Chapter 15

38 4 2
                                    

Shar's POV

Nandito kami ni Jah sa sala at nanonood ng TV. Si Stell nagluluto sa kusina. Si Josh naman na sa kwarto niya. For sure naglalaro nanaman yun. Si Ken naman kasama si Gab. Si Sejun andun kila Micay. Na sabihan na din ni Jah sila Ken at Sejun na dito na pag dinnerin sila Micay at Gab para mameet na namin sila at mapagusapan yung plano bukas.

"Baby..." Tawag ko kay Jah.

"Yes baby??"

"Sa inyong lima ikaw pinakabunso pero ikaw unang kinasal. Hahaha.."

"Oo nga baby eh. Pero masaya naman ako eh. Kasi kinasal ako sa babaeng Mahal ko." Nakangiting sagot niya sakin.

"Sino Kaya sunod na ikakasal?"

"Sa tingin ko si Sejun. Matagal tagal na din naman sila ni Micay eh."

"Kung sabagay. Si Josh, Ken at Stell nalang single."

"Si Ken naman naghahanap lang yan ng timing para makadiskarte kay Gab. Ayaw niya naman biglain si Gab kasi ilang buwan pa lang sila magkakilala. Si Josh naman feeling ko may nagugustuhan yan or nililigawan. Masyado kasing malihim yung isang yun. Si Stell naman, Ewan ko ba dun. Malabo sila ni France parehas. Tsk tsk." Natawa ako sa sinabi ni Jah kay Stell.

"Pero baby sa tingin mo ba may gusto si Josh kay France? Or si France ang may gusto kay Josh? Or parehas si lang may gusto sa isa't isa?" Tanong sakin ni Jah.

"Kung ako tatanungin. Base sa pag tingin ko kay France sa mga reaction niya kapag ka usap niya si Josh parang kuya lang talaga Turing niya kay Josh. Kay Josh naman Hindi ko masyadong mabasa. Pwedeng meron pwedeng wala. Pero for sure si France walang gusto kay Josh. Kuya lang talaga tingin niya dun." Sagot ko.

"Kung sabagay. Ang tingin ko kay Josh the way he smiles parang may something eh. Pero ang instinct ko parang mag kaibigan lang talaga si lang dalawa."

"Tyaka baka mamaya relatives sila??"

"Kung mag relatives sila dapat sinabi ni Josh satin kanina. Eh ang sabi ni Josh mag kaibigan lang daw sila."

"Kung sabagay. Tanungin nalang natin mamaya."

"Sige.."

*Ding Dong*

"Ako na magbubukas." Sabi ko. Tumango naman si Jah.

Lumapit na ko sa pintuan at sumilip. Si Ken at si Gab siguro to. Binuksan ko ang pintuan.

"Hi Shar! Si Gab nga pala." Ken.

"Good evening po! " Bati sakin ni Gab.

"Hi Gab! Nice to meet you!" Nakangiting sabi ko kay Gab.

"Nice to meet you too po!" Nakangiting sabi niya. Ang bait naman nito. Nagp-po. Parang magkasing edad lang naman kami nito eh. Hahaha

"Pasok kayo." Nakangiting sabi ko sakanila. Pumasok naman sila at si Ken na ang nag assist kay Gab. Bumalik na ko sa sofa.

After ilang minutes lumabas si Josh.

"May susunduin lang ako saglit." Josh.

"Sino??" Takang tanong ni Jah.

"Girlfriend mo?? Or si France??" Nakangising tanong ko.

"Wala akong girlfriend."

"So Sino susunduin mo?"

"France." Nakangiting sabi niya.

"Be right back. Hahaha.." At lumabas na si Josh. Napatingin kami kay Stell na naghahanda na sa lamesa.

Tumayo kami ni Jah para tulungan si Stell. Tutulong Sana si Ken pero sabi namin wag na at kausapin nalang si Gab.

"May pagsundo pang nalalaman e nakapunta na naman yun dito Kaninang umaga. Psh." Bulong ni Stell na narinig naman namin.

"Bubulong bulong ka pa. Rinig naman namin. Haha.." Natatawang sabi ko.

*Ding Dong*

Si Ken na ang nag bukas ng pintuan. Patuloy nalang kami sa paghahanda.

"Ahm Jah, Stell, Shar.. " Napatingin kami sa tumawag samin. Si Sejun at yung girlfriend niya siguro to. So sila ang nag doorbell.

"Si Micay nga pala. Girlfriend ko. Micay sila Stell, Justin, and Shar nga pala." Pakilala ni Sejun.

"Hello po!" Masayang bati niya samin.

"Hello!" Masayang bati din namin kay
Micay.

"Doon muna kayo sa living room. Hintayin muna natin sila Josh."

"Nakasalubong namin si Josh, saan pala yun pupunta?" Sej.

"Susunduin daw si France sa baba."

"Ahh.. I see.. Kaya pala ang laki ng ngiti niya." nakangising sabi ni Sej. Tumalikod na sila samin at pumunta na sa living room.

Napatingin kami kay Stell na magkasalubong ang kilay.

"Chill lang Stell. Kaming bahala sainyo ni France." sabi ni Jah sabay kindat.

"Andito na sila Josh." sabi ni Ken mula sa sala. Maya maya lang ay pumunta dito sa kusina sila Josh at France..

"Hi France!" Bati namin ni Jah.

"Hello po." nakangiting bati niya samin pabalik.

"Hoy panget" tawag ni Stell. Tinignan siya ng masama ni France.

"Ano Stellvester?" iritabg sabi ni France.

"Nakapunta ka na dito nagpasundo ka pa." sabi ni stell sabay irap.

"Pake mo?" pagtataray din ni France. Bagay silang dalawa. Parehas silang may lihim na pagtingin sa isa't isa.

"Hep tama na yan. Kumain na tayo. Haha." natatawang sabi ni Jah. Tinawag na namin sila Sejun para pumwesto na.

Ganito ang pwesto namin.

Stell-France-Josh-Sejun-Micay

Jah-Ako-Gab-Ken

Pinagsilbihan na kami ng mga bebe namin.

Nilagyan ako ni Jah sa plato ng mga pagkain.

"Ubusin mo yan baby ha. Kailangan mong bumawi ng pagkain." Tumango nalang ako sa sinabi ni Jah. Tinignan ko yung iba. Pinaghahanda nila ag pinagsisilbihan yung mga babae sa buhay nila. Napatingin ako kay Stell. Napangiti ako sa nakita ko. Siniko ko si Jah na kinagulat niya. Napatingin siya sakin. Nginuso ko sila Stell. Napangiti din si Jah

Huli pero di kulong.. Hahaha..

Nakita lang naman namin na grabe pagsilbihan ni Stell si France. Andun talaga yung care ni Stell kahit na nagtatalo sila. Si Josh naman ngumingisi lang. Parang may something.. Hmmm...

Binaling ko nalang ulit sa pagkain yung focus ko. Napatingin kami nila Jah kay Josh ng magsalita ito at nanlaki ang mata namin ni Jah at ni Stell ng marinig ang tanong ni Josh.

"Sure ka bang may pag asa ako??"

"Oo nga po kuya Josh. Ang kulit.. Haha.." France..

"Naninigurado lang. Hahaha.." Josh.

"Josh, tanong ko lang nililigawan mo ba si France?" Tanong ko.. Nanlaki mata ni France sa tanong ko..

"Po? Nako po hindi po. Hehe.." France..

"Bat tinanong ka ni Josh kung may pag asa ba siya?"

"Ahh.. I think po si Kuya Josh po dapat magsabi. Hehe.." binalingan ko si Josh..

"Malalaman niyo rin soon." Nakangiting sabi ni Josh. Nakahinga ng maluwag si Stell..

Come back to me, My Love (The Revelations) [COMPLETED] Where stories live. Discover now