Chapter 6

6 2 0
                                    

Nang matapos yung nangyari akala ko pa naman hindi pa matatapos. Sino ba mag-aakala ang isang katulad ni Kan... nanununtok din. Akala ko pa naman may good boy na sa paligid ko, ganon pala bad boy din. hayss

"Nice one bro" sabi ni Kuya dala akbay kay
Kan, napailing na lang ako. Bakit ganon ang mga lalaki no?

"Anong tinatawa-tawa mo jan" sabi ko kay France na tumawa-tawa pa parang walang nangyari. Pinisil ko ang pisngi niyang sinuntok kanina, o tawa ka pa ahhh, binitawan ko lang ng namula ang pisngi at tumawa lang ang dalawa.

"Kuya magbihis ka na, at magluluto ka pa" sabi ko, dahil wala sila mom.

"Ohh, bilisan niyo na baka magalit pa ang nanay niyo" sabi ni Kan at sinamaan ko siya ng tingin at kumuha ng unan sa sofa at tinapon sa kanya. Hindi niya nasalo.

"Ohhh, ilagay mo yan sa lalagyan" utos ko at tinuro ang unan na nasa sahig pinulot naman niya yun.

"France, umakyat kana at magbihis" sabi ko kay France at tumango siya at umakyat na siya. Ganito talaga ako, ako kasi ang in-charge pagwala kina mom at... kahit si Kuya ang matanda ako parin ang pinili nila mom kasi mas responsable daw ako. Pero hindi naman nagalit si Kuya sa totoo niyan masaya pa nga siya kasi wala siyang pro-problemahin. Pero pagdating sa bagbabantay samin, hayyy sobra pa yan sa security guard magbantay samin.

Pumunta na ako sa kusina at binuksan ang freezer at kumuha ng dalawang ice pack. Para sa dalawang ugok na nasuntok kanina. Namula kaya yun! I close the freezer at napatalon ako at nahulog ang ice pack sa kamay ko, sa tingin ko para akong aatakahin sa puso. Pano ba naman nandiyan si Kan sa harapan ko ang puti pa naman niya.

"Okay ka lang? para kang hihimatayin" sabi niya.

"Ikaw kasi!!! ano kaba multo!!!!" sigaw ko sa kanya at pinulot ang nahulog na ice pack pero nakaramdam ako ng kamay na tumulong sakin. Nagkatinginan kami habang hawak ang ice pack. Umiwas ako ng tingin at tumayo ganon din siya at binigay sakin ang ice pack.

"Kam, pwede ba akong magtanong sayo?" tanong niya at naglalakad ako at humahanap ng lalagyan.

"Mmmm, what is it?" tanong ko at inilagay sa malaking lalagyan ang ice pack at hinarap ko siya.

"Please don't mind me asking but, why didn't you let him explain or maybe... to apologize to you" sabi niya.

"Alam kong totoo yung sabi ni Kuya, and I still need time before facing him again" I said with a sigh.

"How can you be so sure?"

"Noon nung naging kami, I know from the start na babaero siya, womanizer a Casanova. Actually this situation is not the first palagi to, if I see him or... he tells me to break up he always come to say sorry at ito naman si tanga na pinapatawad siya. Because I always see him with someone else iba iba, I don't understand myself bakit hinahayaan ko ang sarili kong umiyak para lang sa lalaking yun. But now, I don't want myself to get hurt again. Ayoko ng magmukhang tanga para lang sa kanya, Ayoko na, Ayoko" sabi ko at tumutulo na pala ang mga luha ko, natakip ko ang mga palad ko sa mga mata ko. And the next minute I felt a shoulder surrounding me at yumakap na din ako. I'm lucky to have this man kahit hindi ko siya lubos na kilala he's still lending me his shoulder for me to cry on.

"Hoy, tama na yan magluluto pa ako dito" saway ni Kuya at umalis na man sa pagkakayakap sakin si Kan at pinunasan ko narin ang mga luha ko. Kumuha si Kuya ng isang Ice pack at binigay kay Kan.

"Oh, ayan ibigay mo kay France since pinaiyak mo na naman ang kapatid ko" sabi ni Kuya.

"Si Kuya naman oh, akin na ako na" sabi ko at kukunin ko na sana kay Kan, pero pinataas niya yun. Pilit kong ina-abot yun swerte lang siya dahil mas matangkad siya sakin!!

SomeoneWhere stories live. Discover now