CHAPTER EIGHT

9.7K 397 35
                                    

Noah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Noah's POV

" Dad naman eh diba yun lang yung request ko. Diba ang sabi ko gusto ko si Sunny dad " maktol ko ng tuluyan na kaming makapasok sa bahay.

Para naman walang kausap si Dad at inunahan na akong maglakad. Umakyat na ako agad dahil kumain na naman kami ni Dad sa labas.

Habang nagsco-scroll ay nakita kung online si Sunny. Nakakahawak nadin ako ng gadgets dahil niluwagan na ni Dad yung parusa ko. Basta daw ay susunod ako dun sa teacher na ina-assigned nya. But the hell I care! Ayaw ko dun sa babaeng iyon. Mukha pa lang ay di na mapagkakatiwalaan.

Agad kong tinawagan si Sunny at tinapat ang cellphone sa tenga ko. Wala naman akong naririnig na ingay kundi ang mga malalalim na paghinga.

" nasaan ka? " kunot noong tanong ko dahil doon. Wag nyang sabihin na may kasama syang lalaki! Fùck! Mayroon syang boyfriend?

" natutulog na, gabing gabi na Noah! Bukas ka na lang manginis " sabi nito na alam kung naiirita na. It's still early. Wala pang eight bakit ang aga nya matulog? But I don't care of that ang gusto ko lang malaman kung sino yung katabi nyang lalaki.

" boyfriend mo ba yang katabi mo? " tanong ko gamit ang malalim na boses. Pinilit ko din palamigin ang boses ko para maramdaman nyang seryoso ako.

" the F, Noah ! Mga kapatid ko katabi ko. Pati lahat kami bakla dito. Ano bayang mga pinagsasabi mo. Yan lang ba ang sasabihin mo? Papatayin ko na ito " sabi nya at parang inis na inis. Napakagat na lang ako sa labi dahil sa naitanong ko kanina. I thought that he was with hes boyfriend. Katabi lang pala nya yung mga kapatid nya. Napatango na lang ako sa naging sagot nito.

" wait! Usap muna tayo! Hindi ko naman alam na katabi mo pala yung mga kapatid mo, lumabas ka muna kasi para naman di ako marindi sa lakas ng pahinga ng mga kapatid mo " I said sarcastically. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at naramdaman ko din at pagtayo nya dahil sa naging tunog. Rinig ko pa ang munting yabag nya na nagpapahiwatig na umalis na sya sa hinihigaan nya.

" oh Noah, ano ang sasabihin mo. Nakaalis na ako doon." sabi nya habang humihikab. Inaantok na nga yata! Nakonsesnya nman ako dahil sa ginawa ko pang pagtawag. Pero wala nadin naman magagawa natawagan ko na eh.

" Usap lang tayo, pampa-antok ko nadin para makatulog na ako " sabi ko sa kanya sabay kuha nung card na nakakalat at ipinaypay sa sarili ko.

" Noah Kral naman ehh " maktol nito na nakapag-pangiti sa akin. Cute. " inaantok na ako, kung may sasabihin ka. Bukas na lang, pagod na pagod na talaga ako " pagpapatuloy nya sa pagmamaktol.

" okay hindi na kita kukulitin just sing for me kahit maikli lang " huling  hiling ko sa kanya.

" Noah! " banta nyang muli sa akin. Hindi ko iyon pinansin at inihilig na lang ang kamay ko para isandig ang ulo ko.

PSS 1 : BadBoy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon