Chapter 13

30 3 2
                                    

Shar's POV

Nagising ako ng may nakayakap sakin sa likod. Napangiti ako dahil alam kong si Jah to. Hindi ko ineexpect na buhay pa pala siya. Buti naman at buhay pa siya. Grabe ang hirap ko nung nawala siya. Miss na miss na miss ko na siya. Buti at magkasama na kami ngayon.

Gumalaw ako at humarap sakanya kaya nagising siya.

"May kailangan ka ba baby? May masakit pa ba sayo?" Tanong niya. Umiling ako bilang pagsagot. Hinawakan niya ang noo at leeg ko.

"Buti naman at hindi ka na masyadong mainit." Sabi niya. Yumakap ako sakanya ng mahigpit. Niyakap niya din ako pabalik. Pinikit ko nalang ulit ang mata ko hanggang sa nakatulog na ko ulit.

Jah's POV

Tinutulungan kong magluto si Stell ng breakfast namin. Nagulat ako ng may nagback hug sakin.

"Good morning baby." Shar. Binitawan ko yung hinahawakan ko at naghugas muna ng kamay bago harapin si Shar.

"Good morning baby. Ayos na ba pakiramdam mo??" Sabi ko sabay hawak sa noo at leeg niya. Mukhang okay na nga siya.

"Yup baby. Ayos na."

"Buti naman. Umupo ka na muna jan. Magpahinga ka lang baka mabinat ka." Tumango naman siya sakin at sinunod ako.

"Sana all may jowa." Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Stell. Tinignan ko siya.

"Kailan kaya ako may mayayakap, makikiss sa noo, may magbaback hug sakin??" Stell. Nakatingin pa rin siya sa ginagawa niya. Tinapik ko ang balikat niya.

"Dadating ka din jan. Maghintay ka lang. Tandaan mo maghintay ka lang. Hanggang may pag asa kay France wag kang susuko." Payo ko sakanya. Tinanguan niya nalang ako.

Actually hindi ko pa namimeet si France at Micay eh. Si Gab naman na meet ko na.

"May naisip ako." Sabi ko.

"Ano?"

"Bakit hindi tayo gumala bukas? Tutal magaling na naman si Shar. Para makapagbond na tayo ulit. Sama niyo mga jowa or nililigawan niyo." Suggest ko.

"Kaya lang yung pinopormahan ni Ken nasa Canada pa." Stell.

"Ay yun lang." Jah. Tinapos na namin ang niluluto namin.

Naghanda na kami ng pagkain at sakto naman pag gising ng iba.

"Good morning. " Sej

"Good Morning! " Masayang batik ni Ken.

"Morning! " Josh.

"Good morning! Tara Kain na." At pumwesto na kami sa kanya kanya naming pwesto sa dining area. Ako ang naglagay ng pagkain sa Plato ni Shar.

"Baby, bat andami niyan?" Nakapout na reklamo niyan.

"Ubusin mo yan. Nangangayat ka na baby." Sabi ko.

"Hindi ko mauubos yan."

"Mauubos mo yan. Onti lang yan. Para lumakas ka na ulit."

"Okay." Sabi niya. Nag simula na kaming kumain.

"Oo nga pala may naisip pala akong idea." Sabi ko sakanila.

"Ano?" Tanong nila.

"Plano ko Sana na gumala tayo bukas. Para makapagbonding ganun. Tapos sasama niyo mga jowa niyo para makilala din natin."

"Uy sakto, ngayon uuwi ng Pilipinas si Gab. Ako magsusundo sa kanya mamaya." Ken.

"Nice." Sabi ko.

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Where stories live. Discover now