Chapter 8

64 5 4
                                    

Shar's POV

Pumasok na kami sa mall. Sinunod ko nalang yung sinabi ni Donny na dumistansya sa apat. Kumain kami sa restaurant. Si Ken na ang umorder. Pagtapos namin umorder ay nagkwentuhan kami.

"Kamusta kayo SB?" Tanong ko sakanila.

"Ayos lang naman kami Shar."

"Lovelife niyo kamusta na?" Pang aasar ko sakanila.

"Si Micay busy medyo busy ngayon sa opisina nila. Madami kasing gawain. Pero nakakapagkita naman kami araw araw." Sejun.

"May mga karibal ka ba kay Micay?" Stell.

"Maraming nagkakagusto sa kanya sa opisina nila pero tinataboy niya or tinatarayan niya."

"Sana all." Stell.

"Pero merong hindi nagpapatinag eh. Mas lalo na yung boss niya na si Mark Andrew." Inis na wika ni Sejun.

"Ayos lang yan Sejun. Atleast loyal siya sayo." Sabi ko kay Sejun.

"Ikaw Josh?"

"Ako? Wag mo na kong tanungin Shar, hanggang ngayon naghahanap pa din ako. Hahahaha.." Josh.

"Ayos lang yan. Mahahanap mo din yung para sayo." Nakangiting sabi ko kay Josh.

"Ikaw Stell?"

"Oo nga Stell, kamusta na kayo ni France??" Sabi ni Ken na may ngiti na pang aasar.

"Ayos naman. Nasa bahay nila natutulog nanaman as usual." Stell.

"Okay na yun kaysa sa may kasamang iba. Ooopsss.. Hahaha.. Joke lang." Josh.

"Nakakatawa yun Josh ha? Kung sabagay okay na yung nasa bahay niya lang sila. Safe pa siya dun." Sabi ni Stell.

"Teka, kayo na ba??" Tanong ko kay Stell..

"Nope. Pero soon." Stell..

"Good luck. Hahaha.."

"Ikaw Ken? Sa Canada may natagpuan ka na bang para sayo???" Binigyan ko ng mapang asar na ngiti si Ken.

"Sa tingin ko meron na. Pero hanggang magkaibigan lang muna kami. Filipina din siya. Nagbabakasyon muna siya dun sa Canada." Explain ni Ken.

"Huy, hindi namin alam yan ah. Sino yan Ken?" Stell.

"Gab pangalan niya. Gabrielle."

"Ang ganda ng pangalan. Maganda siguro yan?" Mika.

"Oo naman. Maganda siya. Mabait, matalino, family oriented." Ken.

"It's good to hear na may nagpapasaya na sayo Ken." Nakangiti kong sabi kay Ken.

"Kayo, kamusta na kayo mi Donny?" Ken.

"Ano.." Hindi na natapos sasabihin ko ng unahan akong magsalita ni Donny.

"Ayos naman kami. Masaya naman kami. Diba love?" Sabi niya sakin sabay akbay.

"Ah o-oo. Masaya kami. Hehe" Sagot ko. Tumango tango nalang si Ken.

Dumating na ang pagkain. Nagsimula na kaming kumain. Pinagsilbihan ako ni Donny.

Sus pakitang tao. Kapag nalaman lang nila na sinasaktan mo ko malilintikan ka sa mga yan.

"Kain na love."

"Salamat."

Kumain na kami. Pagtapos namin kumain ay naglibot libot kami saglit. Binabakuran ako ni Donny sa SB.

Pagtapos namin maglibot libot ay napagpasyahan na namin umuwi.

"Sige mga tol. Una na kami. Ingat kayo." Paalam ni Donny sakanila.

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Where stories live. Discover now