Chapter 40: Meet Up

136 3 0
                                    

ALEX POV

"Tita, I already met her," tuwang-tuwa kong sabi nang tawagin niya ako sa opisina. Sobrang tuwa lang talaga ako na ibalita sa kaniya dahil siya lang naman ang nakakausap ko tungkol dito.

"Oh! Really? Where?"

"Kanina po sa mall. Nakabanggaan ko po siya kanina." Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi.

"I'm happy for you. But, I have more for you," nakangiting sabi nito na lalaking nagpasaya sa akin. "I already told Mr. and Mrs. Min about this and they are willing to cooperate to know if you're really their daughter."

"Talaga po? Akala po ba masyadong sensitive ang topic na ito sa kanila?" tanong ko pero sobrang kagalakan ang yumakap sa pagkatao ko. I never ever expected this. It's really true that expect the unexpected. Sobrang saya ko. Hindi na ako mapakali sa sobrang saya.

"I have my own ways. Don't worry about that. Be ready tomorrow dahil mameet mo na sila para makapagpa-DNA na kayo," nakangiting sabi ni Tita. Wow!

"Totoo po?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. Wow! Tunay talaga? As in bukas ko na mameet ang tunay na parents ko? Bukas agad? My goodness!

"Yes. Hindi na sila makapag-intay na makilala ka." Sa sobrang kasiyahan ay nadamba ko ng yakap si Tita. Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan sa lahat ng ito. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ito mangyayari.

"Thank you so much Tita. Thank you, thank you, thank you. Thank you in a million times... Kung hindi po dahil sa iyo, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Maraming maraming salamat opo," sincere na sabi ko.

"It's okay. I just want to help my son's girlfriend. Napakabait mo na bata kaya walang mag-aalinlangang tulungan ka," nakangiting sabi niya. Nayakap ko na lang siya ulit dahil sa sobrang saya at pasasalamat. I've never expected this.

"Hey! Where are you going?" tanong ni Tristan ng makitang nakagayak ako paalis. Hindi ko na nasabi sa kanya kahapon dahil hindi na rin naman kami nakapag-usap kahapon.

"May pupuntahan lang kami ng Mommy mo," sagot ko sa kanya habang nagsusuklay ako. Ang hirap namang suklayan ng buhok ko, masyado na kasing mahaba.

"Okay.. Let me help you with that," sabi niya at pinaupo ako sa sofa. Nakatalikod ako sa kaniya at siya naman ay kumuha suklay sa akin para suklayan ako. Sweet naman.

"Saan kayo pupunta?" tanong nito habang sinusuklayan ako. Ang gaan ng kamay niya sa buhok ko. Hindi man lang ako nasasaktan sa pagsusuklay niya kahit sobrang gulo ng buhok ko.

"We'll meet someone," tanging sagot ko. Hindi ko masabi ang tungkol sa pamilya ko lalo na't ex n'ya ang kapatid ko kung saka-sakali.

"Who?"

"I don't know," kibit-balikat na sagot ko. Siguro ay sasabihin ko na lang sa kaniya kung mapatunayan kong sila nga ang pamilya ko.

"Okay. Take care," sabi niya kaya lumingon ako sa kaniyanya. Nakangiti s'ya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Love you."

"Love you too," sagot ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Ayieeeeee!!! Woooo!!! Sana all!" sigaw ni Amethyst kaya napalingon kaming pareho sa kaniya.

"Problema mo na naman?" masungit na tanong nito sa kapatid. Ang lalaki talagang ito, napakasungit sa kapatid.

"Ang sungit mo talaga Kuya. Kinikilig lang naman ako sa inyo. Tsk!" Amethyst.

"Alex!! Let's go, they're already there," sabi ni Tita Sam kaya tumayo na ako at kinuha ang aking sling bag.

"Bye children," paalam ni Tita sa mga anak.

"Bye Mommy," kumakaway na paalam ni Amethyst.

"Bye," walang ganang sabi ni Tristan. Tsk!

"Bye," paalam ko din sa kanila.

"Bye, take care," nakangiting sagot ni Tristan sa akin saka ako hinalikan ulit sa noo.

"Haysst! Ang sakit naman ng kagat ng mga langgam. Hoy! Tama na nga kasweetan ninyo. Ang sakit na kaya ng kagat ng langggam" maarteng sabi ni Amethyst na kunwari at kinakagat nga ng langgam. Nakangiting umiling-iling na lang ako sa pinaggagawa niya.

"Tumigil ka na nga diyan Amethyst. Alex, let's go." Muli pa kaming nagpaalaman bago kami nakaalis ni Tita.

Habang nasa sasakyan ay dumadagungdong sa kaba ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa mangyayari. Excited rin dahil sa wakas makikilala ko na rin sila at sana nga.... sana nga.. sana nga sila na.

Lalo lamang nadagdagan ang kaba ko ng makarating kami sa restaurant kung saan namin ime-meet ang mga Min.

Relax Alex. Relax. Ime-meet mo lang sila. At tsaka, hindi mo kailangang kabahan, kasama mo naman si Tita Sam. Nang makita ang mag-asawa ay sobrang saya na agad ang naramdaman ko. Iyong pakiramdam na gusto ko na silang yakapin agad-agad.

"Good morning Mr. and Mrs. Min," bati ni Tita na nagpalingon sa mag-asawa. Sila nga. Sila iyong nasa panaginip ko. Ang lalaking ito ang lalaking nakita ko sa party ni Tristan. At ang mga matang iyon, matang tulad ng sa akin.

"Good morning, Mrs. Mercado," nakangiting bati rin ni Mr. Min pero si Mrs. Min ay nakatitig lamang sa akin.

"Ikaw na ba si Alexandriaa?" nakatulala nitong tanong. Hindi maalis ang titig sa akin. Maluha-luha na ang mga mata nito pero nakatitig pa rin sa akin.

"A-ako nga po," naiiyak na sabi ko. Lumapit sa akin si Mrs. Min at pinkatitigan ako. Nag-aalinlangan siyang hawakan ako. Kahit ako ay biglang hindi malaman ang gagawin. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako.

"P-pwde ba kitang mayakap?" tanong nito habang dahan-dahang inilalapit ang mga kamay sa akin. Naiiyak naman akong tumango at ako na mismo ang kusang yumakap sa kaniya.

Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman ang bumalot sa akin. Pakiramdam na kompleto na ako, na wala ng puwang sa buhay ko. Isang yakap na matagal ko ng hinihintay. Yakap ng tunay kong ina.

"Hon, Tama na muna 'yan. Kumain na muna tayo," sabi ni Mr. Min. Humiwalay sa akin si Mrs. Min at pareho kaming nagpunas ng luha. Pareho na pala kaming umiiyak.

Magkatabi si Mr. and Mrs. Min at kami naman ni Tita ang magkatabi. Kaharap ko si Mrs. Min na hindi pa rin maalis ang titig ko sa akin. Ngumingiti naman ako sa kaniya kapag naaabutan ko skyang nakatingin sa akin. Kita ang pangungulila sa mga mata niya.

"Saang probinsya ka nga pala nakatira Alex?" tanong ni Mr. Min.

"Marinduque po," nakangiti kong sagot. Tumango naman sila sa sagot ko.

Nagpatuloy sila sa pagtatanong sa akin na agad ko din namang sinasagot. Minsan ay nagtatanong din ako sa kanila para makilala ko sila. Hindi na talaga ako makapag-intay na malaman ang magiging resulta ng DNA.

Masaya ako na tanggap na nila ako kahit na wala pang patunay. I can't wait to meet my sister again. Sabi nila ay hindi kami magkamuka ni Haera at mas matanda ito sa akin. Mas nauna siya ng one and half minute. I can't wait to finally be with my real family. Ibabalita ko ito kina Inay at Itay. Siguradong matutuwa sila.

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin