CHAPTER TWENTY-FIVE

5.6K 202 8
                                    

Sunny's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunny's POV

" I'll fetch you na lang, hintayin mo na ako dyan " huling rinig ko sa kabilang linya. I'm talking to Noah, na wag niya na akong sunduin kasi kaya ko naman na mag-commute. But again, he didn't agree for it.

Ano pa bang aasahan ko? Makulit eh. Napailing na lang ako at tumayo ng tuwid.

Nasa kanto na ako ngayon, papasakay na sana kaso biglang tumawag si Noah Kral. Ang akala ko naman ay magiging ayos lang sa kanya na mag-commute ako.

Tanaw ko ang mga naglalakihang truck at mabibilis na takbo ng kotse kung saan ako naka-pwesto. Hanggang sa lumipas pa ang ilang minuto at dumating na nga si Noah. Seryoso itong nakatingin sa akin, ngumiti lang ako dito.

Napairap na lang ako ng makita ko na ngumiti ito pabalik. Mood change nga naman.

Pinagbuksan nya nadin ako ng pintuan sa front seat. Pagpasok ko ay siya namang lipat sa kabilang side ng sasakyan.

Inumpisahan nyang patakbuhin ang makina hanggang sa umandar na ito. Ako naman ay kinuha ang cellphone na keypad sa bag. Tumingin muna din ako kay Noah. Nakamasid lang ito, Not until I saw his jaw clenched. Ngayon naman ay paminsan minsan ay nakatingin siya sa side ko.

Tinago ko na lang uli ang cellphone ko, baka kasi ay yoon na naman ang pagsimulan ng galit niya. Natuto na ako ng minsang magalit siya nang maabutan niyang kausap ko sa telepono si Prof. Mendez. Nakakatakot kaya siya. Pag naging malamig ang tone ng boses niya ay doon palang halata mo na galit siya. Kaya kinakabahan ako minsan pag ganon siya o kaya naman ay may topak.

Nagdire-deretso na siya sa pagmamaneho ng ibalik ko ang cellphone sa bag. Muli akong napailing. Hays! What should I expect from this guy.

Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Tulad ng nakasanayan, pinagbuksan niya muli ako ng pintuan. Pumasok nadin ako sa loob, nginingitian ko na lang ang ibang katulong na bumabati sa akin. Kasama na si Rico doon, this past few days? Hindi na ako nakikipagusap sa mga lalaki. Minsan kasi akong binantaan ni Noah, kaya eto ako ngayon. Simpleng pagngiti na lang ang ginagawa, mahirap na at baka pagumpisahan na naman ng kagaguhan ng lalaking yon.

Umupo nadin ako pagdating ko sa sala nila. Nilabas ko ang subject ko ngayon sa kanya. Dumating narin naman siya kaya hinanda ko na muli ang mga ballpen at papel na —

" We'll study at my room " naputol ang gagawin ko ng sabihin niya iyon. Gumawi ang ulo ko sa kanya.

Kinuha ko na lang ang mga gamit ko ng nalabas at sumunod na sa kanya paakyat.

Nang makarating na kami sa kwarto niya ay inilapag ko na agad ang mga gamit. Siya naman ay nakita kong nahiga. Napahinga na lang ako ng maluwag.

" Noah, magsisimula na tayo " ang malumanay kong saad. Tiningnan niya ako ng seryoso, kalaunan naman ay pumunta na ito sa direksyon ko. Umupo nako sa maliit na upuan, binuklat narin ang pahina sa libro.

PSS 1 : BadBoy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon