TDPG - 25 (The last chapter)

56.8K 713 61
                                    

Chapter 25 (The Last Chapter)

Dedicated sa kanya dahil umpisa palang, isa na talaga siya sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat ng isang gangster story. Kaya ang una at huling chapter ay para sa inyo, Miss Ales. ^___^ Mehehe~

See LharNise & the Beks Friends FOREVER on the side FOR THE LAST TIME. *U* Lels. Ansaveeeh ng FOR THE LAST TIME? Hahahahaha! *__*

NOTE: See the video on the side for the teaser of UNCHAINED MYSTERY OF THE GANGSTERS (UMG) starring (naks! Lakas maka-starring no? XP) TOP, GD & DAE. Mehehehe~ May story din sila no. Lahat ng BigBang. *O* Abangan niyo after nitong TDPG ^___^ Thankies readers/friends! =))))))))))))))))))))))

*****

(Lyka’s Point of View)

“KUYA! ANO BANG PROBLEMA MO! TAMA NA ‘YAN!” katok ko sa kwarto niya, nagwawala siya sa loob. Pagdating niya lasing na lasing siya, may mga pasa pa siya sa mukha. Siguro napaaway siya. Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko naman matawagan si Lauren dahil nakapatay ang cellphone niya, pero sigurado akong tungkol kay Lauren ang dahilan ng pagwawala ni kuya.

“TANG’NA!!! MAHAL NA MAHAL KITA!!!” paulit-ulit niya lang sinasabi ang mga linyang iyon. Wala dito sila mommy at daddy, nasa bakasyon. Hindi ko alam ang gagawin ko, baka kung anong gawin ni kuya sa loob.

*boogsh!*

Panandaliang nanahimik matapos ang kalabog na iyon. Agad akong kinabahan...

“KUYA!!! BUKSAN MO ‘TO!!!” pilit kong kinakalabog ang pintuan pero walang sumasagot.

 

 

 

*tok* *tok* *tok*

Agad akong napababa ng marinig kong may kumakatok sa pintuan sa baba. Nagbabakasakaling matulungan ako ng taong kumakatok. Binuksan ko ito...

“ASAN SI LHARBY???” tanong niya kaagad, nakita ko na ‘tong lalaking ‘to. Ito ang kaibigan ni Lauren e.

“B-bakit?”

“ASAN SIYA? SAGUTIN MO NALANG AKO!”

“ANO BANG PROBLEMA? HINDI KO NA MAINTINDIHAN! SI KUYA KANINA PA NAGWAWALA SA KWARTO NIYA!” agad siyang umakyat at kinalampog ang pintuan ng kwarto ko.

“TANGE! KWARTO KO YAN! ETO KWARTO NI KUYA!” sigaw ko sa kanya

Agad naman siyang lumapit sa pintuan ng kwarto ni kuya, “LHARBY!!! BUKSAN MO ‘TO! ANO BA!!!!!” malakas niyang kinakalampog ang pintuan, halos masira na nga ito.

The Double Personality GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon