Chapter 3: Your Babysitter

330 16 1
                                    

ALEX POV

Bahay------ check
Trabaho------ check
School------ check
Happy------ check na check

I didn't expect that I will have these things in just one time. Nakakabigla. But I'm very thankful that there's someone like Ma'am Sam who have a good heart. I'm very very thankful to her.

Kahapon pagkarating ko dito, sobrang namangha agad ako sa bahay nila este mansion pala. Sobrang laki, sobrang lawak. Kung hindi ako magaling magsa-ulo ng pasikot-sikot sa bahay na ito, malamang sa malamang, naligaw na ako.

I already met the people in this house except the children of Ma'am Sam and Sir Josh. I met their maids, Nanay Melba and her daughter, Elsa. 'Yong daughter nila, nasa bahay daw ng Lola nito and 'yong son naman nila ay may party daw na pinuntahan and I don't know kung nakauwi na ba ang alaga kung iyon.

Sabi ni Ma'am Sam lagi daw ganoon kung umuwi ang lalaking 'yon lalo na kung may party na pinuntahan. And for sure daw ay may bangas na naman iyon because he's always get in trouble everytime he's attending a party. Hindi ko nga alam kung bakit pa pinapayagan pang pumunta ng party, lagi naman palang ganoon ang nangyayari.

About doon sa alaga ko, my first mission is to stop that boy to get in trouble kaya kailangan ko talagang pumasok sa school nila para mabantayan ko siya. I will make sure na magtitino na ang lalaking iyon bago siya makatapos ng 3rd year college.

Hindi pwede sa akin ang mga katarantaduhan niya. Narinig ko rin kasi na he's a bully in their school at isa lang masasabi ko, 'wag na 'wag niya akong ibu-bully. Kung iyong iba, hindi lumalaban sa kanya, puwes, ibahin n'ya ako.

"Hey! Elsa?"

"Holy shit!" My goodness. Aatikin ata ako sa puso neto. Nakakagulat naman kasi. Bigla-bigla na lang sumusulpot ano, kabute lang?

Teka! Sino ba 'to? Matangkad, maputi, gwapo. Ay shete! Bakit ka-gwapo naman neto? Nasa langit na ba ako para makakita ng anghel. Kagwapo naman n-------

"Who are you?" kunot ang noong tanong nito. Grabe, ka-aga-aga mano-nose bleed agad ako. Englishero si kuya. Pero teka, sino ba talaga ito? In fairness, ang gwapo niya. Pwedeng maging brand ambassador.

"Hey! I'm asking you, who are you? Are you a thief?"

What?

Me?

A thief?

What the heck!

Pero teka, kanina pa siya english ng english. Ano sa tingin niya sa akin hindi ko siya maintindihan? Didn't he know that I'm a fluent english speaker.

"Excuse me Mister. I'm not a thief. Do you really think that this face look like a thief?" taas-kilay na tanong ko sa kanya at bahagyang inilapit ang muka ko. Sa ganda kong ito, pagkakamalan n'ya akong magnanakaw. Bulag ata siya.

"Then, who are you?" seryoso n'yang tanong. Blanko ang tingin n'ya sa akin. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin. Grabe.

"Who am I? Ahmmm... Before I answer that, are you Josh Tristan Mercado?" tanong ko sa kanya. Pansin ko naman ang pagtaas ng kilay nito and because of that napansin ko na medyo mapula ang right cheek niya at may maliit na sugat sa gilid ng kilay. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon? Masyado siguro akong namangha sa hitsura n'ya kanina kaya hindi ko agad napansin.

"How did you know my name?" blankong tanong pa rin nito. Malamang, sinabi ng Nanay mo.

"Ahmm... Your Mom told me," I answered him.

"How did you know my Mom? Shit!... Just answer my question, who are you and what are you doing here?" may diin n'yang sabi. Natataranta na rin siya at halatang naiinis na. Masyado naman yatang big deal sa kanya kung sino ako. Pero okay na rin iyon, kasi ako naman ang babysitter n'ya eh.

Hmmmm... hinigit ko ang t-shirt n'ya at inilapit ang bibig ko sa tenga n'ya at saka bumulong.

"I'm Alex, and I'm your babysitter, so behave, little boy," I whispered on his ear and a smirk flash on my lips when I felt him shocked because of what I did. Hahaha. Bahagya pang nakaawang ang bibig niya. What a handsome guy but he's not my type. A bully and troublemaker like him is not my type. And will never be my type.

Naglakad na ako papaalis para bumalik sa kwarto pero lumingon uli ako sa kan'ya.

"By the way, good morning," nakangiting sabi ko dito. Nahuli ko pa ang pagkunot ng noo n'ya bago ako tuluyang tumalikod. Hahaha. Ano ka ngayon? Nose bleed ka rin, 'no?

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon