

Few months had past since ng namatay si daddy. Na cardiac arrest daw siya sabi ng doctor dahil sa sobrang stress sa trabaho.

"Nak" malumanay na tawag ni mommy samin ng kapatid kong lalaki. Lumapit naman ako sa kanya na akay-akay ko si Charles.

"Bakit mi?" tanong ko pero may nakita ako sa likod.

"Mi, san ka pupunta? bakit may mga bag ka, may pupuntahan ka ba?" tanong ko ulit.

"Clarisse sweetie, I have to do this. Do you know about the company, right?" tumango ako dahil sa pagkamatay ni daddy bumagsak na ang kumpanya dahil na bankrupt na yun.

"I need to go to America to your tita Veronica. Then, maybe I can find work there" Si tita Veronica is mom's elder sister.

"But, mom what about us, me, Charles?"

"Magpapadala naman ako dito and besides pupunta dito si tita Viv niyo" And tita Viv mom's older sister.

Umalis na si mommy at sabi niya sakin alagaan ko daw ang kapatid ko pero dahil nandoon siya naghanap na din ako ng trabaho kahit part time lang para makadagdag sa ipon namin. Pero isang araw umuwi ako at nakita kong nasa sahig na si Charles at nanghihingi na ng tulong si tita. May tumulong naman samin at dinala namin siya sa ospital nakabayad naman kami dahil sa padala ni mommy. Pero hindi parin yun sapat dahil ang taas daw ng lagnat niya at nagka dengue siya. Pumapalit-palit kami ni tita sa pagbabantay sa kanya kahit si tita naghahanap na din ng pwedeng mapag-utangan niya. Isang araw nandito ako sa may bridge papunta na ako sa ospital. Pero... pagod na ako, ayoko na ang hirap ng buhay namin ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit ang hirap. Dad, bakit mo kami iniwan miss na kita dad. Miss na miss sana hinintay mo muna na makabawi ka samin ni Charles sa pagkukulang niyo. Tapos pati ang companyang pinaghirapan mo bumabagsak na. Iyak lang ako ng iyak natatandaan ko pa na lahat ng bagay na gusto namin nandyan na agad pero bakit... kailangan pang mawala si papa. Kaya umakyat ako dun in that time pumasok sa isip ko na magpakamatay na lang. Tatalon na sana ako ng... may naramdaman akong may humila sakin pataas. Tumingin ako sa kanya at akala ko angel siya dahil naka kulay puti siya pero tinulungan niya lang akong tumayo at inakay niya ako sa bench na nasa gilid lang. Doon ko napagtanto na buhay pa pala ako.

SomeoneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt