Chapter 31: Birthday Girl

123 2 0
                                    

ALEX POV

Pagkatapos ni Tristan na makapag-ayos ay umalis na kami. Siya lang naman kasi ang hinihintay namin. Ang bagal kumilos, daig pa ang babae. Sa isang park kami nagpunta. Dito na lang daw sabi ni Amythest na idaos ang birthday niya. Sixteenth birthday pa lang naman kaya hindi na kailangan ng magarbong handaan. Kami-kami rin lang naman at mga kaibigan nina Ma'am at Sir.

Tumulong ako sa pag-aayos ng banig na inilatag namin para maupuan at mapaglagyan ng mga pagkain. Si Tristan naman ay busangot na nakaupo sa damuhan habang pinagmamasdan kaming mag-ayos. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito at nakabusangot?

Matapos mag-ayos ay lumapit ako kay Tristan, hindi kalayuan sa pinaglatagan namin ng banig.

"Anong problema mo at ganiyan ang muka mo?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Umupo ako sa tabi n'ya. Lalo pa itong bumusangot at isinubsob ang muka sa mga tuhod. Anong nangyari dito?

"Hoy! Anong problema mo?" kunot noong tanong ko dito at niyugyog pa sa siya ng bahagya. Hindi ako nito pinansin at mas lalo pang isinubsob sa tuhod ang muka. Ang sarap kutusan ng damuho na ito. Pinindot ko ang tenga nito kaya naman napatingin siya sa 'kin.

"Aray ko. Bakit ka ba namimingot?" galit na tanong nito. Wow! Siya pa talaga ang gamit. Lakas din ng tama.

"Ikaw pa ang galit ngayon. Tinatanong kita ng maayos kanina pero hindi mo 'ko pinapansin. Ano ba kasing problema mo?"

"Ikaw kasi," asik nito sa akin. Ako? Anong kinalaman ko sa kaartehan niya?

"Bakit ako?" kunot noong tanong ko dito.

"Hindi mo pa ako sinasagot," sagot nito. Wow! 'Yon lang?

"Dahil hindi kita sinasagot, ganiyan ka na." Napailing na lang ako. Lakas ng saltik ng lalaking iyon. Tumayo na ako at iniwan siya doon. Kung ako rin kasi ay hindi ko rin masasagot ang tanong niya. Mismong sarili ko ay hindi pa rin sigurado kung sasagutin ko na ba siya. Ang hirap pala ng ganito. Lumapit na ako kina Amythest dahil inihahanda na nila ang cake at para makantahan na rin si Amythest.

"Umayos na kayong lahat," utos ni Nanay Melba. Narito na kasi ang lahat kaya sisimulan na namin ang munting kasiyahan na ito. Nagtipon-tipon na kami at nasa gitna naming lahat si Amythest, nakaharap sa cake.

"Happy birthday to you.
Happy birthday, happy birthday to you.
Happy birthday Amethyst."

"Happy birthday Amythest," masayang bati namin sa kaniya. Tuwang-tuwa naman ito. Bakas na bakas ang kasiyahan sa maganda niyang muka.

"Make a wish," sabi ni Ma'am Sam. Pumikit naman si Amethyst saka hinipan ang mga kandila. Nagpalakpakan kami matapos iyon.

"Oh! Regalo mo," masungit na sabi ni Tristan sa kapatid at binato nito ang paper bag na may lamang regalo. Aba'y baliw na talaga ito. Mag-aabot lang ay ibabato pa.

"Aray ko naman kuya. Galit ka ba?" tanong ni Amythest at sinimulang buksan ang regalo ng Kuya niya. Tuwang-tuwa naman ito dahil sa nakitang laman ng bag. "Oh my gosh! Thank you Kuya," masayang sabi ni Amethyst at dinamba ng yakap ang Kuya niya kaya naman natumba si Tristan sa damuhan.

"Aray ko naman. Tabi nga, ang bigat mo," reklamo nito sa kapatid. Bakit ba ang sungit nito? Dahil lang ba talaga sa sinabi n'ya kanina?

"Thank you talaga Kuya," masayang pagpapasalamat ni Amethyst. Hindi na pinapansin ang pagsusungit ng Kuya niya. Nagbigay pa ng mga regalo ang tiyahin niya at ang mga magulang. Tuwang-tuwa ito dahil sa mga natanggap na regalo. Pagkatapos niyon ay kumain na kami.












AMYTHEST POV

I'm so happy today. It's my birthday, of course. Sobrang tuwa ko pa lalo ng dahil sa regalo ni Kuya. Ang regalo kasi n'ya ay iyong pinapabili kong sapatos. Sobrang ganda nito at hindi ko akalain na ngayon iyong tinutukoy ni Kuya na araw kung kailan niya iyon ibibigay. Masaya din ako dahil sa mga regalo nina Tito at Tita at tsaka nina Mom at Dad.

Pero pansin ko talaga ang pagsusungit ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit masungit 'yon ngayon, parang babaeng may mens. Lumapit ako kay Ate Alex na kumakain sa isang tabi. Malayo siya kay Kuya dahil nagmumukmok si Kuya sa doon sa isang tabi. Ang sungit n'ya talaga ngayon. May dalawa siguro.

"Ate Alex," tawag ko dito. Nilingon naman ako nito at ngumiti sa akin.

"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong nito. Napakabait talaga nitong si Ate Alex. Umiling lang ako sa kaniya.

"May itatanong lang ako," sagot ko at tumabi sa kaniya. "Bakit ang sungit ni Kuya ngayon?"

"Ewan ko nga rin diyan. Ang gulo nga niya ngayong araw," sagot ni Ate. "Tinanong ko nga kanina. Ang sabi naman ay gawa ko daw dahil hindi ko pa siya sinasagot. Kung hindi rin naman baliw iyang Kuya mo," naiiling na sabi ni Ate. Hayss. Kaya naman pala. Gustong-gusto na sigurong sagutin siya ni Ate Alex.

"Eh bakit hindi mo nga pa ba s'ya sinasagot?" curious na tanong ko. Halos isang buwan na ring nililigawan ni Kuya si Ate Alex. Pero kahit naman hindi pa sila ay parang sila na rin dahil sa sobra kong alagaan ni Ate Alex si Kuya Tristan. Maarte lang talaga ang lalaking iyon.

"Pinag-iisipan ko pa nga kung kailan. Hindi ko pa rin talaga alam. Pero iniisip ko, kung sa birthday niya na lang kaya," sabi nito sabay lingon sa 'kin. Nanlalaki naman ang mata ko dahil doon. Wow! Parang birthday gift niya na kay Kuya.

"Okay 'yon Ate. Tutal next month pa naman ang birthday niya," masayang sabi ko. "Yiehhh!! Excited na ako para sa inyo," kinikilig na sabi ko. Eh kasi naman talagang botong-boto ako kay Ate Alex para kay Kuya Tristan. Bagay na bagay kasi sila eh.

"Uy! 'Wag mong sasabihin sa kuya mo. Masyado pa namang maarte ang isang iyon."

"Don't worry Ate, my lips are sealed," nakangiting sabi ko at kunwaring izinipper ang bibig ko. Yiehhh!! Excited na ako para sa kanila. Napakasaya ko talaga na dumating sa buhay ni Kuya si Ate Alex, dahil kasi sa kaniya kaya nagbago na si Kuya. Bumalik na siya sa dating siyya pero mas better pa doon. Isa talagang blessing si Ate Alex para sa Kuya ko.

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon