Chapter 42: Result

151 3 0
                                    

ALEX POV

Mabilis lumipas ang mga araw. Minsan hindi natin napapansin ang paglipas nito lalo na kung marami tayong ginagawa. Ganoon kasi ang nangyari sa akin. Nalalapit na ang exam at Christmas break. Excited na nga ako dahil makakauwi na ako ng probinsya at makikita ko na sina Inay at Itay. Excited na rin ako bukas dahil makukuha na namin ang result ng DNA. Kinakabahan na rin ako sa magiging resulta.

Nitong mga nakaraang araw din ay tinatawag ko ng Kuya si Carl. Laging nakakunot ang noo niya kapag tinatawag ko siyang Kuya. Tanda ko pa ang nging reaksyon niya noong unang beses ko siyang tinawag na Kuya.

Tuesday that day. Wala kaming pasok noong Monday kaya Tuesday na ulit kami nagkita-kita. Like usual, magkasabay kami ni Tristan na pumasok na school. Nawala na rin iyong mga abangers since nalaman nila na girlfriend na ako ni Tristan.

Kwentuhan tungkol sa weekends ang ginawa naming tatlo ng magkita kita kami sa room. Nang magbreak ay sabay-sabay kaming nagpunta sa cafeteria kung saan naghihintay ang tatlong lalaki.

Sa isang mahabang mesa ay nakaupo ang tatlo. Nakangiti akong tumabi kay Carl para burautin siya.

"Hi kuya," nakangiting sabi ko at tinapik pa ang balikat niya. Napatingin naman silang lahat sa akin.

"What?!" gulat na gulat na tanong nila. Si Tristan at Carl naman ay parehong nakakunot ang noo. Ang apat naman ay nakanganga.

"Bakit? Masama?" nakangiti kong tanong. Epic ng muka nila. Akala mo naman ay sobrang big deal ng Sinabi ko

"Jusko naman Alex, sa lahat ba naman ng pwede mong tawaging Kuya ay ako pa talaga. Muka ba akong Kuya, hah?" tanong nito na itinuro pa ang sarili. "Pinsan ko nga hindi ako tinatawag na Kuya kahit mas matanda ako sa kaniya ng ilang buwan. Ikaw pa kaya," naiiling na sabi nito. Alam ko kung sino ang tinutukoy niyang pinsan. Si Haera. Sabi kasi ni Tita, nag-iisang anak si Carl ng Tito at Tita pero bata pa lang daw ito ay ayaw ng tinatawag siyang Kuya. Pakiramdam daw nito ay matanda na siya.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Ayaw," umiiling na sabi nito. Nakatamuso pa talaga na parang bata. Kaya siguro ayaw magpatawag ng Kuya kasi gusto ay tawaging siyang bunso.

"Sayang. Gusto ko pa namang magkaroon ng tatawaging Kuya," malungkot kong sabi. Syempre, para effective.

"Eh bakit kasi ako pa? Pwede namang si Xandro o kaya si Joshua," nakanguso niyang sagot na itinuro pa ang dalawa.

"Yeah. It's okay with me," cool na sabi ni Xandro.

"It's okay rin sa akin. Gusto ko rin naman ng kapatid eh," natutuwang sagot naman ni Joshua.

"Pero ikaw kasi ang gusto kong maging Kuya. Bakit ba ayaw mo?" Pwede ko naman kasi siyang tawagin kahit na ayaw niya.

"Haysst. Sige na nga," napipilitan nitong sagor. Bumigay rin.

"Talaga? Wala ng bawian?" paninigurado ko.

"Oo na," kunot ang noong sabi nito na halatang napililitan lang. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman ang dahilan kung bakit ko s'ya pinipilit na tawaging Kuya.

My Amazona Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon