CHAPTER TEN

8.9K 355 11
                                    

Sunny's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sunny's POV

Ng makita ko na umalis si Noah Kral ay agad na namula yung pisngi ko. He was s-so big.

Shít! Agad na iwinaksi ko sa isip ko ang mga naiisip ko. Ang tanga-tanga mo talaga Sunny. Bat ka pumayag na kumalong sa kanya. P-pero hindi naman ako pumayag diba? Sya lang yung nagpilit na umupo ako sa lap nya. P-pero bat ang laki masyado? M-mas malaki pa yata yung sa kanya kesa sa akin. Arghg Sunny wag ka ngang magisip ng kung ano-ano.

" Sunny tara na, tatlo lang tayo nila Danny na sabay-sabay. May pupuntahan kasi si Cally at Ally. " narinig kong sigaw ni Gally sa labas.

Ng marinig ko iyon ay inimis ko na yung mga gamit ko. Pinuntahan ko din ang C.R at chineck kung malinis ito. Nagtaka naman ako kung bakit sobrang linis nito. Hinyaan ko na lang iyon at lumabas na. Nakita ko naman si Danny na parang ang lalim ng iniisip.

" tara na " aya ko sa dalwa. Tumango naman si Gally at si Danny naman ay parang timang lang na sumusunod sa amin. Problema nito? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa marating na namin sa gate.

"san pala pupunta yung dalwa? " tanong ko ng makalabas na kami na school. Taka din ako kasi hindi naman aalis ang isa kung hindi kami magkakasamang lahat.


" hindi ko ala— ayon pala si Cally oh " biglang sabi ni Gally sabay turo kung saan. Napabaling naman ang tingin ko doon. Nakita ko naman si Cally na nakasakay sa isang kukay puting kotse. Agad napaungot ang noo ko dahil doon. Saan naman kaya ito pupunta?

" may kasama ba siya? " tanong ko sa dalawa.

" estudyante nya yata sa second class nya? Di ko alam pero nakikita ko minsan na magkasama sila sa cafeteria " sabi ni Gally. Tanging tango ang naging sagot ko dito.

" lapitan natin, tanong ko lang kung saan sya pupunta . Baka hanapin sya ni mama " sabi ko sa dalawa at lumapit na sa kinasasakyan ni Cally.
Para din itong takot na takot. Nangyari dito?

" S-sunny bat ka nandito " biglang sabi ni Cally ng makalapit ako sa kanya. Ng tingnan ko ang mukha nya ay parang nagiisip pa ito ng maisasagot sa akin.

" san ka pala pupunta? " sabi ko dito.

" a-ahhh S-Sunny,  tuturuan ko lang iyong isang estudyante ko b-bakit? " parang kinakabahang sabi nito sa akin. Tinanguan ko lang sya sabay baling sa dalwa. Nagce-cellphone lang ang dalwa at tila may kinakausap sa text.

Bumaling ulit ako kay Cally at muling pinaalalahan siya.

" umuwi ka na lang ng maaga " sabi ko dito sabay aya sa dalwa. Tumango lang ito sa akin.

" hindi sya uuwi, dun sya tutulog sa bahay ko " narinig kong isang boses na nanggaling sa gilid ko. Tiningnan ko ito at tinaasan ng kilay.

" sino k— "

" Sunny umalis na kayo please !" sabi sa akin ni Cally na parang nagmamakaawa pa, kaya wala sa oras na nahila ko ang dalwa papaalis sa pwesto na 'yon.

Pagtapos din noon ay umuwi na kaming tatlo. Nagaalala nadin ako kay Ally kasi di namin kilala yung kasama ni Ally. Ano na kayang nangyayari sa dalawang 'yon? Napahinga na lang ako ng maluwag at sinimulan ng kainin yung nasa harap kong pagkain.

" 'nga pala mga anak, may pupuntahan ako sa linggo at di ako makauwi. " biglang sabi ni Mama habang nakain kaming apat. Tumango lang ako pati ang dalawa kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

Patapos na akong kumain ng biglang tumunog yung cellphone ko. Nagtaka naman ako kung sino iyon. Napaisip ako ng ilang minuto kung sino ang tumatawag ng bigla kung maisip kung sino iyon. Wala din sa oras na nakagat ko ang ibabang labi ko ng maisip kung sino iyon.

Pinulot ko yung telepono ko sa lamesa at agad na nagpaalam sa kanila. Lumabas din ako sa bahay para magpahangin.

Tiningnan ko kung kaninong number yung tumawag. Sinagot ko naman agas ito.

" H-hello sino ito? " tanong ko sa kabilang linya. Tanging paghinga ng malalim lamang ang naririnig ko dito.

" Hi S-sunny " agad akong napahinga ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Cally. Hayss kala ko si Noah Kral na naman ehh. Ngunit nagtataka ako kung bakit may nararamdaman pa akong isang tao sa tabi. Pero baka sa imahinasyon ko lang iyon.

" ohh napatawag ka? Pauwi kana ba? " tanong ko dito habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa labas ng bahay.

" a-ahh b-baka Sunny di na ako makauwi kasi m-marami pa akong itituro d-dito sa estudyante ko " sabi nito at nauutal.

" ahh sige sabihin ko na lang kay mama " paalam ko dito. Ako na sana ang papatay ng unahan ako nito.

Papasok na sana ako sa loob ng biglang may tumawag ulit. Akala ko ay si Cally lang ulit mgunit ibang numero na naman ito.

Sino naman kaya 'to?

Sinagot ko na lang agad at di na nagisip pa ng kung ano-ano. Baka kasi kung sino lang

" Hi? " agad kumawala ang isang buntong hininga sa akin ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

" Pano mo nakuha number ko? "  salubong kong salita sa kanya. Narinig ko naman itong tumawa ng kaunti kaya di maiwasang pamulahan ako ng mukha.

Bigla na lang din pumasok sa isipan ko yung halik at - at - at b-basta yung matigas sa baba nya.

" tinanong ko dun sa staff sa school, bakit ba? " sabi sa akin nito. Napasapo din ako sa ulo ko dahil sila nga pala yung may ari ng pinagtuturuan kong paaralan.

" oh, bat ka napatawag? May kailangan ka? " magkasunod na tanong ko dito. Tinanong ko na agad kung bakit sya tumawag dahil gusto ko ng patayin yung tawag.

" wala lang, pati nasaan ka? " tanong naman nito sa akin.

" may date ako kaya pwede patayin ko na ito? " hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa isip ko para iyon ang sabihin ko.

" date!? " narinig kong pagalit na sigaw nito sa kabilang linya, may kumalampag din na ilang mga gamit kaya naalarma ako. " nasaan ka? Pupuntahan kita " sabi bigla nito.

" joke lang, parang tanga 'to. Nasa bahay ako bakit? Ano nga kailangan mo " sabi ko dito. Sabay upo sa upuan na ginawa ni mama sa labas.

Narinig ko naman ang paghinga nya ng malalim kaya  napatawa na lamang ako.

" kita tayo! Sa may coffee shop malapit dun sa school " biglang sabi nito. Huh gabi na? Bukas pa ba yon. Susko ano na naman ba ang naisipan nitong lalakso't na ito.

" Noah Kral!! Gabi na " sabi ko dito, baka sakaling magbago pa ang isip nito.

" pag dika dumating doon mageeskandalo ako, subukan mo! " bantang muli nito. Shít! Nakakairita na sya. Hindi naman ganoon ang daddy nya bakit sya ,sobrang kulit? The eff saan ba sya nagmana??

Napahinga ako ng malalim dahil doon.

Sinabi ko ng hindi matatapos ang araw ko ng walang asungot diba! Haysss

Itutuloy....

Packaging shittt. SEOJUN KO HUHU. Paki sapok na lang kay SOO-JIN CHAR hahahah

PSS 1 : BadBoy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon