Chapter 10

5 2 0
                                    

Kamell's POV
"Ate!!!"
Bago ko pa madilat ang mga mata ko, alam kong nagsimula na naman magbagsakan ang mga luha ko na tila hindi nauubos. Simula nung mamatay siya...Tris...my friend. Bakit palagi na lang akong walang nagagawa!!! Nung namatay siya!!....nung... namatay sila!!! Why do I feel so helpless??!!

"Lil sis" napadilat ako ng marinig ko ang malumanay na tawag sakin ng Kuya ko.

Umupo ako at sinalubong ang mga mata ng kuya kong alam kong grabe ang pag-aalala sakin. Hindi siya nagsalita sa halip pinahid niya ang mga luha ko at mahigpit na niyakap ako. Niyakap ko din siya at nagsimula na naman ang mga luha ko na magbagsakan.

Flashback
"Pass me the ball, France!" I said ang opened my arms wide. France is only 5 years old, pagpasa niya sakin ng bola hindi ko nakuha yun dahil sa ibang direksyon patungo. Kukunin niya sana pero pinigilan ko siya. Pununtahan ko ang bola. Pagkuha ko nito nakita ko si Tristan ang nag-iisang lalaki nakalapit sakin maliban kina daddy, Kuya at mga pinsan ko. Nagwave ako sa kanya at nagwave din siya pabalik sakin. Nagkatitigin kami hindi ko alam pero hindi ako makagalaw parang... parang nakulong ako sa mga titig niya. Nabigla na lang ako ng may nagbusina at nakita ko si Tris na mabilis na nataranta.

"Ate!!!"

"Ate, look out!!!" napatingin naman ako kay France na siya ang sumigaw.

*bagsz*

*creeckk*

Hindi ko alam ang nangyari pero alam kong nakaligtas ako. Napatingin ako sa taong nagtulak sakin. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha galing saking mga mata. T-tris.... S-si Tris ang siyang nagligtas sakin. Nadala siya namin sa hospital. Pero ilang araw lang ay namatay din siya. Ang
b-bestfriend ko... na walang ginawa kundi pasayahin ako. Ang bestfriend kong parang nagiging k-kuya ko na din at a-ang k-kalaro ko. N-na parang t-tinuring na din akong kapatid... na kahit nga siguro araw araw iparamdam niya sakin. Siya yung palaging nagliligtas sakin kapag may umaaway sakin. Siya yung nagpapatahan sakin kapag nasusugatan ako, sinasabihan niya akong huwag ng umiyak dahil bibigyan niya daw ako ng lollipop. Siya yung kasama ko, sa masaya man o malungkot na pangyayari sa buhay ko nandiyan parin siya sa tabi ko at palagi akong sinasamahan. Na para bang sinasabi niya na kahit marami ka pang kaibigan ang kailangan mo isa lang na siyang tunay mong kaibigan. Na kahit sasamahan ka kahit saan kahit k-kamatayan pa... y-yung... hindi ka p-pababayaan. Alam mo yung... h-hindi h-humihingi ng kapalit na k-kahit b-buhay yung nawala. H-hinding-hindi ko m-makakalimutan yung ginawa niya. I never imagined na mawawala s-siya, at mas...
h-hindi k-ko in-naasahan n-na s-sa
h-harapan ko pa siya n-nawala... N-na a-ako p-pa y-yung h-huling n-nangitian... a-at h-huling n-nakita... niya b-b-bago siya
n-nawala.... Na hindi ko alam na... y-yun na p-pala y-yung h-huling n-ngiti na makikita ko a-at y-yung h-huling b-beses na
m-makakasama k-ko s-siya....
End of Flashback

"Huwag ka na munang pumasok" malumanay na sabi sakin ni Kuya. Tumango na lang ako dahil pakiramdam ko parang nawalan na ako ng lakas sa kakaiyak.

Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng gutom, tumingin ako sa wall clock ko dito sa kwarto ko tanghali na pala. Bumangon na ako at naligo, nagbihis ulit ako ng Pjs dahil gusto ko matulog maghapon. Pagbaba ko nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa niya dito??

"Why are you here?" tanong ko sa kanya na kampanting nagbabasa ng newspaper sa living room.

"Oh, gising ka na pala"

"You're not answering my question?!"

"Woahh, high blood?" nanunuksong sabi niya pa!!

"Bakit ka nandito?"

SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon