Status

1 0 0
                                    

By: Icebabylalabs

Ano nga ba tayo?
Ano nga bang meron tayo?
Ay teka mali... wala nga palang tayo.
Sige ganto nalang,
Ano nga ba ako para sayo?
Isang tao na dapat respetuhin?
Isang estrangherong palaging nangungulit sayo?
Isang kaibigan na laging nandyan para sayo?
Isang mahalagang tao na dapat mong bigyang pansin?
O
Isang tao na mahal mo na dapat mong ingatan?
Ano ba talaga?
Sabihin mo naman sakin dahil nalilito na ako.
Kung Sino ba talaga ako para sayo
Minsan ko na ding itinanong yan sa aking sarili pero hindi ko din nasagot dahil ayokong umasa...
Umasang bibigyan mo din ng kahulugan kung ano mang meron tayo.
Umasang magiging tayo na ngayon, bukas, o sa mga susunod pa na araw.
Umasang gagawa ka ng effort para sakin.
Umasang susuyuin mo ako kapag galit ako sayo.
Umasang yayakapin mo ako kapag nalulungkot ako.
Umasang pasasayahin at patatahin mo ako kapag umiiyak ako.
At umasang mamahalin mo din ako.
Mahirap? Oo
Masakit? Syempre
Nakakasawa? Of course
Nakakapagod? Sobra
Pero kahit ganon, eto ako, patuloy na naghihintay sayo na pumunta sa harap ko at sabihing "mahal kita"
Oh kaya naman sabihing "can I court you?"
Oh kaya naman ay "will you be my girl?"
Oh diba? Nakakakilig?
Kaso hanggang sa panaginip ko na lang yata yan mangyayari eh.
Kasi hanggang ngayun ay hindi ko pa rin alam kung...
Ano ba nga talaga tayo?
Ay teka nagkamali nanaman ako.
Sa sobrang pagpapantasya ko ay nakalimutan kong wala nga palang tayo.
Aayusin ko na ngayun.
Hanggang ngayun ay hindi ko pa rin alam kung...
Sino ba ako para sayo?
Ano ako sa buhay mo?
Teka, parehas lang ba ang naghintay at umasa?
Kung ganon ay tanga na talaga ako noh?
Sa ngayon ay hindi mo pa ako masasagot dahil hindi ko naman direktang sinabi sayo.
Pero maghihintay ako.
Maghihintay hanggang sa kaya ko.
Siguro ay hanggang dito na lang
Ako'y magpapaalam na sa ngayon.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

I remember, this is the first poem that I made. They were shocked when they heard this. They said it's beautiful and meaningful. I want to those persons because they're the one who motivates me to work in poetry. Thank you guys. So much love.

Unspoken WordsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora