CHAPTER SIXTEEN

7.3K 283 15
                                    

Sunny's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunny's POV

Nang makapasok ako sa loob ay naabutan ko doon si Mama na nananahi ng damit.

" bat ang aga mo naman ata " taka nitong sabi sa akin.

Nagdahilan na lang ako na may mahalaga akong pupuntahan kaya hindi na muli itong nagtanong. Pumunta nadin agad ako sa kwarto naming magkakapatid para magbihis. Tinagalan ko din ang pagbibihis para mainip si Noah Kral. Napatawa na lang ako sa mga naisip ko. Pambawi man lang sa kanya dahil sa pagkuha nya ng cellphone ko.

Kahit na tapos na magbihis ay nanatili lang ako sa loob ng kwarto. Hanggang sa marinig ko na tinawag ako ni mama. Bumaba na ako, pero nakita ko si Noah Kral doon. Nakatingin ito sa akin ng blangko at nakakunot ang noo.

" may boyfriend kana pala Sunny  bakit di mo sa akin sinasabi " napatingin ako kay Mama ng biglang sabihin nya iyon. Boyfriend! What the hell! Tumalima ang tingin ko kay Noah at nakitang nakangiti na 'to. Inirapan ko na lamang ito at muling ibinaling ang paningin ko kay Mama. Nginitian ko si Mama ng pilit. Tumango lang ito sa akin at sinabing umalis na at may pupuntahan din daw sya.

Lumabas nadin ako kasabay si Mama. Nasa sasakyan nadin si Noah kasi pinauna ko na ito.

" agahan ang uwi Sunny " ang sabi sa akin ni Mama bago sya sumakay sa kadadaan pa lang na trysicle.

Nag-oo naman agad ako sa kanya at pumunta na sa sasakyan ni Noah. Naabutan ko naman sya doon na gamit ang cellphone kong touchscreen.

Pumunta ang tingin nito sa akin ng makita nyang bumukas ang pintuan. Ngumiti ito sa akin ng pagkakalaki-laki ngunit isang kurot sa tagiliran ang iginawad ko rito. Ang akala nya nakalimutan ko na ang sinabi nya kay Mama kanina! No way! Kung pwede lang sana sapukin 'tong lalaking ito ay matagal ko ng nagawa.

Hindi ko na lang sya pinansin kahit ano pang tawag nito sa akin. Kalaunan din naman ay pinaandar nya na ang sasakyan. Wala din akong idea kung saan lugar nya ako dadalhin. Basta lang akong nakatingin sa labas tulad ng ginagawa ko kapag nakasakay ako sa sasakyan nito.

" sa bahay muna tayo, papalit lang ako " ang sabi nito. Hindi ko ito pinansin at itinuon ang paningin sa mga nagdaraanan na bikers. Narinig kong muli akong tinawag ni Noah ngunit hindi ko sya pinakingan at tinuon muli ang mata saga bikers. Nakita ko pang ngumiti yung isang bikers sakin, kaya nginitian ko din ito. Nagsalute pa ito sa akin kaya di ko maiwasang tumawa ng mahina.

Habang nakatingin padin sa labas ay nagulat ako ng biglang wala akong makita sa labas. Tanging reflection lang ng sarili ko ang nakikita ko. May ganito bang sasakyan? Diba yung nakikita mo yung nasa labas lang pero hindi ka nya nakikita?

Tumingin agad ako kay Noah at naabutan ko itong nakatingin ng diretso sa akin habang walang hinahawakang ekspresyon.

Ano na naman ba kinakagalit nitong lalaksot na ito?

PSS 1 : BadBoy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon