By: Icebabylalabs
Maraming problema ang darating
Pagsubok ay daranasin
Mga pangungutya ay tiyak na maririnig
Ngunit huwag mawawala ng pag-asa pagkat Siya ay may plano para sa atin.Natural lang na ika'y umiyak
Dahil pag-abot sa tuktok ay mahirap
Tiyak na marami sayong tatapak
Ngunit dapat mong ituloy ang pag susumikapHuwag kang susuko
Dahil ito ay para din sa iyo
Iyong tuparin ang ninanais mo
At huwag pansinin ang negatibo sa paligid moIpagpatuloy mo ang iyong mithiin
Huwag mong kakalimutan na sa Kanya ay dumalangin
Siguradong ikaw ay Kaniyang diringgin
At magpasalamat sa iyong nakamit na hangarinPagkatapos ng maraming hirap
Asahan mo ang sarap
Damhin ang lasap
Ng natupad mong pangarapDugo at pawis ang inilaan
Inilakip pati ang puso at isipan
Upang maipagpatuloy ang laban
At marating ang ngayo'y kinalalagyan