Distansya

0 0 0
                                    

By: Icebabylalabs

Hindi problema ang distansya
Kung totoong nag mamahal ka
Hindi hadlang ang distansya
Upang magpatuloy kayong dalawa.

Hindi basehan ang distansya
Upang ikaw ay sumuko na
Hindi dapat idahilan ang distansya
Para humanap ka pa ng iba.

Hindi distansya ang problema
Kung yan ang iniisip nyong dalawa
Kundi ang tiwala
At pagiging tapat nyo sa isa't isa

Gumawa ka ng paraan
Upang kayo ay magkita
Hindi yung gagawa ka ng dahilan
Para humanap ng mas malapit at makalaya.

Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa distansya
Dahil kahit gaano kayo magkalayong dalawa
Puso pa rin ang magdidikta
Kung sino ang mamahalin mo kahit gaano kayo kalayo sa isa't isa.

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now