Chapter 4

39 5 2
                                    

Shar's POV

Ngayong araw ang uwi ni Ken dito sa Pilipinas. Otw na daw sa airport sila Mika. Sabi ko nalang enjoy their day. Nandito kami ngayon ni Donny sa condo nagbebreakfast.

"Shar?"

"Hmm?"

"Ayos ka lang?" Hindi alam ni Donny na hindi kami okay ni Ken. At hindi ko din sinabi kay Donny yung paratang sakanya ni Ken. Mahirap na baka magkagulo pa.

"Oo naman, ayos lang ako. Why?"

"Wala naman. Ang tahimik mo kasi eh. Kaya akala ko may problema ka."

"Ahh.. Wala naman. Ayos lang ako. Hehe." Tumango tango nalang si Donny at kumain nalang kami ulit.

"Love, aalis pala ako ha. May pupuntahan lang ako." Paalam niya.

"Ah sige." Pinagpatuloy na namin ang pagkain.

After naming kumain ako na ang nagligpit para makapag ayos na si Donny.

Naghuhugas na ako ng mga plato ng may nagback hug sakin.

"Love, alis na ko. Mag iingat ka dito. I love you." Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko.

"Yes love. Ingat din sa pagdadrive. I love you too." Umalis na siya sa likod ko at lumabas na. After kong maghugas ng plato ay pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko para magopen ng social media. Nakita ko yung post nila Mika at ng SB na nasundo na nila si Ken.

Mika Dela Cruz

Welcome Back ChiKen!! Nakakamiss ka!! Buti at naisipan mo ng umuwi. Hahaha.. Namiss ka talaga namin. Sayang hindi tayo kumpleto kasi wala si Sharlene. Pero okay lang makukumpleto na din tayo next time. Welcome back ulit. With- Ken Suson and 4 others.

Wala man lang nagbago kay Ken physically. Pero inaamin ko namimimiss ko na yang manok na yan. Kaya lang.. Hayyss..

Inoff ko na ang phone ko at napagpasyahang matulog nalang ulit.

Donny's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ko nag aasikaso ng mga dapat na asikasuhin. Si Shar hindi ko muna pinapapasok para makapagpahinga naman siya. Sumilip ako saglit sa FB at bumungad sakin ang post ni Mika.

Andito na pala si Ken? Nakauwi na? Alam kaya ni Shar to? Bat hindi niya sinabi sakin para nakasama kami. Hmm..

"Boss, may dapat po kayong malaman." Sabi ng assistant ko na si Mark.

"Ano yon?"

"Nakabalik na po si Ken Suson."

"Oo nga nakita ko post ni Mika. Ano ngayon?"

"Ayon po sa investigator may hawak daw na ebidensya sila Ken at yung apat laban sayo. May alam po sila sa mga nangyari 3 years ago. Kaya pumunta sa Canada si Ken last year dahil inaasikaso niya po yung ebidensya na laban sainyo lara hindi niyo makuha si Shar. Nag aalala lang po ako sainyo. Baka makuha nila si Sharlene po sainyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng assistant ko. Teka?! May alam ang SB?! Tungkol sa nangyari 3 years ago?! Pero pano?! Wala naman kaming clue na naiwan dun at wala namang witness. Pano nangyari yun?! Hindi pwede magkita sila Sharlene at SB.

"Sila Mika may alam din ba?"

"Wala po boss. Yung SB lang po. And isa pa po boss. Bago dumating si Ken, may sinundo ang SB sa airport nung isang araw. Lalaki siya pero nakasalamin at nakacap tapos naka jacket kaya hindi makilala kung sino. Pero sa tingin po namin yung Ex husband po yun ni Maam Shar, which is si Justin De Dios." Mas lalo nanlaki ang mata ko 

"Justin?! Matagal na siyang patay! Kung siya man yun pano siya nabuhay???!!"

"Hindi ko pa po alam boss. Inaalam pa po namin at sinisigurado kung si Justin po ba yun at kung si Justin man yun aalamin pa po namin kung paano siya nabuhay."

Hindi pwede to!! Hindi nila makukuha si Shar!

Mika's POV

Nandito kami ngayon sa condo ng SB.

"Sayang hindi tayo kumpleto. Wala si Sharlene." Sabi ko.

"Oo nga eh. Matagal tagal na nung huling nakita ko si Shar eh. 6 na buwan na din siguro." Stell.

"Ken, ano ba kasi yung alam mo na hindi namin alam? Diba yun yung naging dahilan ng pag aaway niyo ni Shar?" Nash. Napansin kong nagtinginan ang SB. So may alam din sila Stell?

"Oo yun nga." Ken.

"So ano yung alam niyo na hindi namin alam about donny?" Tanong ko. Huminga muna sila ng malalim.

"Basta pagkasabi ko sainyo wag kayong magpapahalata na may alam kayo ha. Wag na wag niyong sasabihin kay Donny at Shar. Hayaan niyong kami na ang magsabi kay Shar." Tumango naman kami ni Nash. At sinabi na samin ni Ken lahat ng alam nila. After sabihin ni Ken lahat, nanlaki ang mata namin ni Nash.

"Seryoso ba yan?" Nash.

"Yup. Ayan na yung mga patunay na discuss na namin sainyo." Sejun.

"Pero paano niya magagawa yun?? Hindi ganun ang pagkakakilala namin sakanya."

"Matagal tagal din siyang nag stay sa America. Malay niyo dun siya nagbago." Josh.

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

Shar's POV

Dahil nainip na ko sa bahay, ay napagpasyahan kong mag mall muna.

[Mall]

Habang naglalakad lakad ako sa mall ay may nakita akong isang pamilyar na mukha. Hinding hindi ko makakalimutan yung mukha na yun. Ilang taon na din na di ko siya nakita. Bumilis ang tibok ng puso ko bigla. It can't be. Pero paano?? Siya ba talaga yun or namamalikmata lang ako? Nagkusot kusot ako ng mata. After kong magkusot ng mata ay nawala siya. Imagination ko lang siguro yun. Namiss ko lang siguro siya. Madalaw nga siya mamaya.

Fast Forward

Nandito na ko ngayon sa sementeryo. Pumunta na ko sa puntod ni Jah at nagsindi ng kandila at nilagay yung bulaklak.

"Hello baby.. Sorry kung hindi na ko nakakabisita ha. Medyo busy din kasi eh. Alam kong lagi mo kong binabantayan eh. Alam mo ba baby may nakita akong kamukha mo kanina sa mall habang naglilibot libot ako. Iniisip ko nga na baka ikaw yun eh. Kaso napakaimpossible naman kasi. Wala ka namang kakambal diba? Hayss.. Namiss lang siguro kita kaya nakikita kita. Akala ko totoo yun pala imagination lang. Hayyss.. Miss na miss na kita babyy.. Basta tatandaan mo na kahit kami na ni Donny wala pa din makakapalit sayo sa puso ko. Sige na baby. Dadalaw nalang ulit ako sa susunod. I love you."

Bago ako makalakad ay may tumawag sakin.

*Donny's Calling*

D: Hello Love?

S: Yes love?

D: Where are you?

S: Nasa sementeryo love dinalaw si Jah. Pero pauwi na ko. Why?

D: Wag kang aalis diyan susunduin kita.

S: Huh? Wag na. Bitbit ko naman sasakyan eh. Kaya ko naman umuwi. Kaya wag mo na kong sunduin.

D: Kapag sinabi kong susunduin kita, susunduin kita okay?! Makinig ka nga sakin Love!

S:O-ok-okay

*Call Ended*

Anong nangyari dun? First time akong masigawan nun ah. Ano ba problema nun??? Haysss.. Bahala na tanong ko nalang mamaya.

Someone's POV

It's been a year Sharlene, wala pa ding nagbabago sayo. Maganda ka pa din. Kahit ugali mo hindi na nagbago. I really missed you Sharlene. See you soon. ;)

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Onde histórias criam vida. Descubra agora