Chapter 27: The Family

158 6 0
                                    

ALEX POV

Tinawagan ko na sina Itay at Inay. Sobrang miss ko na talaga sila. Ang tagal ko ring hindi nakatawag sa kanila buti na lang at nasabi ni Tristan. May silbi rin naman pala minsan ang lalaking iyon.

(Hello)

"Hello po Nay. Ako ito, si Alexandria," masayang sabi ko. Nakakamiss talaga ang boses ni Inay.

(Ikaw ba talaga si Alexandria?.... Andoy!! Si Alex tumawag. Tawagin mo ang mga bata.) dinig kong tawag ni Inay kina Itay sa kabilang linya. Nagkakagulo na sila dahil rinig kong parang kay nahulog na palanggana. Naghuhugas siguro ng pinggan si Ana. (Totoo bang ang Ate iyan, Inay?)

"Hello, ako nga ito. Kamusta na kayo djyan?" Maririnig ang saya sa boses ko. Napakasaya ko ngayon at muli ko silang nakausap.

(Ayos naman kami dito anak. Ikaw, kamusta ka diyan? Hindi ka ba nahihirapan diyan sa Maynila.)

"'Wag ho kayong mag-aalala sa akin. Okay lang naman po ako dito. Mababait naman ang mga amo ko," sagot ko sa kanila na naglakad paalis ng kwarto. Magtutungo ako sa garden nila para hindi maabala si Elsa na nag-aaral.

(Eh iyong alaga mo, maayos naman ba? Hindi ka ba pinahihirapan?) tanong ni itay.

"Ayos naman ho. Madali lang naman alagaan. Sa katunayan ho ay magkasundo na kami," nakangiting sagot ko sa mga ito. Hindi ko pa alam kung sasabihin ko na ba sa kanila ang panliligaw ni Tristan sa akin.

(Mabuti naman kung ganoon para hindi ka mahihirapan diyan... Anak, salamat nga pala sa pinapadala mong pera. Sakto lamang iyon para sa amin kaya maraming salamat.)

"Walang anuman Inay. Alam n'yo naman pong nagtatarabaho ako dito sa Maynila para sa inyo. Sabihin n'yo lamang po kung may kailangan pa kayo para may magawa ako," sabi ko sa kanila. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kanila. Tinitiis ko ang pagkakalayo ko sa kanila para makatulong ako. "Inay, itay, baka naman ho nagpapakapagod pa kayo diyan sa pagtatrabaho?"

(Hindi naman anak. Hindi na ako masyadong nagtatrabaho sa bukid. Tinutulungan ko na na lang ang Inay n'yo sa pagtitinda ng kakanin. Teka, baka ikaw naman ang nagpapakapagod diyan. Baka inaabuso mo ang sarili mo sa pagtatrabaho at napababayaan mo na ang pag-aaral mo.)

"Hindi naman ho Itay. Madali lang naman po ang trabaho ko dahil kaklase ko lang ang ho at mabait naman na po iyon... Eh sina Ana at Tonton po, kamusta naman sila?"

(Kakausapin kayo ng Ate n'yo,) dinig kong sabi ni Inay sa dalawa. (Hello ate! Miss na miss ka namin nitong si Tonton. Kailan ka ba uuwi?)

"Hindi ko pa alam. Baka sa pasko na lang kapag nakapagpaalam ako sa mga amo ko," nakangiting sagot ko sa mga ito. Miss na miss ko ang rin ang mga kakulitan ng mga ito.

(Ate, maraming salamat nga pala sa pinadala mong mga damit at sapatos para sa amin. Ang ganda-ganda, mukang imported.)

Hah? Hindi naman ako nagpapadala sa kanila. Ang alam ko ay iyong sahod ko lang ang pinapadala nina Ma'am Sam sa probinsya. Tsk! Mukang may hindi pinapaalam sa akin si Ma'am Sam. Naikuwento ko kasi sa kaniya dati iyong kalagayan namin sa probinsya. Kailangan kong siyang pasalamatan.

"Hey! Is that your family?" Napalingon naman ako ng may nagsalita sa likuran ko. Si Tristan na may dalang baso ng gatas na iniinom niya. Tumango na lang ako sa kaniya at muling nakipag-usap sa kanila.

(Hoy Ate! Sino 'yan? Boyfriend ni 'yan 'no?) Aba'y naman ang mga batang ito.

"Ano bang pinagsasabi mo Ana. Manahimik ka nga. Kamusta naman ang pag-aaral n'yo? Baka nagpapabaya ka na," pag-iiba ko sa pinag-uusapan namin. Hindi ko pa talaga alam kung paano sasabihin sa kanila.

(Ayos naman Ate. Ako pa rin naman ang top 1 sa aming klase at may chance pang maging valedictorian sa graduation namin).

"Mabuti naman kung ganoon. Basta 'wag kayong nagpapabaya at alagaan ninyo sina Inay at Itay d'yan. Kung may kailangan kayo ay magsabi kayo sa akin."

(Sige Ate, salamat. Miss na miss ka na namin.)

"Miss na miss ko na rin kayo. 'Wag kayong mag-alala, kapag may pagkakataon ay uuwi ako diyan."

(Sige Ate, iintayin kami namin.) Mamayang-masaya ako at muli ko silang nakausap. Sana nga lang ay makauwi na ako dahil sobrang miss ko na sila.

"Can I talk to your parents?" seryosong tanong sa akin ni Tristan. Hindi pa pala s'ya umaalis. Teka, bakit naman n'ya kakausapin ang mga magulang ko? Kinunutan ko siya ng noo pero tumango lang siya.

"Inay, Itay, kakausapin daw ho kayo ng alaga ko," sabi ko at iniabot sa kaniya ang phone. Tinaasan ko s'ya ng kilay pero tinalikuran niya lang ako para kausapin ang mga magulang ko. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa mga iyon?

"Hello po. Ako po si Tristan, ako po iyong inaalagaan ni Alex," dinig kong sabi niya kanila. Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. "Gusto ko lamang pong pormal na magpaalam para sana ligawan ang anak n'yo," seryosong sabi nito. Napamaang naman ako dahil doon. Totoo ba iyon? Talagang nagpaalam siya sa magulang ko. Napapamaang akong tumingin sa kaniyaya. Siya naman ay nakangiti lang nakatingin sa akin habang nasa tenga pa rin ang phone. "Opo...... Sige po..... Maraming salamat po sa inyo. Huwag po kayong mag-alala hindi ko po sasaktan ang anak n'yo." Napakurap-kurap pa ako habang pinakikinggan siyang kausapin sina Inay. Pumayag sila? Iniabot niya sa phone at hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Ngumiti lang s'ya sa akin ng pagkatamis-tamis.

"Hello. Nay, Tay."

(Anak, ako'y natutuwa at talagang nagpaalam ka sa amin ang batang iyan para manligaw sa 'yo,) dinig sa boses ni Itay ay saya. (May manliligaw na siya ate!!) sigaw ng dalawa na agad din naman pinatahimik ni Inay. (Ang payo ko lamang ay 'wag magmamadali, hah? Bata pa naman kayo at isa pa huwag mong pababayaan ang sarili mo.)

"'Wag ho kayong mag-aalala, hindi ko po pababayaan ang sarili ko. Sige na po, masayadong malalim na ang gabi may pasok pa po ako bukas. Tatawag na ho uli ako sa susunod. Ingat ho kayo diyan," nakangiti kong pagpapaalam.

(Sige, mag-iingat ka diyan. Alagaan mo ang sarili mo at mag-aral ng mabuti. Mahal ka namin.)

"Mahal ko din ho kayo," sagot ko bago pinatay ang tawag. Nakangiti ko namang ibinalik kay Tristan ang phone niya na naroon pa rin sa pwesto niya kanina.

"Salamat," sabi ko. Hindi lamang dahil sa pagpapahiram ng phone n'ya para makatawag ako kina Inay kundi dahil na rin sa ginawa niyang pagpapaalam sa mga ito sa ginagawa niyang panliligaw.

"You're welcome. Basta para sa iyo," nakangiti niyang sagot. Ngumiti na lang ako inaya na siyang pumasok sa loob.

Nagpunta na ako sa kwarto namin at naabutan ko na silang tulog. Nahiga na rin ako at masayang-masaya dahil nakausap kong muli ang pamilya ko at dahil iyon kay Tristan.

Kung sinusunod ko kaya si Itay na huwag nang magbakasali dito sa Manila, makikilala ko kaya s'ya? Napakaimposible. Nagpapasalamat ako't sinusunod ko ang kagustuhang makapunta dito para matulungan sila. Hindi naman ako nabigo dahil naging maganda ang trato nina Ma'am Sam sa akin simula ng dumating ako dito. Hindi man naging maayos ang simula ng pag-aalaga ko kay Tristan ay umayos rin naman sa huli. Nililigawan na nga n'ya ako. Masaya sa pakiramdam na may isang lalaking nanliligaw sa akin kahit na medyo weird ako minsan at may pagkaamazona. At masaya rin ako dahil nagpaalam ka s'ya sa magulang ako para ligawan ako.

Masarap sa pakiramdam at sana nga'y hanggang sa huli na ito at walang problemang dumating.

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon