Chapter 15

0 0 0
                                    

"I'm sorry, Mell" sabi niya nung tumayo ako.

"Thank you" ganon lang naman yung gusto kong marinig ehh to totally forgive "I already forgave you" sabi ko at tuluyan ng umalis. Masakit... syempre mahal mo ehh. Pero ano magagawa mo? may mahal na siyang iba ehh....

Lumakad ako palabas ng coffee shop. Umuulan? parang hindi naman madilim yung langit kanina ahh?? I feel at ease now.... because I believe that.... kung hindi para sayo ang isang bagay o tao, hindi talaga mapapasayo ito o siya. Kaya palayain mo na at palayain mo din yung sarili mo.

Hindi ko namalayan na may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Napatingin ako dun, binaba niya yung bintana sa passenger's seat at... bumungad sakin ang mukha ni Kan. Walang sabi-sabi na sumakay ako at inihiga yung ulo ko sa upuan. Nagdrive naman siya, gusto ko lang makaalis na dito nakakatakot na kasi. Parang feeling ko parang may tumitingin sakin at may sumusunod. Dahil siguro yun sa panonood at pagbabasa ko ng mga secret agent na mga paranoid kaya siguro napaparanoid din ako.

God has a plan and I know this is one of it. I believe in Him no matter what, because He is our God that loves us all even if we're sinners and imperfect, He forgave us and in His eyes we're all perfect...

"Kam" narinig ko habang may umuya-uya sakin. Napadilat ako ayy nandito na pala kami.

"Nandito na tayo" sabi ni Kan at inalalayan akong makababa sa sasakyan. Pumasok na kami sa loob wala pa sila Ob at France.

"Ffel, hindi mo ba kasama si Ob at kapatid mo?" tanong sakin ni daddy na nakaupo sa single sofa.

"Hindi po di, magkasama daw po silang umuwi sabi ni Ob sakin"

"Ayy, ganon ba? sige magbihis mona kayo" sabi ni mom na kakalabas lang ng kusina.

"Sige po mi, aakyat muna ako bababa lang ako mamaya he he" sabi ko at nagmadaling umakyat patungo sa kwarto ko. Ano ba tong araw na to nagiging bitter ako. Lord, please sana bukas puro naman saya..🙏🏻

Humiga muna ako sa higaan ko ng ilang minuto ng madesisyonan kong maghalf bath. Matapos magbihis bumaba na din ako, nakita ko silang lahat na nandito na rin. Umupo na ako, thank you for the food Lord...🙏🏻

"How was your day, Ob?" tanong ni mommy kay Ob.

"It was okay, I had fun"

"Kasama ba kayong umuwi ni France, Ob?" tanong ko.

"Oo, but wait where did you go?"

"Ahh-mm, I went to talk to someone" simpleng sabi ko.

"Sinong someone nato Eiffel?" tanong naman ni Kuya.

"Ahh!, Kailan pala pupunta sila Kuya I at Kuya A, Ob!?" masayang tanong ko kay Ob.

"Matatagalan pa bago sila makapunta dito."

"Ehh ba't ikaw pala yung naunang umiwi dito?" tanong ko.

"Ahmm.... because of some things" sabi niya pero bakit nakatingin siya kay Kan? tumingin ako kay Kan nakatingin din siya kay Ob. Halaaa!! don't tell me? Bakla si Ob!!!!! No hindi pwedeng si Ob ang maging bakla, Haaaa so si... Kan? Halaa siya... malalaman ko din yan!


Natapos na kaming kumain, pagkatapos kong maghugas ng pinggan pumunta ako sa living room kung nasaan silang lahat. Dahil maaga pa naman napag-isipan nila mommy na magbonding daw kami kahit dito lang sa bahay. Syempre kasama si Kan, magkatabi kaming lahat sa mahabang sofa. Ako, si Ob, si Kan, si Kuya at France sa kabilang dulo. Si mommy at daddy naman umupo sa single sofa, Oo, sa single sofa pero nagkasya silang dalawa. Kumuha pa sila Kuya ng kumot na mahaba para saming lahat malamig din naman kasi. Nagsimula na ang movie kaso hindi ko alam yung title.

....

Kalagitnaan na ng movie ng mapalingon ako sa kaliwa at nakita ko yung seryosong mukha nilang lahat kaya naman may naisipan akong kalokohan... kiniliti ko si Ob galing sa side ni Kan at syempre akala ni Ob si Kan yun, ganon din yung ginawa ko kay Kan galing kay Ob. Napatingin ako bigla sa t.v. ng tumingin si Kan at Ob sakin. Tumingin ako sa kanila.

"What??" walang sabi-sabi na kiniliti din ako nila Kan at Ob. Hahhahahaha!! paano nila nalaman na ako yun??

"Ate, what was that about?!?" sabi ni Ob habang kinikiliti ako. Hahhah !!

"Haha-wa-hahaha-la-haha"

"Wala pala ha" sabi ni Kan at mas kiniliti nila ako.

"Haha-Ku-ya--hahha-tulong-hahah!!" pagsabi ko nun nawala yung kumiliti sakin. Tapatingin ako sa sahig at nandon sila! si Kuya kumiliti kay Ob at si France naman si Kan... pero syempre dahil bisang makulit ako kaya.... tinulungan ko si France kilitiin si Kan... Hahhaha!!

"Mga bata tapos na yung palabas" napalingon ako dun sa nagsalita, ayyy kami palang lahat.. Hahhaha! imagine na nagkikilitian kayo tapos napalingon kayong lahat don... Hahahahhah epic!!

"Matulog na kayo, lalo na ikaw Ffel may duty kapa"

"Opo mi" sabi ko at umalis na at nagsisunuran naman sila.

Pagpasok ko sa kwarto himiga agad ako sa kama. Thank you Lord napaaga yung saya🙏🏻...

.......

Ahhh!! naginat-inat ako before akong umupo sa higaan ko. Haa! sana ganito na lang palagi! Bumaba na ako ng matapos ang morning routine ko.

"Good morning, all!!" masayang sabi ko at nagwave kila mom at bumaba ng hagdan. Ohh? wala pa sila Kuya, France at Ob??

Huh? Anong ginagawa nila? Parang nagtutulukan sila at... parang si Ob yung... nanlaki yung mata ko laughter echoed in the house.

Nakalong dress kasi si Ob tapos yung buhok niya tinali nila tapos ang make-up ewan ko hindi ko'na maintindihan yung mukha ni Ob parang lipstick yung ginamit sa lahat na na'sa mukha niya. Ma'pa blush on man, o eye shadow... Iisa lang ang gamit. Mukhang gusto lang nilang pagtripan ngayon si Ob. Naka-pout si Ob na parang bang inaaping tuta.

"At ano na namang ginagawa niyo!!?!" tanong ni mom na nakatingin sa dress ni Ob na siguradong-sigurado akong pagmamay-ari ni mommy. Tapos tinignan niya ng makakapatay na tingin sila Kuya at France. Si France may hinahanap sa kisame at si Kuya naman tinulak lang si Ob na may kinuhang phone at nagte-text daw dun. tsk!

"So talagang bakla kana talaga ngayon?"sabi ni mom na dinodutdut ang fake boobs ni Ob. May pacleavage pang nalalaman to wala namang laman.

"No. This was Kuya Paris's idea" sabi ni Ob at tinuro pa si Kuya at binigyan ng Lagot-ka-sakin-mamaya-look si Kuya ni mommy.

"May duty kaba?" tanong naman ni dad kay Ob.

"Yeah, Uncle 2 o'clock"

"Magbihis kana nga, hindi kita kayang seryosohin ng maayos ng nakaganyan ka" sabi ni mom kay Ob at si Ob naman? nagpout lang hahahh sige paawa effect lang Ob.

"Sige na magbihis kana?" sabi ni Kuya kay Ob na may pa shoo shoo pa. Siraulo talaga si Kuya.. tsk! Umupo na kami at hinintay lang namin si Ob na makapagbihis ng MAAYOS...

SomeoneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin