Chapter 1

93 5 2
                                    

Flashback.. (1 year ago)

Nandito kaming lahat sa airport. Hinatid namin si Ken. Nagpaalam na kami kay Ken. Nagulat ako ng lumapit sakin si Ken at may binulong.

"Shar, magiingat ka kay Donny ha. Wag mo siyang sasagutin. Hindi siya makakabuti sayo. Promise. Babalik ako next year."

At lumayo na siya. Nagulat at nagtaka ako sa sinabi niya.

"Sige guys, una na ko. Baka maiwanan ako ng eroplano. Ingat kayo ha. Sharlene yung sinabi ko sayo ha." Ken. Tinanguan ko nalang si Ken. At pumasok na siya sa loob.

End of Flashback...

It's been a year mula nung magpunta si Ken sa Canada. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung ano ang ibig sabihin nung sinabi niya na magiingat kay Donny at huwag kong sasagutin.

Ilang beses ng nagtry si Donny na tanungin ako kung pwede niya akong maging GF pero hindi ako pumapayag. Inamin ko mahal ko na si Donny, pero hindi ibigsabihin nun na wala na ang pagmamahal ko ky Jah. Walang makakatalo sa pagmamahal ko kay Justin.

Naisipan ko na din sanang ibenta ang bahay na pinagawa ni Jah dahil hindi ko din naman nauuwian at pinapabntayan ko lang naman. Pero sabi ng SB at nila Mika na wag ko daw ibenta kasi isa yan sa mga memories na naiwan ni Jah. Umpisa nung sinabi nila yun dun na ako umuuwi sa bahay na yun. Dinadalaw dalaw nalang ako nung tatlong SB at sila Donny.

Medyo busy na din kaming magkakaibigan kaya bibihira nalalang kami magkita especially sila Josh, Sejun at Stell. Kay Ken nakakausap naman namin pero minsanan lang. Nangangamusta ganun. Hindi namin alam kung kailan babalik si Ken dito sa Pilipinas pero sabi niya basta this year.

"Shar, ang tagal ko ng nanliligaw sayo. Bat hindi mo ko kayang sagutin? Mahal mo naman ako diba?" Donny. Napatingin ako sakanya habang siya ay focus sa pagmamaneho.

"Donny, ilang beses na ba nating napagusapan to." sabi ko.

"Yeah yeah. Dahil wala pa ring makakatalo sa pagmamahal mo kay Jah."

"Alam mo Donny, mahal naman kita eh -----" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Yun naman pala eh. Mahal mo naman pala ako. So, bat mo pa pinapatagal ang panliligaw ko sayo?"

"Oo nga mahal na kita. Pero parang hindi pa ako handa na pumasok pa sa relasyon."

"Naiintindihan naman kita Shar, kaya lang matagal ng wala si Justin. Hindi naman pwedeng hindi ka na magmahal ulit at magpapasok ng bagong lalaki na mamahalin mo sa buhay mo." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Donny. Tumingin nalang ako sa bintana.

After ilang minutes nandito na kami sa bahay namin.

"Salamat Donny. Ingat ka." Tinanguan niya lang ako at bumaba na ko ng kotse. Pagbaba ko umalis agad siya. Napabuntong hininga nalang ako. Pumasok na ko sa bahay at nag ayos na. After ko magayos ay humiga na ko sa kama at nagbrowse sa phone. Nagulat ako ng may tumawag.

*Mika's Calling..*

M: Shar

S: Yes Mika?

M: Magkaaway kayo ulit ni Donny?

S: Hindi kami magkaaway.

M: Bat nakakunot ang noo niya ngayon? Anong nangyari?

S: Kasi nagkasagutan kami ng slight. *at kinwento ko lahat ng napag usapan namin ni Donny.*

M: Alam mo kasi Shar, naiintindihan ka namin na nasa puso mo pa rin si Justin. Pero sana maglaan ka ng space jan sa puso mo para may makapasok ka. Hindi naman mawawala ang pagmamahal mo kay Jah eh. Magmamahal ka lang talaga ulit. Sana bigyan mo ng chance si Donny. Nanjan siya lagi para sayo. Mabait naman si Donny. Iniintindi ka, inaalagaan. San ka pa. Napakaboyfriend material ni Donny. Kaya kung ako sayo Sharlene, pagisipan mo ng mabuti yung magiging desisyon mo okay? Kung ano man ang desisyon mo andito lang kami para isupport ka. Okay??

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Where stories live. Discover now