Chapter 20: Duologue

197 10 0
                                    

ALEX POV

Natapos na lahat subject sa maghapon. Inayos ko na lahat ng mga gamit ko saka nagpaalam kina France at Cheska. Pagkatapos ay hinigit ko na agad si Tristan papunta sa parking lot.

"Hoy! Teka lang, ano bang problema mo?" tanong nito at pilit inaalis ang pagkakakapit ko sa braso niya.

"Manahimik ka na lang, pwede ba?" inis na sabi ko sa kaniya. Nanng makarating sa parking lot ay agad kong pinabuksan ang kotse saka siya pinapasok at pumasok na rin ako.

"Magdrive ka, dali," utos ko sa kanya.

"Bakit ang init ng ulo mo?" tanong nito habang binubuhay ang makina ng kotse. Ang daming tanong. Puro na lang tanong.

"Magdrive ka na lang, pwede?" nagpipigil na inis na sabi ko. Wala naman s'iyang nagawa kundi magmaneho. Hindi ko siya iniimikan. Nakatingin lang ako sa labas, looking for a place where we can talk sincerely.

Makalipas ang ilang minuto ay may nakita akong good place para makapag-usap kami. Isang play ground. Wala naman ng mga estudyante dahil uwian na. May ilan-ilan pero hindi ganoon kadami.

"Itigil mo diyan sa may play ground," utos ko.

"Hah?!"

"Ang sabi ko, itigil mo diyan sa may playground," naiirita na namang sabi ko. Malinaw na nga ang pagkakasabi ko, hindi pa rin naintindihan. Tsk! Itinigil nga niya ang sasakyan kaya bumaba na ako.

"Sumunod ka."

Kunot noo namang siyang sumunod sa akin. Nagtataka sa mga ikinikilos ko. Umupo ako sa swing at itinuro sa kaniya ang isa pang swing. Naguguluhan naman siyang umupo doon.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong niya.

"Magkaliwanagan nga tayo. Ang dami-dami mo nang kasalanan sa akin. Patong-patong na." Nagsisimula na naman akong mainis. Nakakainis kasi ang lalaking ito.

"Anong kasalanan ko sa iyo?" kunot noong tanong niya. Wala ka talagang alam. Hambalusin kita. Makita mo.

"Hindi mo alam?" nakataas ang kilay na tanong sa kaniya. Nakanguso naman siyang umiling-iling.

"Bwisit ka pala eh. Bakit mo sinabi sa kanilang lahat ng girlfriend mo ako? Hindi ba sabi mo kahapon na sasabihin mo ang totoo kina Ma'am Sam? Tapos ngayon naman, sinabi mo sa buong school mo na girlfriend ako. Ano ba talagang trip mo, ha?" inis na inis kong tanong. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil, bibigwasan ko siya.

"'Yan ba ang ikinagagalit mo?" Ay gago. Hindi pa ba halata?

"Hindi, hindi. Bakit naman ako magagalit doon," may pagkasarkastikong sagot ko sa kaniya.

"Hindi naman pala iyon. Eh ano bang ikinagagalit mo?" Inis akong napasabunot sa ulo ko. Ang sarap niyang sapakin. Nasaan ba ang utak nito?

"Bwisit ka!! Ano ba kasing trip mo? Bakit sinabi mo sa kanilang lahat na girlfriend mo ako kahit hindi naman?" halos maiiyak na tanong ko. Nasaan ba kasi ang utak nang lalaking ito, nang makuha ko na at maibalik sa ulo niya para naman makausap ko nang matino.

"Haha. Eto na, eto na. 'Wag ka nang umiyak diyan," natatawang sabi niya pa. Talagang tinawanan pa ako. Gago talaga. "Ganito kasi iyon, naririnig mo naman sa kanila na nagbago na daw ako, 'di ba? Totoo naman iyon but not as in nagbagong-nagbago na. S'yempre, it's difficult to change for a short period of time. Hindi ko naman kayang baguhin ang buong sarili ko sa loob lang nang halos dalawang linggo. May nagbago sa 'kin kahit konti and it's because of you. So, bakit hindi mo pa lubisin? Help me to fully change my self," mahabang sabi nito. Talagang ako pa ang naisipang niyang tumulong sa kaniya. Kung gusto niyang magbago, tulungan niya ang sarili niya hindi iyong naghahanap pa siya ng ibang katulong.

"By pretending as your girlfriend?"

"Yes."

"No way!" tanggi ko agad. "Hirap na nga akong maging babysitter mo, maging fake girlfriend pa kaya."

"Nahirapan ka pa noon, napapasunod mo nga ako sa lahat nang gusto mo," sabi naman nito. Oo nga naman pero ayaw ko pa rin. Dadagdan niya pa ang trabaho ko. Babysitter na, tapos girlfriend pa. Masyado naman siyang sinuswerte. Masaydo ng abuso.

"Kahit na, ayaw ko pa rin. 'Wag mo nang dagdagan ang trabaho ko," tanggi ko pa rin sa kaniya.

"Sige na, please." pagmamakaawa niya at lumuhod pa sa harapan ko habang magkadikit ang mga palad. Nagpout pa saka nagpuppy eyes. Nagpapaawa talaga. 'Yan ang kahinaan ko. Madali akong maawa.

"Sige na. Bwisit ka." Nakakainis. Ang bilis kong maawa. "Madadagdagan na naman ang utang mo sa akin."

"Pumapayag ka na?" tuwang-tuwang tanong niya. Tumango na lamang ako kaya naman halos magtatalon na a tuwa. Tsk! Childish talaga.

"Pumayag ka talaga? As in?" tanong pa ulit nito. Talagang hindi makapaniwala, ay ano?

"Oo na nga. Hindi ka pa tumigil, babawiin ko na," pananakot ko sa kaniya.

"Hindi na, hindi na. 'Wag mo nang bawiin. I'm very, very happy. Thank you so much," sobrang sayang sabi nito at akmang yayakap sa akin nang pigilan ko siya. Bawal 'yan. Hindi pwede. Abuso na talaga.

"Pag-uusapan natin 'yan. Maupo ko," utos ko sa kaniya habang nakaturo sa isa pang swing. Hindi naman na mawala-wala ang ngiti sa labi niya.

"Anong pag-uusapan natin?" ngiting-ngiti pa rin na tanong niya.

"I have my rules. Kung hindi mo masusunod lahat ng 'yon, tapos ang usapan natin. Back out na ako," mariing sabi ko. Dapat ganoon talaga. Siya itong humingi ng pabor kaya dapat matuto siyang sumunod sa patakaran ko. Hindi na nga namin nagawa iyong mga rules namin noong nakaraan kaya dapat gawin na ito ngayon. Dahil kung hindi, talagang tapos ang usapan. "Understood?" Maigi 'yong nagkakaintidihan kami.

"Y-yes," nagdadalawang-isip pang sagot nito.

"Okay. Dahil magpe-pretend lang naman ako bilang girlfriend mo, may mga bagay na hindi pwedeng gawin tulad nang tunay na mga magkasintahan," panimula ko. Patango-tango lang naman s'ya sa mga sinasabi ko. "First, no kissing. Kahit saan, kahit kailan, BAWAL." Aba! Talagang hindi pwede 'yon. Kung magkakaroon man ako nang first kiss ay dapat sa taong mahal ko talaga, hindi iyong dahil lang sa pretention.

"Kahit sa likod ng palad mo?" nakangusong tanong nito.

"No. Bawal nga, 'di ba?" Sinabi na ngang bawal, hihirit pa. Tsk! "Second, no hugging. Kahit saan, kahit kailan, BAWAL."

"Hindi talaga pwede?" tanong na naman nito. Ang kulit talaga.

"Hindi nga pwede." Ang kulit.

"Third, dating is allowed but, maybe once a month or twice. At iyon ay kung wala tayong gagawin. Hindi pwedeng maapektuhan ang pag-aaral natin dahil lang sa pagpapanggap na ito," sabi ko sa pangatlo kong rules. S'yempre, study muna bago ang lahat. Hindi ko pwedeng unahin ang pakikipagdate na iyan lalo na at pagapapanggap lang naman ang lahat ng ito.

"Wait! Grabe ka naman sa twice month, hindi pa pwedeng thrice?" Talaga namang humirit pa. Kapal din ng muka.

"Okay. Pero iyon ay kung wala tayong gawain sa school."

"Okay. Meron ka pang rules?"

"Hmm... Meron pa. Ayoko sa lalaking maarte, clingy, at bossy. Tama lang 'yon dahil ikaw ang humingi ng pabor. Iyong iba ay saka ko na lang sasabihin. Hindi ko na maalaala eh. Ikaw, may rules ka din ba?" tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Okay na sa akin na pumayag ka dito. Hehe." Akma niya sana akong yayakapin nang pigilan ko siya. Talaga naman.

"Second rule," nakataas kilay na sabi ko. Kakasabi ko lang kanina, mukang susuwayin agad.

"Try ko lang, baka kasi umubra. Hehe."

"Pwes, huwag mo nang subukan dahil hindi uubra sa akin," sagot ko sa kaniya. "Sige na, umuwi na tayo. Malapit nang gumabi," sabi ko sa kaniya at bumalik na kami sa kotse. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Nagpapakagentleman. Tsk!

Vote and comment.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon