Pasensya

0 0 0
                                    

By: Icebabylalabs

Pasensya!
Dahil malapit na ang kaarawan mo,
Sakit at lungkot pa
Ang iniregalo ko sayo

Pasensya!
Pasensya dahil mas pinili ko sila.
Pasensya!
Pasensya dahil iniwan kita.

Pasensya!
Dahil mas pinili ko sila
Na nag-alaga sa akin mula pagkabata
Kesa sayo na minamahal ko.

Pasensya!
Dahil mas pinili kong bitawan ka
Kesa ipaglaban tayong dalawa,
Kesa ipaglaban ang kung anong meron sa ating dalawa.

Pasenya!
Pasensya dahil mas pinili kong saktan ka,
Mas pinili kong saktan tayong dalawa
Dahil ayokong nakikitang nasasaktan sila.

Di ko naman to ginusto
Di ko ginustong tapusin ang lahat ng meron tayo
Pero anong magagawa ko?
Ayokong saktan sila dahil sa pagkamakasarili ko.

Intindihin mo na lang sana ako.
Dahil magulang ko sila at nauna sila kesa sayo.
Mahal kita ngunit mas mahal ko sila
Kaya pasensya.

Pasensya kung nagdudusa tayong dalawa
Pasensya kung kailangan kong tapusin ang meron sa ating dalawa.
Dahil kung tayo naman talaga
Gagawa at gagawa ng paraan si tadhana.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

This is dedicated to my friend. Let's just call her "Jho." Remember, I will always be here for you. I love you so much.

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now