TDPG - 13

52.5K 700 20
                                    

Chapter 13

See the pretty little kid Lauren Denise on the side. *U*

*****

(Lauren's Point of View)

Kagagaling ko lang ng simbahan, araw ng linggo ngayon. Kapag ganitong araw, palagi ko silang naaalala...

Habang naglalakad ako pauwi, tumingin ako sa paligid, madaming mga bata at kasama nila ang kani-kanilang mga magulang. Sobrang saya ng bawat pamilyang narito na nagsimba. Kung hindi lang sana sila maagang nakuha mula sa’kin, siguro kasama ko sila ngayon.

Araw ng linggo ang pinakapaborito kong araw nung bata ako... Pero ganitong araw pala sila mawawala sa’kin. Ang pangyayaring iyon ang paulit-ulit na naaalala ko.

 

**flashback**

 

“Denise anak! San ka na naman pupunta?” kagagaling lang namin ng simbahan, at nagmamadali akong palabas ng bahay.

 

“Maglalaro lang kami mommy sa tree house.” sagot ko

 

“Tara na muna dito, kain muna tayo.” lumabas si mommy sa kusina at inayos ang hapagkainan namin.

 

“Mamaya na po mommy, babalik po agad ako promise.”

                                                     

“Denise, kain muna.” tawag sa’kin ni daddy, kaya napaatras na naman ako. Si daddy ay nakaupo sa sala at nagbabasa ng diyaryo.

 

Lumapit ako sa kanya at tumabi, “Dy, sandali lang po ako promise.”

 

“Oo, papayagan naman kita my princess. Pero kain muna tayo, okay?” tumingin siya sa’kin at tumango nalang ako.

 

Habang nagbabasa si daddy, napapailing-iling siya. Ano kaya binabasa niya sa diyaryo. =__= Biglang nag-ring ang telepono namin at sinagot naman ito ni mommy,

 

“Lando, telepono oh...” ibinaba ni daddy ang binabasa niyang diyaryo at pumunta na doon

 

Tinignan ko ang nakasulat sa diyaryo, ‘ISANG LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY’

                                                                                                                             

Mga ganitong balita ba talaga ang binabasa ng mga matatanda? =___=

Binasa ko pa ito...

The Double Personality GangsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora