By: Icebabylalabs
Sa pag-abot ng iyong pangarap
Dadaan ka sa maraming hirap
Ngunit huwag kang susuko kaagad
Magpatuloy upang makamit ang hinahangadMaraming problema ang iyong kakaharapin
Mga pagsubok ay daranasin
Ngunit kailangan mo itong tiisin
Dahil ito ay malalagpasan mo rinMay mga oras na ika'y luluha
Mga pagkakataon na puro lamang pakla
Araw na ikaw ay biglang magsasawa
At minsan pa'y mawawalan ng pag-asaKung sakaling hindi mo na talaga kaya
Ipikit mo lamang ang iyong mga mata
Damhin ang presensya Niya
At ikaw ay dumalangin sa KaniyaNgayon ay marami kang kasama
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandyan sila
Kailangan mong matutunan kung paano mag-isa
Dahil kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa.
![](https://img.wattpad.com/cover/210789758-288-k289328.jpg)