CHAPTER TWENTY-FOUR

5.7K 206 19
                                    

Sunny's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunny's POV

Tanghali ngayon, wala akong pasok kay Noah Kral. Hawak-hawak ko ang cellphone na keypad. Tinititigan ito at naghihintay kung tutunog ba 'to. Sandali ko itong binaba at ako'y humiga. Ako lang dito mag-isa sa bahay, lahat ng tao may lakad. Kung may cellphone lang sana akong touch-screen edi hindi ako mabo-bored. Si Noah kasi eh! Sinabing yung isang cellphone ko ang ibalik, pero ito ang binalik! Nakakainis lang at pinagbabawalan niya ako, para ko siyang seloso slash over acting na boyfriend. Isip-bata nga naman.

Tumagilid ako na higa at nakaharap naman ngayon sa bintana. Para ako ngayong bilanggo, nakasara kasi lahat ng pinto sa bahay tanging ito lang bintana sa kwarto ang naka bukas.

Sa pagmumuni kong iyon biglang tumunog ang cellphone ko. Naalarma ako, agad akong pumihit paharap at dali-daling kinuha iyon at sinagot. Alam ko namang si Noah Kral ito dahil nga doon sa nakita ko sa contact. Rinig ko ang malalalim niyang paghinga sa kabilang linya.

" nasaan ka? " gamit ang kanyang malalim na boses, biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Bumangon ako at umupo na lang sa kama.

" nasa bahay, bakit? " ang sagot ko dito. Nagintay pa ako kung anong isasagot niy—

" buksan mo yung pinto nandito ako " wala sa oras na napatayo ako ng sabihin niya ang katagang iyon. Napa-silip din ako sa bintana. Oo nga, nandito ang asungot! Bigla namang napatingin ito sa banda ko, kinumpas lang niya ang kamay niya at ngumiti ng nakakaloko. Kinagwapo niya 'yon? Sarap siyang sapukin ng nonstop! Hmpppp!

Sinara ko ang bintana at lumabas sa kwarto. Pagkarating ko sa sala ay binuksan ko na agad ang pinto, nakatayo si Noah Kral at ngiting ngiti. Inirapan ko lang ito at pumunta pakusina. Pagkainom ko ng tubig ay bumalik na agad ako sa sala, naabutan ko naman doon si Noah na nakaupo.

" bakit ka nga pala nandito? " I asked to him. Tumingin ito sa akin ng sandali?

" l-let's d-date? " parang nahihiya pa ito ng sabihin niya iyon. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bigla naman ito umiwas ng tingin? Sakalin ko kaya?

" ayoko eh " ang kunwari na pagtanggi ko kahit gusto ko naman na sumama. Humarap ito sa akin ng nakakunot ang noo, sabi na eh! Alam kong aangal to, hindi naman siya papayag na hindi ako sasama sa kanya. Nagtanong pa siya?

" wha- "

" oo na " hindi pa siya tapos magsalita ng sumagot ako, ngumiti naman agad ito. Napailing ako, hay nako.

Pagtapos noon ay naligo at nagbihis na ako. Siya naman ay nasa baba at hinihintay ako. Nang makatapos akong magpahid ng lotion ay bumaba na ako. Suot ko ngayon ay usang black na T-shirt at fitted na pants. Nakita ko si Noah Kral na nakangiting nakatingin sa akin. Inirapan ko lang ito.

PSS 1 : BadBoy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon