Chapter 2

47 6 0
                                    

Shar's POV

Nandito na ko sa office ngayon, maaga akong pumasok para gawin yung mga natira kong gawain na hindi ko nagawa kahapon. Napatingin ako sa cellphone ko ng may mag text.

From: Donny

Shar, let's talk. May importante akong sasabihin. Sunduin kita mamayang lunch.

Ano naman kaya importante niyang sasabihin???

To: Donny

Okay..

*sent*

Pagkasend ay bumalik na ko sa trabaho. Sa dami ng ginagawan ko hindi ko namalayan na lunch na kung hindi pa nagtext si Donny.

From: Donny

Andito na ko sa baba.

Pagkabasa ko ng message ni Donny ay inayos ko na ang gamit ko at bumaba na. Nakita ko siya na nakasandal sa sasakyan niya. Nilapitan ko siya at pinagbuksan niya lang ako ng pintuan. Hindi man lang niya ako nginitian.

Tahimik lang ang naging buong byahe namin. Makalipas ang ilang minuto ay nasa isang fast food chain kami. Umupo na kami at umorder na siya ng pagkain namin. Pagdating ng pagkain namin ay kumain muna kami. After namin kumain ako na ang unang nagsalita.

"Ano pala sasabihin mo Donny?"

"Naisip ko na ihinto ko na ang panliligaw sayo." Nagulat ako sa sinabi niya

"Huh?"

"Gusto ko ng ihinto panliligaw ko sayo. Pero hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Parang wala na din naman kasing patutunguhan tong panliligaw ko sayo eh. Dahil hindi mo man lang ako mapagbigyan na pumasok jan sa puso mo. Ayos lang naman sakin kung mahal mo pa si Jah eh. Alam ko namang hindi mawawala agad ang pagmamahal mo kay Jah. Kaya naisipan ko na ihinto na ang panliligaw ko sayo." Tatayo na sana siya ng pigilan ko siya.

"Donny wait." Napahinto naman siya pero hindi pa din ako tinitignan.

"Donny sa tingin ko tama ka. Sorry kung inisip mo na hindi kita binibigyan ng pagkakataon na makapasok sa buhay at puso ko. Gusto ko lang sabihin na...."

"Na?" Sabi niya sabay tingin sakin.

"Sinasagot na kita." Natigilan siya at nakatingin lang sakin.

"Se-seryoso ba?" Tinanguan ko siya ng nakangiti. Napangiti siya at lumapit sakin at niyakap ako.

"Thank you!" Bulong niya sakin.

"I love you!" Pahabol niyang sabi.

"I love you too." Sabi ko at niyakao siya pabalik.

Magkaholding hands kaming naglakad palabas papunta sa sasakyan. Pinagbuksan niya ko ng pintuan.

Habang nagmamaneho siya yung kanang kamay niya hinawakan niya yung kakiwang kamay ko. Samantalang yung kaliwang kamay niya yun yung nasa manobela. Pagdating namin hinatid niya ako hanggang sa opisina ko.

"Sige na Donny, umalis ka na. Alam kong marami ka ding ginagawa." Sabi ko kay Donny.

"Oo nga eh. Madami din akong trabaho. Shar.."

"Hmm??"

"Thank you for giving me a chance."

"Sus wala yun. And kinausap din ako nung isang gabi ni Mika. Kaya nnapaisip isip din ako." Sabi ko.

"Thank you talaga." Sabi niya at niyakap ako ulit at kiniss sa noo.

"Sige na. Magtrabaho ka na.sunduin kita mamaya."

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Where stories live. Discover now